Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila

Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila OFFICIAL PAGE OF BARANGAY 19 ZONE 2 DISTRICT 1

P/B Josephine Fajardo

PLAQUE OF RECOGNITION 🏆Congratulations to Hon. Elizabeth C. Valdez, 3-Term Barangay Kagawad, on the successful completio...
03/09/2026

PLAQUE OF RECOGNITION 🏆

Congratulations to Hon. Elizabeth C. Valdez, 3-Term Barangay Kagawad, on the successful completion of three consecutive terms in office.

This recognition honors her dedicated service, exemplary leadership, integrity and unwavering commitment to public service and the continued progress of the community.

Congratulations, Kagawad Beth!

100% COMPLIANCE ACHIEVEMENT 🏆Lubos na nagpapasalamat ang Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila sa natanggap na Award and Reco...
03/09/2026

100% COMPLIANCE ACHIEVEMENT 🏆

Lubos na nagpapasalamat ang Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila sa natanggap na Award and Recognition para sa pagkamit ng 100% Compliance sa Weekly Community Cleanup and Declogging Drive Program.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng ating sama-samang pagsisikap, disiplina at malasakit para mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating barangay.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Manila Barangay Bureau at sa ating Mayor Isko Moreno Domagoso sa patuloy na pagkilala at suporta sa mga barangay na nagsusumikap para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa ating mga opisyal, kundi para sa buong Barangay 19!

31/08/2026

MAHALAGANG ANUNSYO: PARA SA LAHAT NG ATING PWD AT SOLO PARENT

Ang District Welfare Office I – Manila Department of Social Welfare (MDSWD) ay magkakaroon ng CONSULTATIVE MEETING tungkol sa PWD at Solo Parent Masterlist sa September 10, 2026.

Kaugnay nito, INAANYAYAHAN PO ANG LAHAT NG ATING PWD AT SOLO PARENT na magsumite ng XEROX COPY ng kanilang VALID PWD/SOLO PARENT ID o CERTIFICATE.

MAHALAGANG PAALALA:
✅Ayon po sa MDSWD, hindi kinakailangang ibase lamang ang listahan sa payroll mula sa mga nakaraang payout na ibinababa sa Barangay. Kaya naman, kinakailangan po na magsumite ang lahat ng ating PWD at Solo Parent ng XEROX COPY ng kanilang VALID PWD / SOLO PARENT ID o CERTIFICATE upang maisama at ma-update ang ating masterlist.
✅ Isasagawa po ang Consultative Meeting upang maayos at ma-update ang masterlist at upang makatulong na maiwasan ang mga reklamo.
✅HINDI PO MAAARING ISUMITE ANG STUB LAMANG.
Ang stub ay kailangan pa pong sumailalim sa validation. Kinakailangan po ang VALID PWD / SOLO PARENT ID o CERTIFICATE.
✅Kung EXPIRED na po ang inyong PWD/SOLO ID o certificate, kinakailangan muna itong i-renew bago magsumite.

📅 DEADLINE NG PAGSUSUMITE: SEPTEMBER 8, 2026 LAMANG
Mangyaring magsumite po ng xerox copy ng inyong valid ID/certificate sa Barangay sa loob ng itinakdang panahon.

Pakisabihan po natin at ipakalat ang impormasyong ito sa ating mga PWD at Solo Parent, lalo na po sa mga hindi aktibong gumagamit ng social media, upang sila rin ay magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa pagsusumite ng kanilang Xerox copy ng valid PWD/Solo Parent ID o Certificate.

August 29, 2026 | Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga kawani ng Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila sa pamumuno ng ating Of...
29/08/2026

August 29, 2026 | Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga kawani ng Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila sa pamumuno ng ating Officer-in-Charge, Jonathan Fajardo katuwang ang Brgy Council, Tanod, Street Sweepers, Lupon at Staff.



August 22, 2026 | Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga kawani ng Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila sa pamumuno ng ating Of...
22/08/2026

August 22, 2026 | Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga kawani ng Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila sa pamumuno ng ating Officer-in-Charge, Jonathan Fajardo katuwang ang Brgy Council, Tanod, Street Sweepers, Lupon at Staff.



Buong puso po kaming nakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng ating minamahal na Barangay Tanod na si Emilia Aban...
17/08/2026

Buong puso po kaming nakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng ating minamahal na Barangay Tanod na si Emilia Abanggan sa kanyang pagpanaw.

Maraming salamat sa iyong serbisyo, dedikasyon at malasakit sa ating barangay. Ang iyong kabutihan at mga naging ambag sa ating komunidad ay mananatiling bahagi ng aming alaala.

Nawa’y bigyan ng Panginoon ng lakas, kapanatagan at katatagan ang inyong pamilya sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

Paalam at maraming salamat sa iyong serbisyo, Ate Emy. 🕊️

17/08/2026

: Upon recommendation of the Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD), I am ordering the suspension of all classes in all levels in public and private schools on Tuesday, August 18, 2026, due to inclement weather brought about by the enhanced southwest monsoon (habagat).

According to the MCDRRMD, consistent weather models indicate moderate to heavy, at times intense rainfall expected throughout the day.

Schools are advised to shift to ADM or Alternative Delivery Mode.

Sewer Cleaning Update ‼Sa pangunguna ng ating Officer-in-Charge (OIC) Jonathan Fajardo, agad po nating binigyang-aksyon ...
15/08/2026

Sewer Cleaning Update ‼

Sa pangunguna ng ating Officer-in-Charge (OIC) Jonathan Fajardo, agad po nating binigyang-aksyon ang reklamo ng ilan nating mga residente hinggil sa umaapaw na sewer sa kahabaan ng Sta. Rosa Street, Sta. Barbara Street, Kagitingan Street at San Simon Street.

Napalinis na po ang mga nasabing sewer at natanggal ang mga naipong dumi na nagdudulot ng pag-apaw.

Maraming salamat po sa Maynilad Water Services, Inc. sa mabilis na pagtugon at aksyon upang matugunan ang problemang ito at mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng ating komunidad.

Address

920 Kagitingan Street
Manila
1012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share