Member of the Philippine House of Representative,
District Representative Manila, 3rd District.
18/09/2025
Sinaktan ka ba ng kapitbahay mo? 🤜🤛
Ngayong episode ng , tatalakayin natin kung ano ang mga puwedeng hakbang at kaso na pwedeng isampa kapag may ganitong insidente.
Mahalaga ito para alam natin ang ating karapatan para sa inyong kaligtasan. 🏠💙
18/09/2025
Mula sa trabahao sa Kongreso, dumiretso po tayo sa pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan - mula sa birthday, liga at lamay. Sa bawat pagkakataon, ang ating serbisyo ay tuloy-tuloy lamang po.
17/09/2025
AYAN ANG CONG. WE NEED!! 💙
Hindi lang sa Kongreso, kundi pati sa komunidad at kwento ng bawat ka-distrito. ❤️ ✨
16/09/2025
Committee on Senior Citizens
Chairperson: Rep. Milagros Aquino-Magsaysay
HB 1404 – Expanding the coverage of the senior citizen social pension to include non-indigents, and granting additional privileges, thereby further amending RA 7432, as amended
Principal author: Rep. Joel Chua
15/09/2025
✨ Quiapo Heritage Bill ni Cong Joel Chua, nasa komite na! ✨
Sa pakikipagtulungan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno at people's organizations, sinusulong na ang pagdedeklara ng Quiapo, San Sebastian, Plaza Miranda, at iba pa bilang National Heritage Zones. 🏛️
Kasaysayan na dapat pangalagaan, pamana na dapat ipagmalaki! 🇵🇭
15/09/2025
Hulaan ninyo mga ka-distrito, anong hopia itong kinakain ko? Hehe 🤔🥮
Basta ang sigurado, hindi kumpleto ang meryenda kung walang hopia sa mesa.
Kayo ba, anong go-to merienda niyo galing sa ating distrio? Share niyo na para sama-sama tayong magmeryenda! Kain na! 😋👌
15/09/2025
Saludo sa inyo, Bar Takers! ⚖️
Tapos na ang exam—ngayon oras nang magpahinga, magtiwala, at ipagpatuloy ang pagdarasal💪
14/09/2025
Congratulations, Louise Gabrielle Dasco!
Sya ay ating ka-distrito mula sa kabataan ng Barangay 375 na nagwagi bilang Miss Homeland Philippines 2nd Runner Up. Ako at ang buong distrito ay masaya at ipinagmamalaki ka. Ipagpatuloy mo lamang abutin ang iyong mga pangarap, at nawa’y mas marami ka pang award na makamit sa hinaharap. 💐👸👏
13/09/2025
Kung may unlimited kay Cong. Joel Chua, hindi lang trabaho kundi ang kape rin! 😅 ☕️
Tuloy-tuloy ang serbisyo, powered by coffee at pagmamahal para sa ating distrito at bansa. 🏛️💼
13/09/2025
Maligayang Kaarawan, Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.! 🎉
Mula sa Ikatlong Distrito ng Maynila, taos-puso ang aming pagbati ng isang maligayang kaarawan sa ating Pangulo. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas sa inyong pamumuno tungo sa pagkakaisa at kaunlaran ng ating bansa.
Maligayang bati po, Pangulong BBM! 🇵🇭
12/09/2025
Congratulations sa mga nahalal na School Parent-Teacher Association (SPTA) Presidents mula sa iba’t-ibang paaralan ng District 3. Tulong-tulong nating itaguyod ang kalidad ng edukasyon at maayos na pakikipagtulungan para sa kapakanan ng bawat mag-aaral sa ating distrito. Mabuhay ang District 3 SPTA! 🌟📚
Address
9412 Interior Bilibid Viejo Street , Quiapo Manila 1001
Be the first to know and let us send you an email when ATTY JOEL CHUA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
Si Konsehal Atty JOEL RESPALL CHUA kilala rin bilang ang ABOGADO ng DISTRITO pinanganak noong ika-17 ng Agosto taong 1972, Isang lehitimong Batang Maynila at laking Quiapo Maynila kagaya ng kanyang ama na si Ginoong Henry A. Chua nagmula rin sa Quiapo Maynila at ang kanyang ina naman na si Ginang Maria Luz R. Chua ay tubong Bicol. Panganay sa tatlong mag kakapatid sumunod sa kanya si Mary Grace at ang bunso naman ay si MaryAnne. Kinasal siya kay Eiline Buenaventura Chua at sila naman ay biniyayaan ng tatlong anak sila ay si Maria Sophia, Henri Miguel at Maria Samantha.
Siya ay nag-aral ng Elementarya at ng High School sa Hope Christian High School sa Santa Cruz, Maynila at nakapag tapos ng Kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa University of Santo Tomas at Bachelor of Laws sa San Sebastian College-Recoletos at Masters in Public Adminitration (masteral student) sa University of the Philippines (UP), Diliman Quezon City.
Gamit ang kanyang Pinag-aralan at Propesyon bilang Abogado siya ay maagang nasabak sa Serbisyo Publiko una siyang naging Legal Consultant sa Senado sa opisina ni Senador Manuel “Lito” Lapidmula 2004-2005 at nahirang rin bilang Technical Staff sa Kongreso sa opisina noon ni Congressman Ignacio “iggy” Arroyo mula 2005-2007.
Dahil siya ay nag pakadalubhasa sa kanyang Propesyon at nahasa sa larangan ng Serbisyong Publiko siya ay hindi nakalimot at ninais na ipamahagi ang kanyang kaalaman sa kanyang nasasakupang Distrito siya ay nag bakasakali at sumubok na tumakbong Konsehal ng ika-3 Distrito ng Maynila. At sa unang subok dahil na rin sa dedikasyon at pagmamahal sa Distrito siya pinagkatiwalaan ng mamamayan at na halal bilang Konsehal. Kanyang ipinagpatuloy ang tapat na pag seserbisyo at tulong na nadarama at nakilala na bilang ABOGADO ng DISTRITO kaya sa pamamagitan ng kanyang galing at talino siya ay nakatapos ng TATLONG TERMINO bilang Konsehal (2007 hanggang 2016).
Natapos ang kanyang termino bilang Konsehal pero muli siyang pinag katiwalaan ng kauna unahang babaeng Bise Alkalde ng Maynila na si Doktora Honey Lacuna na maging Secretary to the Vice-Mayor para maging kaagapay at kaisa ng Bise-Alkalde sa Serbisyo Publiko mula July 1,2016 hanggang Oktubre 2018.
Nakaraang halalan (May 13, 2019) Dahil na rin sa iniwang tapat na Serbisyo sa kanyang Distrito muli po siyang lumahok para Konsehal ng ikatlong Distrito at muli po siyang pinagkatiwalaan ng kanyang minamahal na ka Distrito at naupo siya uli bilang Konsehal at nahirang bilang MAJORITY FLOOR LEADER of the 11th City Council of Manila.
“hinding-hindi po ako mag sasawang ipagtanggol at tulungan kayo”