League of Filipino Students - UP Manila

League of Filipino Students - UP Manila UP Manila chapter of League of Filipino Students, the leading anti-imperialist youth organization of the Philippines

Nakiisa ang LFS UPM sa isinagawang ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—ฅ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ngayong araw, August 17, sa UP Manila. Sa kabila ng napakalakas na ula...
17/08/2026

Nakiisa ang LFS UPM sa isinagawang ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—ฅ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ngayong araw, August 17, sa UP Manila. Sa kabila ng napakalakas na ulan at halos lagpas-tuhod na baha sa Pedro Gil at Padre Faura, mas umalingawngaw pa rin ang nagkakaisang tinig ng mga kabataan bitbit ang mga panawagan sa loob ng pamantasan at ng bayan.

Partikular na kinondena ng organisasyon ang imperyalistang panghihimasok ng US sa ekonomiya at teritoryo ng Pilipinas, kabilang ang pagsusulong ng Pax Silica na higit na magtatali sa atin sa mga interes ng dayuhang kapital at imperyalismo.

Ang kailangan natin ay tunay na pambansang industriyalisasyon na magtataguyod ng tunay na pag-unlad kung saan hindi isinasakripisyo ang kalagayan at kabuhayan ng mga magsasaka, ang mga karapatan ng mga katutubo, ang kapakanan ng mga komunidad, at ang ating mga likas-yaman at kalikasan.

๐—ฅ๐—˜๐—๐—˜๐—–๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ซ ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”!
๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข, ๐—ฃ๐—ฌ๐—จ๐——๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข, ๐—•๐—จ๐—ฅ๐—จ๐—ž๐—ฅ๐—”๐—ง๐—” ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข, ๐—œ๐—•๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ž!

Sumali sa LFS UPM: https://bit.ly/joinLFSUPM

LFS UPM AT SUHAY ORG FAIR 2026! โ›…๏ธ๐Ÿ”ปRain or shine ๐ŸŒฆ, nakikiisa ang League of Filipino Students - UP Manila sa Suhay Organ...
12/08/2026

LFS UPM AT SUHAY ORG FAIR 2026! โ›…๏ธ๐Ÿ”ป

Rain or shine ๐ŸŒฆ, nakikiisa ang League of Filipino Students - UP Manila sa Suhay Organization Fair and Campus Tour ngayong araw. โค๏ธ

Bisitahin lang ang aming booth sa Gusaling Andres Bonifacio Lobby hanggang bukas, August 13. You can also checkout our affordable stickers, necklaces, and pins. ๐Ÿ˜

Sa mga nais din sumali sa aming organisasyon, maaari rin magpa-set ng orientation sa aming booth or via sa bit.ly/JoinLFSUPM ๐Ÿ‘ˆ



23/07/2026
๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฌ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—›๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐—”๐—• ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”'๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐Ÿ”ฅโœŠ๐ŸปSa panahong patuloy na sinusubok ang kinabu...
14/07/2026

๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฌ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—›๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐—”๐—• ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”'๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—š๐—ข
๐Ÿ”ฅโœŠ๐Ÿป

Sa panahong patuloy na sinusubok ang kinabukasan ng kabataanโ€”mula sa krisis sa edukasyon, tumitinding kahirapan, mga usapin ng pananagutan, hanggang sa mga hamon sa ating demokrasyaโ€”higit kailanman, kinakailangan ang isang kabataang mulat, mapanuri, at handang makialam.

Hindi lamang tayo tagamasid ng kasaysayan. Tayo ang mga kabataang may kakayahang magsuri sa kasalukuyan at sama-samang humubog ng isang mas makatarungan at makataong kinabukasan.

Inaanyayahan ang lahat ng mga kabataan, mag-aaral, mga konsehong pangmag-aaral, mga publikasyon, organisasyon, at mga lider-estudyante na makiisa sa ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—”๐—ฑ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ na gaganapin ngayong ๐—๐˜‚๐—น๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, sa Conference Hall ng IFI National Cathedral. Isang pagtitipon ng pagkakaisa, diskurso, at kolektibong paninindigan para sa karapatan, pananagutan, at tunay na pagbabago. Magsama-sama tayo upang palakasin ang tinig ng kabataan at itaguyod ang mga adhikaing nagmumula sa ating mga pamayanan, paaralan, at sambayanan.

Hindi sapat ang maging pag-asa ng bayanโ€”panahon nang maging lakas ng pagbabago.

Para sa mga gustong sumama, sagutan lamang ang ating registration form:
https://forms.gle/CmdUBx1NinvNQYMu6
https://forms.gle/CmdUBx1NinvNQYMu6
https://forms.gle/CmdUBx1NinvNQYMu6



Buong pusong ineendorso ng League of Filipino Students UP Manila ang mga kandidato ng Sulong UP Manila ngayong 2026 Gene...
28/06/2026

Buong pusong ineendorso ng League of Filipino Students UP Manila ang mga kandidato ng Sulong UP Manila ngayong 2026 General Student Council Elections na sina

๐’๐“๐€๐๐ƒ๐€๐‘๐ƒ ๐๐„๐€๐‘๐„๐‘๐’
Chryztiane Jyca A. SANTOS - USC CHAIRPERON
Ian Brenard D. MARBIBI - USC VICE CHAIRPERSON

๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹๐Ž๐‘๐’
Isabella Louise B. BADON - PEOPLEโ€™S STRUGGLES
Guianna Pauline C. KABILING - STUDENTSโ€™ RIGHTS, WELFARE, BASIC STUDENT SERVICES
Aeronn Kim G. DELOS SANTOS - GENDER, CULTURE, & ARTS
Judeson M. CABULISAN - HEALTH

Dahil sa lumalalang krisis sa lipunan, nagpapatuloy at dumarami ang rason para sa mga kabataan na higpitan pa ang paghawak sa ating tungkuling ipagtanggol ang ating kinabukasan mula sa mga pahirap at pasistang rehimeng US-Marcos-Duterte. Pilit hinuhubog ng sistema ng edukasyon ang mga kabataan bilang sunud-sunurang murang lakas paggawa para sa mga dayuhang korporasyon. Danas ng UP Manila at Philippine General Hospital ang kakulangan sa pondo para sa edukasyon at kalusugan. Tinatali sa Return Service Agreement ang mga nagnanais maging health professionals habang overworked at underpaid pagka-graduate.

Dagdag sa pananamantala sa lakas paggawa ng Pilipinas, hinahayaan din ni BBM ang pandarambong sa ating likas-yaman at pag-agaw sa mga lupa ng mga magsasakaโ€™t katutubo sa pamamagitan ng pagbukas ng Luzon Economic Corridor bilang silang Economic Zone alinsunod sa pagsali sa Pax Silica initiative ng United States.

Kaliwaโ€™t kanan din ang paglulunsad ng joint military exercises katulad ng Balikatan, Salaknib, at Kamandag exercises sa diwa ng โ€œpagkakaibiganโ€ at modernisasyon ng pasistang AFP at PNP, ang numero unong kumikitil sa karapatan at buhay ng mga Pilipino.

Kaya naman nag-uumapaw ang rason para mamulat, maorganisa at kumilos ang mga kabataan. Nagpapatuloy ang kasaysayan ng LFS UP Manila sa pag-anak ng mga nag-aaral, naglilingkod at nangangahas makibakang lider-estudyante at organisador sa pamantasan hanggang sa labas nito. Kayaโ€™t hamon sa buong komunidad na palakasin pa ang diwang anti-imperyalista ng komunidad ng UPM. Sama-samang buhayin ang partisipasyon at representasyon at kamtin ang mga tagumpay!

Bumoto at magpaboto! Tumindig para sa tunay na representasyon ng sangkaestudyantehan!

Hold the line! Dare to Struggle! Reverse the tide!


19/06/2026
19/06/2026

๐ŸŒˆ KAY AK, MAY AKSYON PARA SA LAHAT! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

โœ… Agarang AKsyon? CHECK!
โœ… MAKamasamang solusyon? CHECK!
โœ… KaAKbay sa Bawat Hamon sa Gender, Kultura, at Sining? CHECK NA CHECK!

Naghahanap ka ba ng lider na hindi lang nakikinig, kundi handang maging kaAKbay mo sa gender, kultura at sining? Hindi lang ingay ang dala, kundi ang hinaing ng masa ay aking pakikinggan.

Sa panahon ng neoliberalismong edukasyon, ang Iskolar ng Bayan ay titindig para sa bawat estudyante upang sa tunay na pagkakapantay-pantay! KaAKibat ninyo ako! a-AKsyunan natin yan!

Hindi lang ito basta pangako, may plano at AKsyon para
โœจ mAKamit ang tunay na safe space
โœจ mAKalahok sa mas malawak na laban para sa karapatan
โœจ mAKasaksi sa pag-usbong ng makabayang sining at kultura

Siguradong TatAK Delos Santos ang serbisyo! PAK na pAK na AKsyon ang maahasahan! Kaya sa bawat lavarn ng buhay, si AK iyong kaAKbay!

AERON KIM DELOS SANTOS, PARA SA GCA COUNCILOR









19/06/2026

SI GUI, ANG IYONG KASANGUI โœŠ

๐Ÿ‘ฅ KaSANGGUI mo sa laban para sa abot-kayang student services?
โœ”๏ธ Si GUI na 'yan!

๐Ÿ“ข KaSANGGUI mo sa pagpapalakas ng boses ng estudyante?
โœ”๏ธ Si GUI na tara!

๐Ÿค KaSANGGUI mo sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng bawat Iskolar ng Bayan?
โœ” ๏ธ Si GUI langgg!

Dahil sa bawat laban ng estudyante, kailangan ng kasama. At si GUIANNA PAULINE KABILING ang iyong KASANGGUI! โœŠ๐Ÿ”ฅ

Para sa representasyon na may pagkilos.
Para sa serbisyong may paninindigan.
Para sa sangkaestudyantehan.

Sa hamon at hirap ng neoliberal na edukasyon, mala-kolonyal at mala-piyudal na lipunan, ang karapatan ng bawat Iskolar ng Bayan ay dapat natatamasa nang walang kabaha-bahala sa kanilang magiging lagay sa pamantasan. Ang bawat karapatang-estudyante ay kinakailangan ng boses na tumataginting ng tunay, palaban, at makabayang diwa. Lagi't lagi para sa sangkaestudyantehan. โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

GUIANNA PAULINE KABILING, para sa STRAWBS Councilor!










Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when League of Filipino Students - UP Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to League of Filipino Students - UP Manila:

Shortcuts

Share