07/10/2026
πΏ ππππππππ πππππππ | ππππ
Isang makabuluhan at produktibong Courtesy Meeting ang isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Sauyo sa pamumuno ni Punong Barangay Noel F. Vitug kasama sina Kagawad Rizza Joy P. Magtibay, Kagawad Carlos D. Apo, Kagawad Symond R. Del Mundo, Kagawad Camille J. Dela Cruz, Kagawad Karen Quilo-Diaz, Kagawad Dindo M. Alvarez, at Kagawad Luz P. Savilla, kasama ang mga kinatawan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC).
Dumalo rin sina Street Sweeper Head Imelda Maneclang, Sanitary Inspector Marife Balanoyos, at TWG Staff Gerome Ramos.
Layunin ng pagpupulong ang paglilinaw at pagtalakay sa overall score ng Barangay Sauyo para sa Barangay Seal of Good Housekeeping ng Quezon City Local Government, gayundin ang pagbibigay ng mga suhestiyon at rekomendasyon upang higit pang mapahusay ang mga programa at serbisyo ng barangay.
Naging pagkakataon din ito upang magkaroon ng mas malalim na talakayan tungkol sa mga konkretong hakbang kung paano pa mapapalakas ang pagpapatupad ng mga programa, partikular sa kalinisan, pangangalaga sa kapaligiran, waste management, at pagpapanatili ng isang malinis at maayos na Barangay Sauyo. π±
Patuloy ang Sangguniang Barangay ng Sauyo sa pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng Quezon City Government upang matuto, mapabuti ang mga sistema, at higit pang maiangat ang kalidad ng serbisyong hatid sa bawat Sauyonian.