08/04/2026
β‘ OPISYAL NA ANUNSYO MULA SA BARANGAY β‘
LIBRENG CHARGING STATION PARA SA MGA E-BIKE OWNERS
Alam namin at ramdam ng bawat isa ang patuloy na pagtaas ng presyo ng Gasolina, na direktang nakakaapekto sa pang-araw-araw na gastusin ng ating mga kababayan.
Bilang tugon, ang ating Barangay ay agad na kumikilos upang magbigay ng praktikal at makabuluhang solusyon.
Simula BUKAS, April 9, magbibigay ang Barangay ng LIBRENG CHARGING STATION para sa lahat ng E-Bike users.
β° Oras: 8:00 AM β 5:00 PM (o habang may liwanag)
π
Panahon: Mula Abril hanggang matapos ang Mayo
π Mga Lokasyon:
β’ Barangay Hall ng Tulay A
β’ Health Center
β’ Mga itinalagang espasyo sa Barangay
π Requirements / Paalala:
β’ Magdala ng sariling extension outlet
β’ Ipwesto ang E-Bike sa maayos at ligtas na lugar
β’ Sumunod sa mga alituntunin ng Barangay
Layunin ng programang ito na:
β
Makatulong sa gastusin ng ating mga residente
β
E-Bike bilang alternatibong transportasyon
β
Makapagbigay ng praktikal na solusyon sa mataas na presyo ng gasolina
β
Maisulong ang malinis at sustainable na enerhiya sa ating komunidad
β
imaximize ang paggamit ng solar energy na mayroon ang ating barangay
Inaanyayahan ang lahat na makinabang at makiisa sa programang ito.
Maraming Salamat po