01/09/2026
Mabilis na Aksyon para sa Marikeños
Sa pangunguna ni Councilor Samuel “SF” Ferriol, umalis ganap na 9:00 ng umaga ang SF Engine, SF Tanker 2, at SF Ambulance para magsagawa ng flushing operation sa Marikina High School at Malanday Elementary School.
Ang dalawang paaralan ay nagsilbing evacuation centers para sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat.
Patuloy ang pagkilos upang mapanatiling malinis, ligtas, at handa ang mga evacuation area para sa mga Marikeñong nangangailangan. 💙