22/08/2026
Resolusyong nagpapahayag ng ating taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa lahat ng mga naging katuwang sa matagumpay na pagkakahuli sa suspek sa pananaga sa dalawang magtiyahin sa Malanday ππΌ
Ang insidenteng ito ay nagdulot ng matinding pangamba at lungkot sa ating komunidad. Higit sa lahat, nakikiisa tayo sa pamilya at mga biktima sa hirap at sakit na kanilang dinanas. Dalangin natin ang kanilang ligtas, mabilis, at ganap na paggaling mula sa trahedyang ito.
Subalit sa gitna ng pagsubok na ito, nanaig ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng ating lipunan.
Lubos po nating kinikilala at pinasasalamatan ang ating Local Government Unit (LGU), sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Maan, sa patuloy nitong suporta at pamumuno sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating lungsod. Gayundin, ating binibigyang-pugay ang ating mga opisyal ng barangay, ang Marikina Philippine National Police (PNP), at ang bawat mamamayang nagbigay ng mahalagang impormasyon at nakipagtulungan sa mga awtoridad. Ang kanilang mabilis na pagkilos, dedikasyon, at malasakit ang naging daan upang agad na mahuli ang suspek at mabigyan ng pag-asa ang mga biktima at kanilang mga pamilya na mananaig ang hustisya.
Ang tagumpay na ito ay nagpapatunay na ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay hindi lamang tungkulin ng iisang ahensya. Ito ay bunga ng matatag na ugnayan ng lokal na pamahalaan, mga tagapagpatupad ng batas, mga opisyal ng barangay, at ng mismong sambayanan π