Ka AYA - Ayang Loma De Gato

Ka AYA - Ayang Loma De Gato Official Page of Kapitan Aya Saycon

🎬 PULMONARY TUBERCULOSIS AWARENESS REELS MAKING CONTESTSlogan: 'Pag kalusugan, sa Loma Go Na!'1. Mga Pangunahing Tema na...
14/08/2026

🎬 PULMONARY TUBERCULOSIS AWARENESS REELS MAKING CONTEST
Slogan: 'Pag kalusugan, sa Loma Go Na!'

1. Mga Pangunahing Tema na Dapat Itampok (Key Themes)
Ang iyong reel ay dapat nakatuon sa isa o higit pa sa mga sumusunod:

2 Weeks Persistent Cough: Ubo na tumatagal ng dalawang linggo.
Early Symptoms Screening: Maagang pagsusuri ng mga sintomas.

TB is Curable & Free!: Ang TB ay magagamot at libre!
Stigma Reduction & Support: Pagbawas sa diskriminasyon at pagbibigay ng suporta.

2. Sino ang Maaaring Sumali (Eligibility)
Bukas sa lahat ng mga residente ng Loma de Gato (lokal, komunidad, o mga grupo ng kabataan).

3. Mga Alituntunin at Gabay sa Paligsahan (Contest Guidelines)
Format: Patayong video o Vertical (9:16 Reels).
Duration (Haba): Dapat ay nasa 30 hanggang 60 segundo ang haba.

Platform: I-upload ito sa Facebook Reels.
Opisyal na Hashtag: Kinakailangang gamitin ang mga sumusunod na hashtag sa iyong post:
at i-tag ang Loma de Gato Health Center

4. Mga Premyo (Prizes)
1st Place: β‚±5,000
2nd Place: β‚±3,000
3rd Place: β‚±2,000

5. Deadline at Anunsyo
Deadline ng Pagpasa (Submission): Agosto 17, 2026
Anunsyo ng mga Nanalo: Agosto 19, 2026 β€” World TB Day

I-send ang link ng inyong reels s fb page ng Loma de Gato Health Center messenger para ma-acknowledge namin ang inyong pagsali

Isang panibagong simula para sa Golden Hills Homeowners Association bilang bagong hanay ng mga opisyal na handang gampan...
11/08/2026

Isang panibagong simula para sa Golden Hills Homeowners Association bilang bagong hanay ng mga opisyal na handang gampanan ang kanilang tungkulin para sa kapakanan ng kanilang komunidad.

Binabati natin ang lahat ng nanumpa sa kanilang tungkulin. Nawa’y maging daan ang kanilang pamumuno sa mas maayos na ugnayan, pagkakaisa, at mga programang makatutulong sa bawat residente.


Isang mahalagang hakbang para sa mas maayos at mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay a...
11/08/2026

Isang mahalagang hakbang para sa mas maayos at mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay ang blessing at ribbon cutting ng bagong Health Center noong Agosto 10, 2026.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Marilao, sa pangunguna ni Mayor Atty. Jem Sy, sa patuloy na suporta at pagtulong upang mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad.

Sa bagong Health Center, mas mapapalapit pa natin ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilya ng Loma de Gato.


Isang bagong hakbang para sa mas maayos at nagkakaisang samahan ng mga homeowners ng Marilao Green Homeowners Associatio...
11/08/2026

Isang bagong hakbang para sa mas maayos at nagkakaisang samahan ng mga homeowners ng Marilao Green Homeowners Association.

Binabati natin ang mga bagong halal na opisyal na nanumpa sa kanilang tungkulin. Nawa’y maging katuwang sila sa pagsusulong ng mga programa at adhikaing makatutulong sa kanilang komunidad.


KALINISAN DAYTotal Volume (Weight in KG.) : 350kgsTotal number of Participants (Including BOs, SK, CSO Members, Private ...
10/08/2026

KALINISAN DAY

Total Volume (Weight in KG.) : 350kgs
Total number of Participants
(Including BOs, SK, CSO Members, Private Sector, Individuals, Others): 17
Total number of Barangay Official Participated
(Elected and Appointed): 3
Total number of SK Participated: 0
Total number of CSOs Participated
(Non-Individual): 0





Patuloy nating inilalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa bawat purok. Nitong August 4, 2026, matagumpay na naisagaw...
07/08/2026

Patuloy nating inilalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa bawat purok. Nitong August 4, 2026, matagumpay na naisagawa ang Purok Kalusugan kung saan maraming residente ang nakinabang sa iba't ibang libreng serbisyong medikal.

Naitalang Serbisyo:
β€’ Consultation – 57
β€’ Laboratory – 33
β€’ Eye Check-up – 23
β€’ Yakap Registration – 15
β€’ Immunization – 40
β€’ Family Planning – 8
β€’ HPN/DM Maintenance – 67

Kabuuang mga Benepisyaryo: 120

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Barangay ng Loma de Gato sa pangunguna ni Kap. Aya Saycon, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Marilao sa pamumuno ni Mayor Atty. Jem Sy, sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan na mas malapit at mas abot ng bawat mamamayan.



Mula sa bawat hakbang, ngiti, at pagtutulungan, naging makabuluhan ang gabing ito para sa ating komunidad.Taos-puso po a...
05/08/2026

Mula sa bawat hakbang, ngiti, at pagtutulungan, naging makabuluhan ang gabing ito para sa ating komunidad.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Marilao sa pangunguna ni Mayor Atty. Jem Sy sa patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan para sa ating mga mamamayan.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Kap. Aya Saycon sa kanyang patuloy na pangunguna at pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng inspirasyon at benepisyo sa mga taga-Loma de Gato.

Maraming salamat din sa lahat ng runners, volunteers, sponsors, partner agencies, at mga residenteng nakiisa. Hanggang sa muli, sama-sama tayong tumatakbo tungo sa mas malusog na komunidad!


KALINISAN DAYTotal Volume (Weight in KG.) : 390kgsTotal number of Participants (Including BOs, SK, CSO Members, Private ...
03/08/2026

KALINISAN DAY

Total Volume (Weight in KG.) : 390kgs
Total number of Participants
(Including BOs, SK, CSO Members, Private Sector, Individuals, Others): 19
Total number of Barangay Official Participated
(Elected and Appointed): 3
Total number of SK Participated: 0
Total number of CSOs Participated
(Non-Individual): 0





Pinapaalalahanan po ang lahat ng ating mga residente at mga motorista na asahan ang mabigat na daloy ng trapiko o pansam...
31/07/2026

Pinapaalalahanan po ang lahat ng ating mga residente at mga motorista na asahan ang mabigat na daloy ng trapiko o pansamantalang pagsasara ng ilang bahagi ng Heritage Homes Main Road ngayong araw dahil sa pagsasagawa ng TakboKalusugan: Loma de Gato Night Run for Diabetes Awareness.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Kung maaari, gumamit ng alternatibong ruta, maglaan ng karagdagang oras sa biyahe, at sundin ang mga tagubilin ng ating traffic enforcers at event marshals.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon upang maging ligtas at maayos ang ating programa.


Address

Loma De Gato
Marilao
3019

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ka AYA - Ayang Loma De Gato posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share