22/09/2026
Sama-sama tayo sa laban kontra dengue, mga ka-Barangay! 🦟🛡️
Let's support the ABKD (Aksyon Barangay Kontra Dengue) program of the DILG and DOH to keep our community safe. Protektahan natin ang ating pamilya sa pamamagitan ng Enhanced 4S Strategy:
1. Search and Destroy – Itapon o sirain ang mga pinamumugaran ng lamok tulad ng mga gulong at nakaimbak na tubig.
2. Self-Protection Measures – Gumamit ng mosquito repellent at magsuot ng mahabang pantalon o kasuotan.
3. Seek Early Consultation – Magpatingin agad sa pinakamalapit na health center kung may sintomas ng dengue.
4. Support Fogging/Spraying – Suportahan ang pag-spray sa mga hotspot areas upang tuluyang mapuksa ang mga lamok.
Gawing malinis, ligtas, at dengue-free ang ating komunidad. Ako, ikaw, tayo—kontra Dengue! 💪✨