Matuguinao Tourism Office

Matuguinao Tourism Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Matuguinao Tourism Office, Government Organization, Matuguinao, Samar, Matuguinao.

MEET OUR MUTYA SAN MATUGUINAO: VANESSA ORQUIN ADELAN FOR MUTYA SAN SAMAR 2026 πŸ‘ΈWith great pride and excitement, we proud...
06/07/2026

MEET OUR MUTYA SAN MATUGUINAO: VANESSA ORQUIN ADELAN FOR MUTYA SAN SAMAR 2026 πŸ‘Έ

With great pride and excitement, we proudly present our Mutya san Matuguinao, Vanessa Orquin Adelan, as she represents our municipality in Mutya san Samar 2026.

From the heart of our town comes a name that carries more than identity. She carries Matuguinao itselfβ€”its beauty, its strength, its humility, and its unshakable pride. She reflects the spirit of the place she comes from and brings it wherever she stands.

She is Matuguinao, alive in presence, proud and strong, with a spirit that is loud and unwavering.

A true pride of Matuguinao and a story we are honored to share.

We stand with you all the way, Mutya. πŸ‘Έβœ¨

Samar Project Production Shoot | Municipality of MatuguinaoFor two days, the Provincial Government of Samar, through the...
01/07/2026

Samar Project Production Shoot | Municipality of Matuguinao

For two days, the Provincial Government of Samar, through the Samar Provincial Tourism, Arts and Culture Office (SPTCAO), in partnership with First Light Studios, visited the Municipality of Matuguinao for the Samar Project Production Shoot.

Before the shoot started, the team paid a courtesy visit to the Local Government Unit of Matuguinao led by Mayor Aran Dela Cruz Boller.

The production featured some of the municipality’s must-visit destinations, including Cathedral Cave, Bukalan Cave, Maslog Cold Spring, and Sulpan Maleho Cave and Cold Spring. These stunning locations will soon be showcased to inspire more people to discover the natural beauty and adventure that Matuguinao has to offer.

Our sincere thanks to everyone who helped make the two-day production shoot a success. We can’t wait to share the final AVP with you.



πŸ“ΈEd FLo Basilio

PUBLIC ADVISORYπŸ“’Please be advised that Maslog Cold Spring will be temporarily closed to the public on June 27, 2026 (Sat...
26/06/2026

PUBLIC ADVISORYπŸ“’

Please be advised that Maslog Cold Spring will be temporarily closed to the public on June 27, 2026 (Saturday) due to an exclusive reservation. As such, no walk-in visitors will be accommodated on the said date.

Guests who wish to visit are encouraged to explore Matugnaw Spring and Sulpan Maleho Cave and Cold Spring, which will remain open to the public. Maslog Cold Spring will resume its regular operations on June 28, 2026 (Sunday).

Thank you for your understanding and cooperation.

IKA-128 ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINASBuong pagmamalaking ginunita ng Bayan ng Matuguinao ang Ika-128 Anib...
12/06/2026

IKA-128 ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS

Buong pagmamalaking ginunita ng Bayan ng Matuguinao ang Ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong Hunyo 12, 2026 sa Municipal Cultural Center.

Nagsimula ang pagdiriwang sa isang makulay na parada na nilahukan ng Matuguinao Municipal Police Station ng Philippine National Police (PNP), 33rd Special Action Company ng Philippine National Police–Special Action Force (PNP-SAF), 43rd Infantry Battalion ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP)–Matuguinao Fire Station, mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Matuguinao sa pangunguna ni Punong Bayan Hon. Aran dela Cruz Boller at mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Pangalawang Punong Bayan Hon. Cleofe C. Belonio, mga kawani ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), mga mag-aaral, mga Punong Barangay, Matuguinao Federation of Senior Citizens Association, Child Development Workers, at mga kinatawan ng iba't ibang Civil Society Organizations.

Kasunod nito ay isinagawa ang Pagtataas ng Watawat bilang pagpapakita ng paggalang at katapatan sa Republika ng Pilipinas. Sinundan ito ng Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas at Pagpupugay sa Watawat bilang pagpapatibay ng ating pagmamahal at pagkilala sa ating pambansang pagkakakilanlan.

Bilang paggunita sa kabayanihan ng ating mga ninuno, pinangunahan ni Mayor Hon. Aran dela Cruz Boller ang pag-aalay ng bulaklak sa ating mga Bayani bilang tanda ng taos-pusong pag-alala, pasasalamat, at pagkilala sa kanilang sakripisyong nagbigay-daan upang makamit ang kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan.

Nagkaroon din ng sama-samang pag-awit ng β€œAng Bayan Ko’y Tanging Ikaw” na nagpaalala ng ating pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at patuloy na paninindigan para sa kalayaan.

Sa pagbubukas ng programa, naghatid ng kanyang pambungad na mensahe si Pangalawang Punong Bayan Hon. Cleofe C. Belonio, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pag-alala sa kasaysayan at pagpapatuloy ng diwa ng pagiging makabayan sa kasalukuyang henerasyon. Nagbigay rin ng natatanging pagtatanghal ang BIDLISIW Chorale na nagdagdag ng kulay at inspirasyon sa pagdiriwang.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Hon. Aran dela Cruz Boller ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at sama-samang pagkilos tungo sa patuloy na pag-unlad ng Matuguinao. Kanyang binanggit na kamakailan lamang ay matagumpay na naideklara ang Bayan ng Matuguinao bilang may Matatag na Kalagayang Pangkapayapaan at Panseguridad o Stable Internal Peace and Security (SIPS). Ayon sa kanya, hindi dapat magtapos sa deklarasyong ito ang ating hangarin para sa kalayaan. Ang tunay na diwa ng kalayaan ay maisasabuhay at mapananatili lamang kung magpapatuloy ang pagkakaisa, pagkakaunawaan, at sama-samang pagkilos para sa kapayapaan at kaunlaran ng bayan.

Sa pagtatapos ng programa, naghatid ng pangwakas na mensahe si Sangguniang Bayan Member Hon. Valentin B. Morillo, na nagpaalala sa lahat na ang kalayaan ay dapat pangalagaan at isabuhay sa araw-araw sa pamamagitan ng malasakit, disiplina, at pagmamahal sa kapwa at bayan.

Ang pagdiriwang na ito ay nagsilbing paalala na ang kalayaang ating tinatamasa ngayon ay bunga ng sakripisyo ng ating mga bayani. Nawa’y patuloy natin itong pahalagahan at gamitin bilang inspirasyon sa patuloy na pagpapatatag ng isang mapayapa, maunlad, at nagkakaisang Bayan ng Matuguinao.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Bayan ng Matuguinao!

Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.



12/06/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-128 Araw ng Kalayaan ng ating minamahal na Republika ng Pilipinas, buong puso kong binabati ang bawat mamamayan ng Matuguinao at ng buong sambayanang Pilipino. Ang araw na ito ay paalala ng kabayanihan, pagkakaisa, at walang kapantay na pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng ating mga ninuno upang makamit ang kalayaang ating tinatamasa ngayon.

Tayo, bilang mga Pilipino at mga anak ng makabagong himagsikan, ay may tungkuling ipagpatuloy ang laban laban sa anumang pwersang yumuyurak sa dangal, karapatan, at soberanya ng ating bansa. Nawa’y maging inspirasyon natin ang katatagan, sakripisyo, at kagitingan ng ating mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay upang maitaguyod ang isang malaya at makatarungang bayan para sa susunod na mga salinlahi.

Ang kalayaan ay ang pinakamataas na biyayang ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ng dugo at pawis ng mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan. Ito ay hindi lamang isang pribilehiyo kundi isang pananagutang dapat pangalagaan, ipagtanggol, at ipamana sa mga susunod na henerasyon. Ang tunay na kalayaan ay makikita sa pagkakaisa ng mamamayan, paggalang sa batas, at sama-samang pagkilos para sa kaunlaran ng ating bansa.

Sa pagdiriwang na ito, muli nating kilalanin ang kahalagahan ng ating kasarinlan at ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino, isang bansang may sariling watawat na sumisimbolo sa ating pagkamakabayan, may sariling kasaysayang hinubog ng katapangan ng ating mga bayani, at may dugong nagbuklod sa atin bilang isang malaya at marangal na sambayanan. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino! At isang maligayang pagdiriwang ng Ika-128 Araw ng Kalayaan sa ating lahat.

Hon. ARAN delaCruz BOLLER
Punong Bayan

πŸ“’ PUBLIC ADVISORYPlease be informed that Maslog Cold Spring will be exclusively reserved on June 2, 2026 and will not be...
31/05/2026

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY

Please be informed that Maslog Cold Spring will be exclusively reserved on June 2, 2026 and will not be open to the public on the said date.

Guests and tourists are welcome to visit our other attractions:

βœ… Sulpan Maleho Cave and Cold Spring
βœ… Matugnaw Spring

Both destinations will remain open and ready to accommodate visitors.

Regular operations at Maslog Cold Spring will resume on June 3, 2026.

For inquiries and reservations, please contact 0912-309-2494 or send us a message through this page.

Thank you for your understanding and continued support.

Thank you for spending your day with us at Maslog Cold Spring! πŸŒΏπŸ’šWe hope you enjoyed the cold, refreshing waters and the...
31/05/2026

Thank you for spending your day with us at Maslog Cold Spring! πŸŒΏπŸ’š

We hope you enjoyed the cold, refreshing waters and the beauty of nature. See you on your next visit!

πŸ“© For reservations, message this page or contact 0912-309-2494.

π‚πžπ«π­π’πŸπ’πœπšπ­πž 𝐨𝐟 𝐂𝐨𝐦𝐩π₯𝐒𝐚𝐧𝐜𝐞 (π‚πŽπ‚) 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐍𝐂𝐂𝐀The Municipal Tourism Office and Municipal Culture and Arts Office proudly anno...
30/05/2026

π‚πžπ«π­π’πŸπ’πœπšπ­πž 𝐨𝐟 𝐂𝐨𝐦𝐩π₯𝐒𝐚𝐧𝐜𝐞 (π‚πŽπ‚) 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐍𝐂𝐂𝐀

The Municipal Tourism Office and Municipal Culture and Arts Office proudly announce that the Municipal Government of Matuguinao, Samar has received a Certificate of Compliance (COC) from the National Commission for Culture and the Arts for the successful submission of its 2025 Local Cultural Inventory.

This recognition highlights our commitment to preserving and promoting the rich cultural heritage of Matuguinao. This achievement was made possible through the leadership and unwavering support of our Municipal Mayor, Hon. Aran dela Cruz Boller, and the collective efforts of all stakeholders involved.

Thank you, NCCA!




Address

Matuguinao, Samar
Matuguinao
6708

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Matuguinao Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share