Mayor Cocoy Mendoza

Mayor Cocoy Mendoza FAMILIA TAYONG MENDEZEÑO
(1)

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga kinatawan, Mr. Kian Damiel Y. Velasco at Ms. Jhinvel Mia Irizh D. Hernando, sa pa...
30/05/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga kinatawan, Mr. Kian Damiel Y. Velasco at Ms. Jhinvel Mia Irizh D. Hernando, sa pagkakahirang bilang mga title holder ng kauna-unahang Mr. and Ms. 8th District of Cavite!

Ang inyong tagumpay ay hindi lamang personal na karangalan kundi tagumpay rin ng buong Bayan ng Mendez-Nuñez. Sa pamamagitan ng inyong husay, kumpiyansa, at magandang pagpapakita, matagumpay ninyong naitanghal ang galing at puso ng bawat Mendezeño.

Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa mas marami pang kabataan na mangarap, magsikap, at maglingkod sa komunidad.

Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Pamilyang Mendezeño ang inyong tagumpay. Mabuhay kayo at mabuhay ang Bayan ng Mendez-Nuñez!

Taos-pusong pagbati kay Atty. Francis “Tol” Tolentino sa kanyang pagkakatalaga bilang  Secretary ng Department of Labor ...
26/05/2026

Taos-pusong pagbati kay Atty. Francis “Tol” Tolentino sa kanyang pagkakatalaga bilang Secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang Pamahalaang Bayan ng Mendez-Nuñez ay nakikiisa sa paghahangad ng matagumpay at makabuluhang pamumuno para sa kapakanan ng bawat sambayanang Pilipino.

Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Mendez-Nuñez ang panata sa paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng isina...
21/05/2026

Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Mendez-Nuñez ang panata sa paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng isinagawang blessing at inauguration ng bagong Fire Station na matatagpuan sa LGU Command Center na kung saan binibigyan din natin ng pagkilala si Lolo Julio R. Dimapilis na siyang nagkaloob ng lupa kung saan matatagpuan ang buong compound na pinagtatayuan ng ilang tanggapan ng ating pamahalaang bayan.

Ang bagong pasilidad na ito ay magsisilbing simbolo ng mas pinaigting na kahandaan, mas mabilis na pagtugon, at mas ligtas na pamayanan para sa bawat Pamilyang Mendezeño.

Sama-sama nating suportahan ang ating kinatawan sa Ms. 8th District, si Jhinvel Mia Irizh D. Hernando! Ipakita natin ang...
19/05/2026

Sama-sama nating suportahan ang ating kinatawan sa Ms. 8th District, si Jhinvel Mia Irizh D. Hernando!

Ipakita natin ang buong suporta ng mga Mendezeño sa pamamagitan ng pag-like, pag-share, at pag-comment ng:
“I support Jhinvel Mia Irizh Hernando” sa mismong larawan na nakaupload sa page ng Mr. & Ms. 8th District of Cavite.

Ang inyong suporta ay malaking inspirasyon sa kanyang paglalakbay tungo sa tagumpay.

PAALALA SA MGA NAGPALISTA PARA SA MEDICAL AT DENTAL MISSIONInaabisuhan po ang lahat ng mga nakapagpalista para sa gagana...
18/05/2026

PAALALA SA MGA NAGPALISTA PARA SA MEDICAL AT DENTAL MISSION

Inaabisuhan po ang lahat ng mga nakapagpalista para sa gaganaping Medical at Dental Mission bukas, Mayo 19, 2026, na may nakahandang libreng sasakyan para sa transportasyon patungong Sigtuna Hall,Tagaytay City.

Mangyari lamang pong magtungo sa RHU bago mag-alas dose (12:00) ng tanghali upang makasabay sa nakalaang biyahe.

Maraming Salamat po.

Inaanyayahan po ang ating mga kababayang walang trabaho na magpatala para sa TUPAD Program sa darating na Lunes, Mayo 18...
17/05/2026

Inaanyayahan po ang ating mga kababayang walang trabaho na magpatala para sa TUPAD Program sa darating na Lunes, Mayo 18, 2026, simula alas-8:00 ng umaga sa ating tanggapan.

✅ “First Come, First Served” basis
✅ Limitado lamang sa 150 slots
✅ 18-65 years old (if senior citizen na po ay kailangan ng medical certificate na fit to work)

Mga kailangang dalhin:
• Barangay Clearance
• Barangay Indigency
• ID na naka address sa Mendez maliban sa TIN ID

Prayoridad po ang mga walang hanapbuhay.

Makilahok sa programang handog para sa Pamilyang Mendezeño.

Maligayang kapistahan, San Isidro Labrador!Isang araw ng pasasalamat at pananampalataya para sa lahat ng mga taga-Anulin...
15/05/2026

Maligayang kapistahan, San Isidro Labrador!

Isang araw ng pasasalamat at pananampalataya para sa lahat ng mga taga-Anuling at Palocpoc.

Nawa’y patuloy tayong pagkalooban ng biyaya at gabayan sa bawat hakbang ng ating buhay.

Viva, San Isidro!

Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makiisa at mag-avail ng Libreng Serbisyong Pangkalusugan na gaganapin sa dara...
13/05/2026

Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makiisa at mag-avail ng Libreng Serbisyong Pangkalusugan na gaganapin sa darating na Mayo 19, 2026 (Martes) sa Sigtuna Hall, Tagaytay City.

Ang pagpapalista ay magsisimula bukas sa ating RHU. Limitado lamang po ang slots kaya’t hinihikayat ang lahat na makapagpalista agad.

May nakahanda po tayong sasakyan para sa libreng transportasyon.

Sama-sama po nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat Pamilyang Mendezeño.

12/05/2026

Sama-sama nating suportahan ang ating representante para sa Mr. 8th District! Ipakita natin ang lakas at karilagan ng Bayan ng Mendez-Nuñez.

Huwag kalimutang panuorin, i-share, at i-heart ang mismong video ni Kian Demiel Velasco upang masiguro ang ating suporta!

12/05/2026

Sama-sama nating suportahan ang ating representante para sa Ms. 8th District! Ipakita natin ang lakas at karilagan ng Bayan ng Mendez-Nuñez.

Huwag kalimutang panuorin, i-share, at i-heart ang mismong video ni Jhinvel Mia Irizh D. Hernando upang masiguro ang ating suporta!

Address

JP Rizal Street Poblacion II, Cavite
Mendez
4121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Cocoy Mendoza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share