09/07/2026
๐-๐๐๐ฒ ๐๐๐ญ ๐๐ ๐-๐ ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Mula Hulyo 1โ2 at Hulyo 6โ8, 2026, matagumpay na isinagawa ng DSWD Municipal Operations Office (MOO) Mercedes ang limang araw na Set 14-D to E Registration para sa mga potensyal na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Upang maging mas madali at maginhawa ang paglahok ng mga target na kabahayan, isinagawa ang registration sa iba't ibang lugar:
Hulyo 1 โ Colasi Covered Court para sa mga malalayong barangay sa coastal area;
Hulyo 2, 6, at 7 โ Mercedes Multipurpose Hall para sa mga barangay sa riverblock, island barangays, at mga barangay sa poblacion; at
Hulyo 8 โ Masalongsalong Covered Court para sa mga natitirang barangay sa coastal area.
Bago ang registration proper, nagsagawa muna ang Municipal Link Team ng maikling oryentasyon upang ipaliwanag ang layunin at maikling kasaysayan ng 4Ps, ang proseso ng pagpaparehistro, mga kinakailangang dokumento, at ang kahalagahan ng pagsunod sa mga itinakdang alituntunin ng programa.
Upang maging maayos at sistematiko ang daloy ng registration, ipinatupad ang tatlong hakbang sa proseso ng pagpaparehistro:
โ
Step 1 โ Screening
โ
Step 2 โ BBM Serbisyo
โ
Step 3 โ Validation
Nagtalaga rin ng mga tauhan para sa Grievance Help Desk, Tracking at Checking ng Validation Forms at mga isinumiteng dokumento, at Receiving Desk upang tumanggap at magproseso ng mga kulang na dokumento ng mga kabahayang nauna nang na-validate.
Sa unang dalawang araw ng aktibidad, nagsagawa rin ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng PhilSys Registration at Authentication, na nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na sabay na makapag-avail ng iba pang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.
Sa kabuuan, ๐๐๐ ๐ฉ๐จ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ค๐๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ง๐-๐ฏ๐๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ sa limang araw na registration, kung saan:
โ๏ธ ๐๐๐ households ang may ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ค๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ naisumite;
โ๏ธ ๐๐๐ households ang ๐ฆ๐๐ฒ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐จ๐ค๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ kinakailangang isumite; at
โ๏ธ ๐๐ households ang may MOO assessment at findings.
Ang mga kabahayang may kulang na dokumento at ang mga hindi pa nava-validate ay maaaring bumisita sa DSWD Municipal Operations Office โ Mercedes, na matatagpuan sa Purok 1B, San Roque, Mercedes, Camarines Norte, upang isumite ang kanilang mga kakulangan at maipagpatuloy ang validation process.