Sangguniang Barangay ng Pandayan

Sangguniang Barangay ng Pandayan Official Page

27/07/2026

Maligayang Ika-112 Anibersaryo sa Iglesia Ni Cristo!

Ang Sangguniang Barangay ng Pandayan ay taos-pusong bumabati sa buong Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong Ika-112 Anibersaryo.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at manatiling matatag sa pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Hangad namin ang isang mapayapa, makabuluhan, at matagumpay na pagdiriwang para sa buong kapatiran.

Muli, maligayang ika-112 anibersaryo sa Iglesia Ni Cristo!

πŸ“’ LIBRENG MINOR SURGERY PROGRAM!Magandang balita para sa ating mga kabarangay!Sa pakikipag-ugnayan ni Punong Barangay Ar...
26/07/2026

πŸ“’ LIBRENG MINOR SURGERY PROGRAM!

Magandang balita para sa ating mga kabarangay!

Sa pakikipag-ugnayan ni Punong Barangay Arsenio B. Lunaria, ipinapaabot namin ang Libreng Minor Surgery Program ng Marilao Saint Michael Family Hospital, Inc. para sa mga kuwalipikadong miyembro ng PhilHealth.

πŸ—“οΈ Araw: Tuwing Lunes at Biyernes
πŸ•™ Oras ng Konsulta: 10:00 AM – 12:00 NN
πŸ“ Lugar: Marilao Saint Michael Family Hospital, Inc.

Mga serbisyong maaaring ma-avail:
βœ”οΈ Pagtatanggal ng Bukol (Cyst)
βœ”οΈ Diabetic Foot Care
βœ”οΈ Breast at Thyroid Biopsy

πŸ“ž Para malaman ang inyong kwalipikasyon at iba pang detalye, maaaring mag-text o tumawag sa:
0942-944-7035

Hinihikayat namin ang mga kwalipikadong PandayeΓ±o na samantalahin ang programang ito upang mapangalagaan ang inyong kalusugan.


12/07/2026

Flood Update!

July 12, 2026 | 9:22 AM

NOT PASSABLE FOR LIGHT VEHICLE

KING FISHER STREET
PELICAN STREET
ALBATROSS STREET

03/07/2026

LOKAL NA KASAYSAYAN NG PANDAYAN

Ang Pandayan Noon,

Ang nayon ng Pandayan ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Meykawayan at may layong 1.340 kilometro mula sa kabayanan. Ang Pandayan ay isa lamang pook o sitio ng nayong Saluysoy bago ito tuluyang nagsarili at naging isang ganay na nayon. Ang salitang Pandayan ang tumutukoy sa lugar o talyer na ginawanan ng mga iba't ibang gamit na yari sa bakal. Nakuha ng nayong ito ang kanyang pangalan mula sa pangunahing trabaho ng mga sinaunang tao dito ang pagpapanday. Sinabing dito sa lugar na ito makikita ang mga mahuhusay na panday ng mga itak at ilan pa nga dito ay ang mga ginamit ng mga maghihimagsik laban sa mga Kastila. Ang mga Cortez at Milay ay ilan laman sa mga mahuhusay na panday na napabilang sa "Maestranza" o gawaan ng mga armas na pinamunuan ni Emilio Janito.

Ang Pandayan Ngayon,

Ang Barangay Pandayan ay isang lugar na may mayamang kasaysayan at pusong palaban. Mula sa simpleng pamumuhay noon nayon kakakitaan na ng unti-unting pag unlad. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting nagbago ang anyo ng aming barangay. Kung dati ay mga makikitid at mapuputik na daan ang aming nilalakaran, ngayon ay may maayos na mga sementadong kalsada. Ang mga dating madilim na gabi ay napalitan ng maliwang na poste ng ilaw bawat kanto - simbolo ng liwanag at pag-unlad.

Ang aming mga kabataan ngayon ay hindi na kailangan bumiyahe ng malayo para makapag-aral dahil may sariling paaralan na ang aming Barangay isang lugar kung saan maihahanda ang kinabukasan ng mga batanga Pandayeno. Hindi rin mawawala ang mga simbahan na tahanan ng pananampalataya. Katabi nito ang mga Basketball Court na kung saan maiilayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo. Ang Barangay Pandayan ay meron na rin Health Center na laging bukas upang magsilbi sa bawat resident-mula sa pangkaraniwang lagnat hanggang sa mga pangangailangan ng mga buntis at matatanda. Nakakatuwang isipin na mayroon na ring mga resort sa Barangay Pandayan na nagiging sanhi upang unti-unting makilala ang aming lugar bilang destinasyon ng pahinga, kasiyahan, at kabuhayan.

Ang bawat sulok ng aming Barangay ay may kwento ng pagbabago, mga proyetong inilunsad, mga programang isinulong, at mga pangrap na unti-unting natutupad. Sa likod ng lahat ng ito ay ang pagkakaisa ng aming mga opisyal, ang malasakit ng mga mayayaman, at ang pananalig na kahit maliit ang aming barangay ay kaya naming makipagsabayan sa pag-unlad. Sa Barangay Pandayan ngayon, hindi lang kami naninirahan. Kami ay tagapagtaguyod ng edukasyon, tagapangalaga ng kalikasan, at kasama sa bawat hakbang tungo sa mas masiglang pamayanan.

𝐌𝐚𝐧𝐝𝐚𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐃𝐨𝐠/π‚πšπ­ π‘πžπ π’π¬π­π«πšπ­π’π¨π§ 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐧𝐭𝐒-π‘πšπ›π’πžπ¬ π•πšπœπœπ’π§πšπ­π’π¨π§ Hatid ng City Government of Meycauayan at ng City Veterinary ...
30/06/2026

𝐌𝐚𝐧𝐝𝐚𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐃𝐨𝐠/π‚πšπ­ π‘πžπ π’π¬π­π«πšπ­π’π¨π§ 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐧𝐭𝐒-π‘πšπ›π’πžπ¬ π•πšπœπœπ’π§πšπ­π’π¨π§

Hatid ng City Government of Meycauayan at ng City Veterinary Office, isasagawa ang malawakang Mandatory Dog/Cat Registration and Anti-Rabies Vaccination sa atin Barangay.

Ito ay sa Hulyo 7,8,9 2026 at Hulyo 13 at 14, 2026 (Mula 8:00 AM - 12:00 NN sa bawat iskedyul)

Ang bawat mamamayan ng Barangay Pandayan ay hinihikayat na daluhan ang programa na ito. Para mas mapangalagaan natin ang ating mga alaga at mai-rehistro sila sa data base ng Lungsod ng Meycauayan.

Bago magpunta sa mga araw ng iskedyul, ang lahat ng inyong alagang a*o at pusa ay kinakailangan na irehistro sa ibibigay na link upang mas mapabilis ang proseso ng pagbabakuna. Kinakailangan din na dalin ang mga cellphone na ginamit sa pagrerehistro ng mga alagang a*o at pusa.

Narito and link para sa PRE REGISTRATION:
https://pawnec.com/register?city=Meycauayan%20City

Para naman sa QR Code, ito ay ilalakip kasama ang post na ito.

ISKEDYUL:

July 7 - Barangay Hall Pandayan (8:00 AM - 12:00 NN)
July 8 - St. Michael Covered Court (8:00 AM - 12:00 NN)
July 9 - Topaz Covered Court (8:00 AM - 12:00 NN)
July 13 - Peso/Compact Covered Court (8:00 AM - 12:00 NN)
July 14 - Barangay Pandayan Outpost Office, Zone 1 (8:00 AM - 12:00 NN) (8:00 AM - 12:00 NN)

Paalala: Mangyari lamang po na sumunod sa tamang oras at iskedyul na ibinigay.

Ito’y sa pakikipag-ugnayan at suporta ng buong Sangguniang Barangay ng Pandayan, sa pangunguna ni Punong Barangay Igg. Arsenio B. Lunaria.
Tara, alisin ang takot at banta na pwedeng makuha sa rabies! Pabakunahan ang alagang a*o.




PAALALA MGA KABARANGAY!Magkakaroon ng Electric Interruption P. Jurado at Palanas Area ngayong darating na Hulyo 1, 2026 ...
30/06/2026

PAALALA MGA KABARANGAY!

Magkakaroon ng Electric Interruption P. Jurado at Palanas Area ngayong darating na Hulyo 1, 2026 sa ganap na ika-10 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

Dahil sa tuloy-tuloy at malakas na pag-ulan, maraming basurang inanod ng tubig at naipon sa creek ng Barangay Pandayan n...
01/06/2026

Dahil sa tuloy-tuloy at malakas na pag-ulan, maraming basurang inanod ng tubig at naipon sa creek ng Barangay Pandayan na maaaring magdulot ng pagbabara at pagbaha sa ating komunidad.

Bilang agarang tugon, nagsagawa ng operasyon sa paglilinis ang Sangguniang Barangay ng Pandayan sa pangunguna ng ating Punong Barangay Arsenio B. Lunaria, katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO), upang alisin ang mga naipong basura at mapanatiling maayos ang daluyan ng tubig.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa isinagawang paglilinis. Sama-sama nating panatilihing malinis, ligtas, at maayos ang Barangay Pandayan.


01/06/2026

Flood Update as of 9:59 A.M.

Ang Albatross Street ay hindi passable para sa mga light vechicle. Ang alternatibong daan ay ang Pelican Street at St. Francis Subdivision.

Salamat!

Matagumpay na isinagawa ang Seminar sa Kaligtasan sa Sunog at Demonstrasyon ng Tamang Paggamit ng Fire Extinguisher bila...
01/06/2026

Matagumpay na isinagawa ang Seminar sa Kaligtasan sa Sunog at Demonstrasyon ng Tamang Paggamit ng Fire Extinguisher bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng ating barangay laban sa mga insidente ng sunog.

Dinaluhan ito ng mga Barangay Tanod at mga kinatawan mula sa iba't ibang sitio na itinuturing na mataas ang panganib sa sunog. Sa pamamagitan ng seminar, nabigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman ukol sa pag-iwas sa sunog, wastong pagtugon sa mga emerhensiya, at tamang paggamit ng fire extinguisher upang makatulong sa agarang pag-apula ng maliliit na sunog.

Kasabay ng nasabing aktibidad ay ang pamamahagi ng mga fire extinguisher sa mga lugar na may mataas na posibilidad na magkaroon ng sunog upang higit pang mapalakas ang kahandaan at kaligtasan ng ating komunidad. Ang hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng barangay na mabawasan ang panganib ng sunog at maprotektahan ang buhay at ari-arian ng ating mga mamamayan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Punong Barangay Arsenio B. Lunaria sa kanyang patuloy na suporta sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa Jersonix Enterprises sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman at pagsasagawa ng makabuluhang demonstrasyon na nagbigay ng dagdag na kakayahan at kumpiyansa sa ating mga kalahok.

Sa Barangay Pandayan, patuloy nating isinusulong ang kahandaan, pagkakaisa, at kaligtasan ng bawat mamamayan.


Bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan, patuloy po ang isinasagawang paglilinis at pagsasaayos ng mga creek at kanal...
29/05/2026

Bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan, patuloy po ang isinasagawang paglilinis at pagsasaayos ng mga creek at kanal sa iba’t ibang lugar sa Barangay Pandayan sa pangunguna ng Sangguniang Barangay ng Pandayan.

Kasalukuyang nililinis ang mga creek mula Floro Park papuntang P. Lunaria at St. Francis, gayundin ang kahabaan ng creek sa Metrogate at Service Road upang masiguro ang maayos na pagdaloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha.

Patuloy din ang paglilinis at pagsasaayos ng mga kanal sa mga lugar ng Rial Street, R. Ipapo Stret, Jurado Street, C. Rivera Street at Teodora Ville, gayundin sa mga lugar na madalas bahain tuwing malakas ang ulan. Kasabay nito ay ang patuloy na paglalagay ng mga bakal na cover sa mga kanal upang maiwasan ang pagbabara dulot ng pagtatapon ng basura at iba pang kalat na nagiging sanhi ng pag-apaw ng tubig.

Nagkaroon din ng paglalagay ng river walling sa creek ng Jurado at Rivera upang makatulong sa pag-iwas sa pag-apaw ng tubig. Samantala, matagumpay nang natapos ang river walling project sa P. Lunaria.

Samantala, patuloy rin ang pag-titrim ng mga sanga ng puno sa iba't ibang lugar ng Pandayan upang malinis ang mga linya ng kuryente at hindi na maging sanhi pa ng anumang aksident.

Ang mga proyektong ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng ating barangay upang mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng bawat mamamayan ngayong panahon ng tag-ulan.


Address

King Fisher Street , St. Francis Village, Pandayan
Meycauayan
3020

Telephone

+639950619722

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Pandayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay ng Pandayan:

Share