Vice Mayor Chermaine L. Garcia-Sibug, MD

Vice Mayor Chermaine L. Garcia-Sibug, MD The Official page of Vice Mayor Chermaine L. Garcia-Sibug, MD

04/09/2026

π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔π—₯𝗔𝗔𝗑 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—•π—₯π—˜π—‘π—š π—”π—‘π—§π—œπ—₯π—”π—•π—œπ—˜π—¦ π—©π—”π—–π—–π—œπ—‘π—˜πŸ”ˆ

Para mas maayos at mabilis ang proseso, sundin ang 3 hakbang:

1️⃣ BARANGAY HEALTH STATION (BHS)
πŸ‘‰ Magpunta muna sa inyong Barangay Health Station at kumuha ng Referral mula sa inyong Barangay Midwife.
2️⃣ MSWD – MUNISIPYO
πŸ‘‰ Dalhin ang referral sa MSWD sa Munisipyo upang makakuha ng Certification para sa libreng bakuna.
3️⃣ RHU – ANIMAL BITE TREATMENT CENTER (ABTC)
πŸ‘‰ Dalhin ang inyong Referral at Certification sa RHU/ABTC upang mabigyan ng Libreng Antirabies Vaccine, ayon sa assessment ng health personnel.

πŸ’‰ π™‡π™„π˜½π™π™€π™‰π™‚ π˜Όπ™‰π™π™„π™π˜Όπ˜½π™„π™€π™Ž π™‘π˜Όπ˜Ύπ˜Ύπ™„π™‰π™€ π˜½π™ƒπ™Ž β†’ π™ˆπ™Žπ™’π˜Ώ β†’ 𝙍𝙃𝙐/π˜Όπ˜½π™π˜Ύ

π™‹π™‘π™šπ™–π™¨π™š π™Ÿπ™€π™žπ™£ π™©π™π™š π™ˆπ™€π™§π™€π™£π™œ π˜Όπ˜½π™π˜Ύ π™π™–π™˜π™šπ™—π™€π™€π™  π™œπ™§π™€π™ͺπ™₯:
𝙅π™ͺ𝙨𝙩 π™˜π™‘π™žπ™˜π™  π™©π™π™š π™‘π™žπ™£π™  π™—π™šπ™‘π™€π™¬ 𝙖𝙣𝙙 π™Ÿπ™€π™žπ™£ 𝙛𝙀𝙧 π™’π™€π™§π™š π™ͺπ™₯π™™π™–π™©π™šπ™¨ 𝙖𝙣𝙙 𝙖𝙣𝙣𝙀π™ͺπ™£π™˜π™šπ™’π™šπ™£π™©π™¨!πŸ‘‡πŸ»
https://www.facebook.com/groups/910745047641379/about/

Muling Pamamahagi ng 20 Kilos na Bigas para sa ating mga Senior CitizenNoong August 27, 2026, nagtungo naman tayo sa Bar...
02/09/2026

Muling Pamamahagi ng 20 Kilos na Bigas para sa ating mga Senior Citizen

Noong August 27, 2026, nagtungo naman tayo sa Barangay Nagbalayong, Barangay Sabang at Barangay Mabayo upang muling makasama ang ating mga Senior Citizen sa pamamahagi ng sako-sakong bigas mula sa ating Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. Nakakatuwang makita ang mga ngiti ng ating mga lolo at lola habang tinatanggap nila ang biyayang ito.

Para sa akin, napakahalaga na patuloy nating maihatid ang mga programang may direktang pakinabang sa ating mga Senior Citizen. Karapat-dapat silang mapahalagahan at maramdaman na kasama sila sa bawat hakbang tungo sa pag-unlad. Maraming salamat sa ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos sa patuloy na paghatid ng mga programang umaabot hanggang sa ating mga kababayan sa mga barangay.

Sa ating mga lolo at lola, maraming salamat sa mainit ninyong pagtanggap at sa mga ngiting lagi naming inuuwi bilang inspirasyon. Hanggang sa susunod po!


Matapos nating puntahan ang mga malalayong pamayanan at Sitio dito sa ating bayan, hindi na rin natin pinatagal pa. Agad...
02/09/2026

Matapos nating puntahan ang mga malalayong pamayanan at Sitio dito sa ating bayan, hindi na rin natin pinatagal pa. Agad nating sinunod ang pag-abot ng tulong sa ating mga kababayan sa mga sentrong bahagi ng Barangay Sabang, Barangay Poblacion, Barangay Binaritan, Barangay Mabayo at Barangay Nagbalayong.

Sa loob ng ilang linggo, sama-sama nating isinagawa ang pamamahagi ng DSWD Relief Boxes na ipinagkaloob sa ating bayan ng Pamahalaang Panlalawigan, bilang munting tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at walang tigil na pag-ulan.

Masaya ako na natapos natin ang ilang linggong pag-iikot at pamamahagi nang may isang mahalagang hangarin, ito ay ang masig**o na bawat pamilya ay may natanggap at nakinabang sa tulong na ito. Hindi lamang natin tiningnan kung sino ang madaling maabot; sinikap nating mapuntahan pati ang mga nasa malalayong lugar, hanggang sa mga pamayanang higit na nangangailangan. Maraming salamat Mayor Leila, sa iyong walang kapagurang pag-agapay at patuloy na pakikiisa sa bawat gawaing naglalayong makatulong sa ating mga kababayan. Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa ating mga Konsehal na palagi kong nakakasama sa mga gawaing nagdadala ng serbisyo at kaginhawahan sa ating mga kababayan.

Hindi man ganoon kalaki ang tulong na ating naiabot, alam nating sa panahon ng pangangailangan, bawat supot ng bigas at de-lata ay may malaking halaga para sa isang pamilya. Higit sa lahat, nakalakip sa munting tulong na ito ang ating panata:
Wala magugutom na kababayan sa gitna ng tag-ulan. Walang pamilyang dapat makaramdam na sila ay nag-iisa. Dahil sa Morong, ang serbisyo ay para sa bawat isa.


Noong Agosto 25, 2026, naging bahagi naman tayo sa pamamahagi ng 20-kilos na bigas para sa ating mga Senior Citizen sa B...
01/09/2026

Noong Agosto 25, 2026, naging bahagi naman tayo sa pamamahagi ng 20-kilos na bigas para sa ating mga Senior Citizen sa Barangay Binaritan at Barangay Poblacion. Isang programa mula sa ating Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr.

Para sa akin, isang malaking pribilehiyo na maging bahagi ng programang ito ng ating Pangulo. Higit sa simpleng pamamahagi ng bigas, mas mahalaga para sa atin na personal nating naiaabot ang tulong sa ating mga lolo at lola na karapat-dapat lamang na mabigyan ng suporta at malasakit. Nakakatuwang makita ang mga ngiti sa kanilang mga mukha habang tinatanggap ang biyayang ito. Sa bawat ngiti at pasasalamat nila, ramdam natin kung gaano kahalaga ang simpleng tulong na maaaring maging dagdag-ginhawa sa kanilang mga tahanan.

Maraming salamat sa ating Pangulong Bongbong Marcos sa patuloy na mga programang naglalayong maabot ang ating mga kababayan, lalo na ang mga higit na nangangailangan. Tunay na naipapakita ng programang ito ang layunin ng ating pambansang pamahalaan na nakasulat sa bawat sako ng bigas: β€œBagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang.”

Para sa ating mga minamahal na Senior Citizen, maraming salamat po sa inyong mga taon ng serbisyo, sakripisyo at pagmamahal para sa ating mga pamilya. Kayo ay hindi namin nakakalimutan.


Walang Sitio ang Nakakalimutan, Walang Pamilyang Maiiwan.Sa pagtatapos ng ating pag-iikot sa mga malalayong Sitio ng ati...
01/09/2026

Walang Sitio ang Nakakalimutan, Walang Pamilyang Maiiwan.

Sa pagtatapos ng ating pag-iikot sa mga malalayong Sitio ng ating bayan, nagtungo naman tayo sa Hilltop at Backdoor na kapwa sakop ng Barangay Sabang, at sa Sitio Laplap ng Barangay Mabayo kasama sina Mayor Leila at mga Konsehal. Bagama’t sila ang mga huling Sitio na ating napuntahan, hindi ibig sabihin nito na sila ay nakalimutan. Isa-isa nating inaabot ang ating mga kababayan, saan man sila naroroon, gaano man kalayo ang kanilang lugar.

Mahaba at nakakapagod ang ating naging pag-iikot nitong mga nakaraang araw, pero sulit ang lahat kapag nakikita natin ang mga ngiti at pasasalamat ng ating mga kababayan. Sa bawat tahanang ating napupuntahan, dala natin hindi lamang ang munting tulong kundi ang mensaheng may kasama sila at may pamahalaang handang umalalay sa panahon ng pangangailangan.

Tuloy-tuloy ang ating pag-aabot ng tulong at sisiguruhin natin na walang pamilyang maiiwan, lalo na ngayong patuloy nating nararanasan ang hirap ng tag-ulan. Sa panahon ng unos, hindi natin iniinda gaano man kalayo na sila ay puntahan. Ang mahalaga, makarating tayo sa ating mga kababayan.


Para po sa ikaliligtas ng lahat, sa aking mga kababayan sa Morong Bataan mag ingat po tayo ngayon masama ang panahonπŸ™πŸΌ  ...
29/08/2026

Para po sa ikaliligtas ng lahat, sa aking mga kababayan sa Morong Bataan mag ingat po tayo ngayon masama ang panahonπŸ™πŸΌ

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ | 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐍𝐆 π“π”ππˆπ† 𝐒𝐀 πˆπ‹πŽπ†
AUGUST 29, 2026

Dahil sa patuloy na pagragasa ng tubig-ulan, inaasahan ang pagtaas ng lebel ng tubig sa ating mga ilog, kasabay ng high tide bandang 10:00 AM (high tide).
Inaasahang bababa ang tubig hanggang 6:00 PM (low tide), subalit muli itong tataas hanggang bandang 12:00 midnight (high tide) dahil sa muling pagtaas ng tubig-dagat.

Ang mga kababayang nakatira sa mabababang lugar at mga pamayanang malapit sa ilog ay mahigpit na pinapayuhang lumikas at magtungo sa pinakamalapit na paaralan na maaaring magsilbing evacuation area.

Huwag nang hintaying tumaas pa ang tubig. Unahin ang kaligtasan ng inyong pamilya at agad na makipag-ugnayan sa inyong mga opisyal ng barangay para sa koordinasyon ng paglikas.

πŸ“ž EMERGENCY HOTLINES
MDRRMO HOTLINE
πŸ“ž 0962-753-1977
Municipal Health Office (MHO)
πŸ“ž 0970-350-1286
Philippine National Police (PNP)
πŸ“ž 0998-598-5363
Bureau of Fire Protection (BFP)
πŸ“ž 0918-201-5230
πŸ“ BARANGAY HOTLINES
β€’ Binaritan: 0908-253-4056 / 0999-551-0445
β€’ Mabayo: 0947-242-9917 / 0964-760-1463
β€’ Nagbalayong: 0938-070-6560 / 0969-136-7538
β€’ Poblacion: 0961-033-1934
β€’ Sabang: 0954-161-1014

Manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Bayan ng Morong.

Taga-Morong tayo. Walang maiiwan. Tuloy ang Pagsulong.

πŒπŽπ‘πŽππ† π€π…π‹π€πŒπ„ πŸπŸŽπŸπŸ” | Noong August 27, muli tayong nakiisa sa Morong Aflame 2026 Tree Growing Activity para sa ika-22 tao...
28/08/2026

πŒπŽπ‘πŽππ† π€π…π‹π€πŒπ„ πŸπŸŽπŸπŸ” | Noong August 27, muli tayong nakiisa sa Morong Aflame 2026 Tree Growing Activity para sa ika-22 taon ng ating nakagawiang pagtatanim ng Flame Tree. Isang tradisyong naging bahagi na ng pagkakakilanlan at kuwento ng ating bayan.

Kasama ko sina Mayor Leila, ang ating mga Konsehal, LGU employees, mga g**o, Barangay Officials, iba’t ibang organisasyon at ating mga volunteers sa mahalagang gawaing ito. Nakakatuwang makita na sa bawat punlang ating itinatanim, mas marami ring kamay at pusong nakikiisa para sa kalikasan. Sa loob ng 22 taon, ang Flame Tree ay patuloy na naging simbolo ng ganda at isang bayan na patuloy na lumalago. Taon-taon, muli nating pinapaalala sa ating mga sarili na ang isang matibay at magandang puno ay hindi basta-basta lumalaki, nagsisimula ito sa matatag na ugat. Ganoon din ang ating bayan. Ang bawat pag-unlad, bawat magandang pagbabago at bawat pangarap para sa Morong ay nagsisimula sa matibay na pundasyon.

Ang punong itinanim natin ngayon ay maaaring mura pa pero darating ang araw na ito rin ay magiging bahagi ng tanawin ng Morong β€”namumukadkad, nagbibigay-buhay at nagpapaalala sa susunod na henerasyon ng isang tradisyong ating ipinagpatuloy.


56th Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Morong | August 25, 2026Noong Agosto 25, 2026, isinagawa natin ang 56th Reg...
28/08/2026

56th Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Morong | August 25, 2026

Noong Agosto 25, 2026, isinagawa natin ang 56th Regular Session ng Sangguniang Bayan na aking pinangunahan bilang inyong Vice Mayor at Presiding Officer. Tulad ng nakagawian, naging bahagi ng ating sesyon ang pagtalakay sa iba’t ibang usapin at agenda para sa mas maayos na pamamahala sa ating bayan. Binalikan din natin ang mga naging resulta at napag-usapan sa mga Committee at Public Hearing na isinagawa noong nakaraang linggo at nagtakda muli tayo ng panibagong schedule ng mga hearing sa mga susunod na araw upang masusing mapag-aralan ang iba’t ibang concerns, issues at panukalang ordinansa na nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay.

Isa sa mga naging mahalagang bahagi ng ating Calendar of Business ay ang tuluyang pag-apruba ng Sangguniang Bayan sa 3rd and Final Reading sa Proposed Ordinance na inakda ni SB Hero Santos: β€œAN ORDINANCE ESTABLISHING THE CONDITIONAL BUSINESS PERMIT CLASSIFICATION TO MAXIMIZE REGULATORY COVERAGE, BRING UNREGISTERED ESTABLISHMENTS INTO LAWFUL REGULATION THROUGH AN ALTERNATIVE DOCUMENTARY PATHWAY, AND PROMOTE LOCAL ECONOMIC INCLUSION AND TAX ACCOUNTABILITY.”
Layunin ng panukalang ito na magkaroon ng mas maayos at inclusive na proseso upang ang mga establisimyentong hindi pa rehistrado ay mabigyan ng pagkakataong makapasok sa lawful regulation, habang napapalakas naman ang regulatory coverage, local economic inclusion at tax accountability sa ating bayan.

Mahalaga sa atin na sa bawat panukalang ordinansa hindi lamang ang pagpapatupad ng regulasyon ang ating tinitingnan, kundi pati na rin ang pagkakaroon ng patas, malinaw at praktikal na sistema para sa ating mga negosyante at sa buong bayan.

Patuloy tayong magtutulungan sa Sangguniang Bayan na pag-aralan ang bawat usapin, pakinggan ang mga concerns ng ating mga kababayan at gumawa ng mga desisyong makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng Morong.


Naging masyado tayong abala nitong mga nagdaang araw sa patuloy na pamamahagi ng DSWD Relief Boxes na ipinagkaloob sa at...
28/08/2026

Naging masyado tayong abala nitong mga nagdaang araw sa patuloy na pamamahagi ng DSWD Relief Boxes na ipinagkaloob sa ating bayan ng Pamahalaang Panlalawigan bilang munting tulong para sa bawat pamilyang lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at walang tigil na pag-ulan. Kaya naman, kasama sina Mayor Leila Linao Munoz at ang ating mga Konsehal, personal tayong nagtungo sa Sitio Kanawan upang maihatid at maibahagi ang mga relief boxes sa ating mga Katutubong Aeta Magbukun at sa iba pa nating mga kababayan na doon ay naninirahan.

Nakakatuwang makita ang mga ngiting sumalubong sa atin. Sa bawat pakikipagkamay at kumustahan, ramdam natin ang saya ng ating mga kapatid na Katutubo na maabutan kahit nasa malayong bahagi sila ng ating bayan. Hindi man naging madali ang panahon na ating pinagdaraanan lalo na sa gitna ng mga bagyo at matinding pag-ulan, nakita natin muli ang katatagan at pagkakaisa ng ating mga Kababayan. Anuman ang unos na dumating, patuloy tayong bumabangon at nagtutulungan.

Sobra ang pasasalamat ko sa lahat ng naging bahagi ng paghahatid ng tulong na ito, sa ating Pamahalaang Panlalawigan, Mayor Leila, mga Sangguniang Bayan Members, Barangay Officials, MSWD, PNP, at mga volunteers na patuloy na nagbibigay ng oras, lakas at malasakit upang maabot natin maging ang mga kababayan nating naninirahan sa malalayong lugar.

Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi lamang hanggang sa kung saan madali. Umaabot ito hanggang sa kung saan may higit na nangangailangan.


Address

Morong
2108

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Mayor Chermaine L. Garcia-Sibug, MD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share