21/02/2026
Ang Mababang Paralaan ng Mount Data ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na pagsali ng aming paaralan sa Division Schools Press Conference (DSPC) na ginanap sa Paracelis at Bontoc, Mountain Province
Sa aming mahal na Punong G**o Marivic Rosario, maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta at paggabay sa lahat ng aspeto ng mga gawain. Ang inyong pamumuno ang nagsilbing ilaw sa aming pag-abot ng mga pangarap.
Sa mga batang nakilahok at naging bahagi ng DSPC, nagpapasalamat kami sa inyong dedikasyon at sipag. Bagamat hindi nakamit ang unang pwesto, ang inyong kontribusyon at pagsusumikap ay isang tagumpay.
Sa mga magulang, maraming salamat po sa inyong walang humpay na suporta upang mapabuti ang kanilang pagganap. Ang inyong mga pag-unawa at pagtulong/suppprta ay hindi matatawaran.
Sa aming mga tagasanay at mga gurong walang sawang nagbigay gabay, salamat sa inyong oras at sakripisyo na nagturo ng mga mahahalagang aral na magagamit sa buhay.
Sa lahat po ng nagbigay ng kanilang lakas at oras, maraming salamat po. Ang inyong pagpapakita ng malasakit at dedikasyon ay nagbigay inspirasyon at lakas sa aming paaralan. Patuloy po nating pagyamanin ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan.
Maraming salamat po at mabuhay!
Individual event
Editorial cartooning
-Norie Mae Brailyn L. Dion
Group event
Radio Broadcasting
-Joash Renz Z. Dacumos
-Jhaysel ann A. Dimson
-Mico L. Martino
-Leslie Shane T. Marcos
-Ian Jade T. Langcao
-Christine Bel Chanasen
-Famy Joy S. Bangdo