13/03/2026
Sa Pilipinas, ang Marso ay itinuturing na Rabies Awareness Month ๐. Kaya Ang Acaciahan Elementary School ay nagsagawa ng maikling program ukol dito. Layunin nito ang pagpapaalala sa mga mag-aaral tungkol sa panganib ng rabies at ang kahalagahan ng pag-iingat at paggamot.
Ang rabies ay isang
malagim na sakit na nakamamatay, pero maiiwasan ito sa pamamagitan ng:
- Pagpapabakuna sa mga alagang hayop
- Pag-iingat sa mga hayop na may rabies
- Agarang paggamot sa mga kagat ng hayop
Kaya't sama-sama nating itaguyod ang kampanya kontra rabies! ๐ถ๐