13/07/2026
Sa Pamilya at mga Mahal sa Buhay ng Yumao naming kasamahan na si mam MELANIE PORTACIO LITA
Lubos kaming nakikiramay at labis ang aming kalungkutan sa pagpanaw ng aming minamahal na kasamahan na si Madam Melanie Portacio Lita.
Nakikiisa kami sa inyong matinding pagdadalamhati sa panahong ito. Si mam Melanie ay hindi lamang naging kasama sa trabaho at gawain, kundi naging tunay ding kaibigan na puno ng kabutihan at dedikasyon. Ang kanyang pagkawala ay isang malaking kawalan sa lahat ng nakakakilala sa kanya. Ang kanyang magandang alaala at pagmamalasakit ay mananatili sa aming mga puso at magsisilbing inspirasyon sa amin.
Dalangin namin na kayo ay pagkalooban ng lakas ng loob, kapayapaan, at pag-asa sa tulong ng Maykapal at pagmamahal ng inyong mga kaibigan at kamag-anak. Kayo ay laging nasa aming isipan at kasama sa aming mga panalangin.
Kami po Buong Sanggunian ng Brgy San Andres ay kasama ninyo sa pagdadalamhati
Rest in God's Paradise mam Melanie we will surely miss you