Councilor Paty Katy Boncayao

Councilor Paty Katy Boncayao Official page of Councilor Paty Katy Boncayao

Proud to represent Muntinlupa at the 2nd Quarterly Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) ng Philippine ...
03/08/2026

Proud to represent Muntinlupa at the 2nd Quarterly Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) ng Philippine Councilors League (PCL) last July 29–31, 2026 at ICON, Iloilo City.

Ilang araw ng learning, sharing, at pakikipag-connect with fellow legislators from different cities and provinces para mas mapabuti pa ang ating mga serbisyo at programa.

Congrats din to our very own Majority Floor Leader and PCL National Chairman, Atty. Raul Corro, for your great leadership! 👏


📸 55th Regular Session (July 27) & 56th Regular Session (Aug. 3) SnapshotsNasilip niyo na po ba ang mga ganap tuwing ses...
03/08/2026

📸 55th Regular Session (July 27) & 56th Regular Session (Aug. 3) Snapshots

Nasilip niyo na po ba ang mga ganap tuwing session? ☺️

Tuloy-tuloy lang ang trabaho at serbisyo para sa ating mas maayos at mas maunlad na lungsod.

Magandang buhay! 💖



54th Regular Session | 11th City CouncilSa pangunguna ng inyong lingkod sa ilalim ng ating komite, ilan sa mga naaprubah...
25/07/2026

54th Regular Session | 11th City Council

Sa pangunguna ng inyong lingkod sa ilalim ng ating komite, ilan sa mga naaprubahan ang pagbibigay ng financial assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog—2 pamilya mula sa Megsha Compound, Brgy. Putatan nagkakahalaga ng PHP 20,000, at 33 pamilya mula sa Medina Compound, Brgy. Cupang nagkakahalaga ng PHP 246,000.

Inaprubahan rin ang pagbibigay ng authority sa City Mayor na makipag-partner sa DSWD-NCR para sa implementation ng Project LAWA at BINHI, isang national program na layuning mas mapalakas ang resiliency ng ating mga komunidad laban sa kalamidad. 💛

📸 CTTO


51st Regular Session11th Sangguniang Panlungsod ng MuntinlupaTinalakay at inaprubahan ang mga sumusunod na resolusyon at...
29/06/2026

51st Regular Session
11th Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa

Tinalakay at inaprubahan ang mga sumusunod na resolusyon at ordinansa:

•Supplemental Annual Investment Program (AIP) No. 3 at ang Supplemental Budget para sa FY 2026, na maglalaan ng pondo para sa konstruksyon ng drainage line na mag-uugnay sa National Road at PNR Site sa Brgy. Putatan.

•Pagbibigay ng awtoridad sa ating City Mayor na lumagda sa Contract of Lease na gagamitin bilang Day Care Center at extension office ng Social Services Department sa Brgy. Bayanan, upang mas mailapit ang serbisyo sa komunidad.

•Pagkakaloob ng accreditation sa Samahang Magkakapitbahay Block 4 Purok 1 Homeowners’ Association, Inc. ng SMB Hills, Brgy. Putatan, at sa Purok 1 Bloke 5 On-Site Neighborhood Association ng Brgy. Bayanan, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag at aktibong pakikilahok sa pagpapaunlad ng kanilang mga lugarin.

•Institutionalization ng “Beacon of Life” Early Warning System for the Deaf, isang programang naglalayong palakasin ang kaligtasan, accessibility, at kahandaan sa panahon ng sakuna para sa mga miyembro ng deaf / hard of hearing community.

•Pagdedeklara sa lahat ng paaralan sa Muntinlupa bilang “Zones of Peace”, kasama ang pagpapatibay ng mga hakbang upang higit na matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng mga mag-aaral.

📸 CTTO


Sa ika-49th Regular Session ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa, narito ang mga resolusyon at ordinansa na amin...
15/06/2026

Sa ika-49th Regular Session ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa, narito ang mga resolusyon at ordinansa na aming inaprubahan:

Sa ilalim ng aking komite, inaprubahan ang ordinansa na magbibigay ng ₱80,000 financial assistance sa apat na pamilyang naapektuhan ng sunog na naganap noong Hunyo 6, 2026 sa Vicar NBP, Brgy. Poblacion, Muntinlupa.

Inaprubahan din ang isang resolusyon na nagbibigay kapangyarihan sa ating City Mayor na makipagkasundo sa DSWD NCR para sa pagbabahagi ng mahalagang datos mula sa 4Ps at iba pang social welfare records. Layunin nitong mapabuti pa ang mga programa, proyekto at serbisyo para sa Muntinlupeño.

📸 CTTO


Public hearing patungkol sa agreement ng Muntinlupa City Government at Metro Retail Stores Group, Inc. sa pagbibigay ng ...
13/05/2026

Public hearing patungkol sa agreement ng Muntinlupa City Government at Metro Retail Stores Group, Inc. sa pagbibigay ng credit line para masigurong may available na emergency food items at relief goods during calamities / disasters sa lungsod.

📸 CTTO


Session mode this week: Short and Calm ✨📸 CTTO
11/05/2026

Session mode this week: Short and Calm ✨

📸 CTTO


Address

Muntinlupa

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Paty Katy Boncayao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share