Barangay Concepcion Grande.OFFICIAL

Contact the organization

Barangay Concepcion Grande.OFFICIAL Barangay Concepcion Grande, Naga City
Barangay Local Government Unit (BLGU) OFFICIAL PAGE

BCPC/CFLGA EVALUATION: ISANG MAKABULUHANG MILESTONE PARA SA ATING MGA BATA📍 Barangay Government Complex📅 Oktubre 6, 2026...
06/10/2026

BCPC/CFLGA EVALUATION: ISANG MAKABULUHANG MILESTONE PARA SA ATING MGA BATA

📍 Barangay Government Complex
📅 Oktubre 6, 2026 | ⏰ 3:00 N.H.

Matagumpay na naisagawa ang BCPC/CFLGA Evaluation ng Brgy. Concepcion Grande para sa taong ito. Nagsilbing panel of evaluators ang mga kinatawan mula sa Naga City Children’s Affairs Office, City Population and Nutrition Office, City Health Office, City Social Welfare and Development Office, at DILG–Naga City Office.

Sa isinagawang compliance audit, nakumpleto at naipakita ng barangay ang mga kinakailangang requirements batay sa monitoring tool at criteria. May ilang aspeto lamang na kinakailangan pang pagbutihin at palakasin. Higit sa resulta, ipinakita ng evaluation ang patuloy na commitment ng Pamahalaang Barangay sa pagtataguyod ng kapakanan, proteksyon, at karapatan ng mga bata.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng barangay officials, personnel, volunteers, at partners na sa iba’t ibang paraan ay nag-ambag sa activity na ito. Mensage ng ating Punong Barangay Jerrold Rito na hindi man lamang puntos ang ating hangad, kundi ang patuloy na pagsisilbi sa mga bata ng ating barangay sa abot ng ating makakaya, na patuloy na matuto, magpabuti, at lumago bilang nagkakaisang barangay.

TINGNAN | KOORDINASYON PARA SA MAS LIGTAS NA KALSADAPatuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Barangay ng Concepcion ...
06/10/2026

TINGNAN | KOORDINASYON PARA SA MAS LIGTAS NA KALSADA

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Barangay ng Concepcion Grande, sa pamamagitan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), sa iba’t ibang institusyon upang higit na mapalakas ang road safety at traffic management, hindi lamang para sa ating mga residente kundi para sa lahat ng dumaraan sa ating barangay.

Sa pangunguna ni Chief Tanod Domingo Alden, hiniling ng barangay sa PNP–Police Station 2 at Provincial Highway Patrol Team ang mas pinaigting na police visibility at traffic assistance sa kahabaan ng Maharlika Highway, partikular sa mga school zones, pedestrian crossing areas, at iba pang identified high-risk points.

Nakipag-ugnayan din ang barangay sa Concepcion Grande Elementary School, Villa Grande Elementary School, ALT Home-School and Tutorial Center, at Minds That Matter–Concepcion Grande Branch upang maisagawa ang angkop at koordinadong school zone safety measures sa paligid ng kanilang mga paaralan, alinsunod sa mga umiiral na batas, polisiya, at kaugnay na local issuances.

Layunin ng ating Punong Barangay Jerrold Rito ang sama-samang pagkilos para sa kaligtasan ng bawat bata, pedestrian, motorista, at commuter.

MGA LARAWAN | REGULAR MONTHLY SESSION NG SANGGUNIANG BARANGAY📍 ALS Center, Concepcion Grande📅 Oktubre 5, 2026 | ⏰ 9:00AM...
06/10/2026

MGA LARAWAN | REGULAR MONTHLY SESSION NG SANGGUNIANG BARANGAY

📍 ALS Center, Concepcion Grande
📅 Oktubre 5, 2026 | ⏰ 9:00AM

Isinagawa ang Regular Monthly Session ng Sangguniang Barangay ng Concepcion Grande para sa buwan na ito, na pinangunahan ni Punong Barangay Jerrold Rito, upang talakayin ang mga mahahalagang usapin at concerns ng ating komunidad.

Kabilang sa mga tinalakay ang road safety at traffic management, status ng dengue cases, mga tungkulin at functions ng barangay personnel, monitoring at panukalang pagbibigay ng construction materials para makamit ang Zero Open Defecation (ZOD) status, pati na rin ang ilang mahahalagang proposed ordinances at mga urgent resolutions mula sa BCPC at BPOC.

Patuloy ang Sangguniang Barangay sa sama-samang pagtalakay at pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga residente tungo sa mas ligtas, malinis, maayos, at maunlad na Concepcion Grande.

TINGNAN | FLAG RAISING CEREMONY & GENERAL ASSEMBLY PARA SA BUWAN NG OKTUBRE📍 Barangay Government Complex📅 Oktubre 5, 202...
05/10/2026

TINGNAN | FLAG RAISING CEREMONY & GENERAL ASSEMBLY PARA SA BUWAN NG OKTUBRE

📍 Barangay Government Complex
📅 Oktubre 5, 2026| ⏰ 7:30 AM

Isinagawa ang regular na Flag Raising Ceremony at General Assembly ng mga Barangay Personnel ng Concepcion Grande, bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng pagkakaisa at maayos na koordinasyon sa paglilingkod sa ating komunidad.

Nagbahagi rin ng kanilang maiikling mensahe at announcements ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay. Nagpaabot naman ng pasasalamat si P/Msgt. Ben Artiaga ng CMFC-Naga sa Mushroom Growers Association para sa aktibong pakikilahok nito sa kanilang livelihood project.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Punong Barangay Jerrold Rito ang inisyatiba ng PNP-CMFC, gayundin ang sipag at dedikasyon ng lahat ng barangay personnel sa pagpapatupad ng iba’t ibang programs, projects, and activities (PPAs) ng barangay. Binati rin niya ang mga birthday celebrants ngayong buwan at hinikayat ang lahat na ipagpatuloy ang tapat at sama-samang paglilingkod sa ating mga kabarangay.

MGA LARAWAN | REGULAR FREE MEDICAL CHECK-UP SA BARANGAY HEALTH CENTERPatuloy ang Regular Medical Check-up ng ating Baran...
03/10/2026

MGA LARAWAN | REGULAR FREE MEDICAL CHECK-UP SA BARANGAY HEALTH CENTER

Patuloy ang Regular Medical Check-up ng ating Barangay Doctor na si Dr. Joframel Paz, kasama ang ating mga masisipag na barangay health personnel, para sa ating mga residente.

📍 Barangay Health Center, Concepcion Grande
📅 Tuwing Sabado | ⏰ 8:30 AM – 10:00 AM

Maaaring magbago ang oras ng pagtatapos depende sa bilang ng mga pasyente.

Ipinapaabot po ng ating Punong Barangay Jerrold Rito para sa mga nais magpa-check-up, ay direktang magtungo lamang sa ating Barangay Health Center tuwing Sabado, o lumapit sa kahit sinong barangay health personnel upang makapag-avail ng libreng serbisyong medikal.

KALINISAN DAY: GENERAL CLEANING SA BARANGAY HALL📍 Barangay Government Complex📅 Oktubre 3, 2026, 7:00 N.U.Nagsama-sama an...
03/10/2026

KALINISAN DAY: GENERAL CLEANING SA BARANGAY HALL

📍 Barangay Government Complex
📅 Oktubre 3, 2026, 7:00 N.U.

Nagsama-sama ang mga barangay officials at personnel sa pangunguna ng ating Puong Barangay Jerrold Rito para sa pagsasagawa ng Kalinisan Day sa ating Barangay Hall.

Sama-samang nilinis at inayos ang mga work areas at paligid ng Barangay Hall bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalinisan, kaayusan, at isang maayos na working environment para sa ating mga kawani at mga residenteng ating pinaglilingkuran.

TINGNAN | BCPC SPECIAL MEETING📍 ALS Center  📅 Oktubre 2, 2026, 10:00 N.U.Isinagawa ang Special Meeting ng Barangay Counc...
02/10/2026

TINGNAN | BCPC SPECIAL MEETING

📍 ALS Center
📅 Oktubre 2, 2026, 10:00 N.U.

Isinagawa ang Special Meeting ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) na pinangunahan ni Punong Barangay Jerrold Rito, upang paghandaan ang mga mahahalagang gawain para sa patuloy na pagpapalakas ng child protection programs ng barangay.

Kabilang sa mga pangunahing agenda ang Document Check para sa nalalapit na BCPC Evaluation at ang pagpasa ng mga BCPC Resolutions hinggil sa pagpapabuti at regular na maintenance ng mga playground at play areas, integrasyon ng Comprehensive Emergency Program for Children sa 2027 Barangay Budget, at pagpapanukala ng institutionalization ng Barangay Children’s Congress.

Patuloy ang ating BCPC sa pagbuo ng mga konkretong hakbang upang matiyak ang kaligtasan, proteksyon, partisipasyon, at kapakanan ng bawat bata sa ating barangay.

MGA LARAWAN | ILANG BARANGAY HEALTH PERSONNEL, SUMAILALIM SA CSNSA TRAINING📍 City Hall, Naga City  📅 Setyembre 30 - Octo...
30/09/2026

MGA LARAWAN | ILANG BARANGAY HEALTH PERSONNEL, SUMAILALIM SA CSNSA TRAINING

📍 City Hall, Naga City
📅 Setyembre 30 - October 1, 2026

Sumasailalim ang piling Barangay Health Personnel ng Barangay Concepcion Grande sa 2-Day Climate Smart and Nutrition-Sensitive Agriculture (CSNSA) Training of Trainers na pinangunahan ng Helen Keller International katuwang ang City Nutrition and Population Office.

Kinatawan ang barangay nina BNS Cecilia San Pascual, BHW Diane Celestial, at SFV Fely Macawili, na nagsanay upang higit na mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga pamamaraang climate-smart at nutrition-sensitive agriculture at maisulong ang mga ito sa ating barangay.

Asahan po nating patuloy ang Barangay Concepcion Grande sa pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng ating mga frontliners tungo sa mas masustansya, matatag, at climate-resilient na komunidad.

CONCEPCION GRANDE HIGH SCHOOL: STEP 2 NA TAYO!📍 Sangguniang Panlungsod Session Hall, Naga City  📅 Setyembre 30, 2026, 2:...
30/09/2026

CONCEPCION GRANDE HIGH SCHOOL: STEP 2 NA TAYO!

📍 Sangguniang Panlungsod Session Hall, Naga City
📅 Setyembre 30, 2026, 2:00 N.H.

Isinagawa ang Education Committee Hearing na pinangunahan ni City Councilor Elmer S. Baldemoro upang talakayin ang Barangay Resolution No. 29, Series of 2026, na naglalayong maisagawa ang feasibility studies para sa pagtatatag ng isang public secondary school sa ating barangay.

Dumalo sa hearing sina Punong Barangay Jerrold Rito at B/Kgd. Grace Navia upang iprisinta at ipaliwanag ang pangangailangan ng barangay para sa isang pampublikong high school.

Matapos ang deliberasyon, nagpasya ang Committee na pormal na irekomenda sa Sangguniang Panlungsod ang pag-isyu ng endorsement sa City Planning and Development Office at Department of Education para sa pagsasagawa ng kinakailangang pag-aaral para sa pagtatatag ng isang High School or Integrated School sa ating minamahal na Concepcion Grande.

Mensahe ni Kap Joker: Sarong step na naman ini paduman sa mas accessible asin de kalidad na edukasyon para sa kaakian. Step 2 na po, at patuloy lang po tayo.

📷 Sangguniang Panlungsod ng Naga

MGA LARAWAN | PATULOY NA PAGKUKUMPUNI AT PAGPAPALIT NG MGA STREETLIGHTBilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaan...
30/09/2026

MGA LARAWAN | PATULOY NA PAGKUKUMPUNI AT PAGPAPALIT NG MGA STREETLIGHT

Bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Barangay ng Concepcion Grande, sa pamumuno ni Punong Barangay Jerrold Rito, patuloy ang mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko at mas maayos na pamayanan.

Sa buwan ng Setyembre, matagumpay na naisagawa ang pagkukumpuni ng mga streetlight at pagpapalit ng 20 bumbilya sa iba’t ibang sitio at zone ng barangay, batay na rin sa mga kahilingan at ulat ng ating mga residente.

Isinagawa ang mga ito ng Barangay General Services Department, sa pangunguna nina Pio Baldemoro, Ruben Capistrano, Winniefred Cello, Eber Bracero, at Fernan Dingding, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatiling maliwanag, ligtas, at maayos ang ating mga lansangan.

Address

Concepcion Grande
Naga City
4400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Concepcion Grande.OFFICIAL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Concepcion Grande.OFFICIAL:

Shortcuts

Share