22/10/2026
KAILANGANG SUMAYAW SA CHRISTMAS PARTY? BAWAL SABI NG DOLE
Isang uri ng bullying sa mga empleyado ang pagpipilit na pasayawin sila sa Christmas Party, ayon sa DOLE - Central Visayas.
Dapat umano maging boluntaryo ang performances sa Christmas party at hindi maging pilitan.
Dagdag pa ng ahensya, ang sinumang empleyado na pagbantaan ng disciplinary action sa hindi pagsayaw sa Christmas Party ay maaaring magreklamo sa National Labor Relations Commission.