07/08/2026
🌧️🌧️🌧️
NAIC BANTAY PANAHON UPDATE: ORANGE RAINFALL WARNING SA CAVITE
Alinsunod sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas na ang Orange Rainfall Warning sa buong lalawigan ng Cavite dulot ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat).
Pinapayuhan ang lahat ng Naicqueño na maging alerto, lalo na ang mga naninirahan sa mga mabababang lugar, tabing-ilog, at mga lugar na madaling bahain. Ugaliing subaybayan ang lagay ng panahon at sundin ang mga paalala ng ating mga awtoridad upang maiwasan ang anumang panganib.
Patuloy ang monitoring ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), upang matiyak ang kaligtasan at agarang pagbibigay ng impormasyon sa ating mga kababayan.
🔔 Naicqueños, huwag nating kalimutang:
✅ Subaybayan ang mga opisyal na weather advisories.
✅ Maghanda ng emergency kit at flashlight.
✅ Iwasan ang pagtawid o pagdaan sa mga baha.
✅ Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
✅ Lumikas agad kung kinakailangan.
✅ Huwag kalimutang isama ang ating mga alagang hayop kung kinakailangang lumikas.
Narito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan:
MDRRMO HOTLINE
410-5725 / 0917-812-8186
NAIC PNP HOTLINE
0998-598-5621
BFP HOTLINE
(046) 412-3774 / 0946-9565-753 / 0956-4830-753
MHO HOTLINE
(046) 889-9316 / (046) 889-0499 / (046) 889-4504