Nampicuan Waterworks System

Nampicuan Waterworks System Nampicuan Waterworks System is a water service committed to provide its consumers potable water. "Service for Life and Progress"

19/05/2026

πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers:Bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng aming serbisyo, ang Nampicuan Waterworks...
13/05/2026

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers:

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng aming serbisyo, ang Nampicuan Waterworks System ay magsasagawa ng Barangay Help Desk sa mga barangay na sakop ng aming serbisyo upang mas mapalapit sa mga consumers at agad na matugunan ang kanilang mga concerns, katanungan, suhestiyon, at reklamo kaugnay ng tubig.

Layunin ng programang ito na:
βœ… Makinig sa hinaing at suhestiyon ng consumers
βœ… Magbigay ng agarang tugon sa concerns sa billing, water connection, at iba pa
βœ… Mas mapabuti ang serbisyo ng NWS
βœ… Magkaroon ng maayos na komunikasyon sa bawat barangay

Inaanyayahan po namin ang lahat ng consumers na makiisa at dumalo sa nakatakdang schedule ng inyong barangay.

πŸ“ SCHEDULE OF BARANGAY HELP DESK

πŸ—“MAY 14, 2026 : Barangay Ambassador Alzate Village (8:00am – 10:00am)
Barangay Cabaducan East (10:00am – 12:00nn)

πŸ—“MAY 21, 2026 : Barangay Cabaducan West (8:00am – 10:00am)
Barangay Cabawangan (10:00am – 12:00nn)

πŸ—“JUNE 18, 2026 : Barangay East Central Poblacion (8:00am – 10:00am)
Barangay Estacion (10:00am – 12:00nn)

πŸ—“JUNE 25, 2026 : Barangay South Central Poblacion (8:00am – 10:00am)
Barangay South East Poblacion (10:00am – 12:00nn)

πŸ—“JULY 16, 2026 : Barangay North Poblacion (8:00am – 10:00am)
Barangay Northwest Poblacion (10:00am – 12:00nn)

πŸ—“JULY 23, 2026 : Barangay West Central Poblacion (8:00am – 10:00am)
Barangay Southwest Poblacion (10:00am – 12:00nn)

πŸ—“AUGUST 13, 2026 : Barangay West Poblacion (8:00am – 10:00am)

πŸ“Œ Mangyari pong dalhin ang inyong mga kinakailangang dokumento tulad ng water bill kung may concern tungkol sa billing o account verification.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan upang lalo pang mapabuti ang serbisyo ng ating Nampicuan Waterworks System. πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

12/05/2026

πŸ“’π—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—” | π— π—”π—›π—œπ—‘π—” π—”π—‘π—š π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ 𝗣π—₯π—˜π—¦π—¦π—¨π—₯π—˜ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š π—§π—”π—š-π—œπ—‘π—œπ—§πŸ’§β˜€οΈ

Ang Nampicuan Waterworks System ay nakakaranas ng mahinang water pressure dahil sa patuloy na matinding init ng panahon at mataas na konsumo ng tubig. Dahil dito, hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa upang masiguro na lahat ng consumers ay magkakaroon pa rin ng sapat na suplay ng tubig.
Narito po ang ilang paraan upang makatipid at makapag-ipon ng tubig:
βœ… Mag-ipon ng tubig sa malinis na lalagyan para may magamit sa oras ng mahinang suplay.
βœ… Iwasan ang pag-aaksaya ng tubig tulad ng pagpapaagos habang naghuhugas o naliligo.
βœ… Gumamit lamang ng sapat na tubig sa pang-araw-araw na gawain.
βœ… Ayusin agad ang mga tumutulong gripo at sirang linya ng tubig sa inyong kabahayan.
βœ… Ireport kaagad ang mga leaks sa main line.
βœ… Ipunin ang mga tubig na ginamit panlaba at panghugas upang may magamit sa pagdidilig ng halaman o kaya sa iba pang kinakailangang gawain.
βœ… Maglaba at maglinis sa oras na hindi peak hours kung maaari.
βœ… Turuan at hikayatin din ang bawat miyembro ng pamilya na maging responsable sa paggamit ng tubig.

Patuloy pong ginagawa ng Nampicuan Waterworks System ang mga kinakailangang hakbang upang mapanatili ang maayos na serbisyo sa kabila ng limitadong supply ng tubig ngayong tag-init.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa. πŸ’¦πŸ’¦

28/04/2026

Paumanhin po sa lahat ng NAWASA consumers. Mag-eextend po hanggang 6:30pm ang ating flushing activity dahil sa volume ng dumi sa ating mga linya. Salamat po sa inyong pang-unawa.

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers: Magkakaroon po tayo ng Flushing Activity sa ating dalawang Pumping Station sa Apri...
23/04/2026

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers:

Magkakaroon po tayo ng Flushing Activity sa ating dalawang Pumping Station sa April 28, 2026, sa ganap na ika-1 hanggang ika-5 ng hapon. Ito po ay nakapaloob sa ating quarterly program upang malinis at ma flush out ang mga dumi sa mga tangke at distribution lines.

Asahan na walang supply ng tubig kaya pinapayuhan po ang lahat na mag ipon upang may magamit sa mga oras na ito. Posible ding magkaroon ng panandaliang discoloration ng tubig kaya naman panatilihing nakasara ang mga gate valves habang isinasagawa ito. Kung magtagal ng isang araw ang discoloration ng tubig, mangyaring ipagbigay alam ito sa ating opisina.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik at pang-unawa πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

Maglaan ng panahon upang i-check ang lahat ng water fixtures sa mga bahay. Kung may leak, ayusin kaagad ito o ipaalam sa...
16/04/2026

Maglaan ng panahon upang i-check ang lahat ng water fixtures sa mga bahay. Kung may leak, ayusin kaagad ito o ipaalam sa inyong trusted tubero. Ganun din sa mga leak sa main lines o sa labas ng bahay, mangyaring ireport kaagad ito sa aming opisina o kaya naman dito sa ating fb page.
Gawin natin ito upang hindi na dumami ang nasasayang na tubig. Tulong-tulong tayo sa pag preserba ng ating likas na yaman.
Maraming salamat po! πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers:Naibalik na sa dating operasyon ang Cabawangan Pumping StationπŸ’¦Sa tulong ng mga tec...
14/04/2026

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers:

Naibalik na sa dating operasyon ang Cabawangan Pumping StationπŸ’¦

Sa tulong ng mga technical experts at engineers na nagmula pa sa Quezon City at Pangasinan, napalitan na ang mga wirings at piyesang nasunog sa panel board ng Cabawangan Pumping Station. Nagsimula ang paghahanda sa replacement na ito simula pa noong biyernes ng gabi, at nagsimulang i-assemble kahapon at natapos ngayong tanghali.
Nagkaroon din ng briefing sa mga watchmen ng pumping station patungkol sa idinagdag na digital voltage controller, kung saan mamomonitor na ang pagtaas at pagbaba ng voltage ng power supply upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa inconvenience na naidulot ng hindi inaasahang technical issue na ito.

Maraming salamat po sa pang-unawa at patuloy na pagtangkilik πŸ’¦πŸ’¦

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers:Pansamantala po munang nahinto ang operation ng Cabawangan Pumping Station dahil na...
10/04/2026

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers:

Pansamantala po munang nahinto ang operation ng Cabawangan Pumping Station dahil nasunog ang panel board nito.

Ang Cabaducan West pumping station po muna ang magsusupply sa lahat ng coverage areas ng Nampicuan Waterworks System habang inaayos ang Cabawangan pumping station. Maaaring tumagal po ito ng ilang araw kaya pinapayuhan po ang lahat na mag ipon ng tubig upang may magamit sa mga oras na mahina ang supply nito dahil sa demand ng konsumo.

Ang aming opisina po ay muling mag-aabiso kapag naayos na at naibalik na sa normal na operation ng Cabawangan pumping station. Maraming salamat po sa pang-unawa at patuloy na pagtangkilik! πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers: Narito po ang schedule ng ating opisina ngayong Holy Week ⬇️Pinapayuhan din po ang...
31/03/2026

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers:

Narito po ang schedule ng ating opisina ngayong Holy Week ⬇️

Pinapayuhan din po ang lahat na magkaroon ng reserbang tubig upang may magamit sa mga oras na mahina ang supply dahil sa dami ng demand ngayong Holy Week at ganun din sa mga pagkakataong may biglaang pagkawala ng supply ng kuryente. Maraming salamat po πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

Pabatid sa NAWASA consumers:Magkakaroon po ulit ng flushing activity ang Cabawangan Pumping Station sa March 27, 2026 mu...
25/03/2026

Pabatid sa NAWASA consumers:

Magkakaroon po ulit ng flushing activity ang Cabawangan Pumping Station sa March 27, 2026 mula ika-9 ng gabi hanggang ika-12 ng hating gabi. Ito ay isasagawa bilang pagtugon sa napag-usapang mga pamamaraan upang malinis ang mga linya ng tubig na malapit sa bagong pump station. Inaasahan na mas mapapaganda ang kalidad ng tubig pagkatapos ng aktibidad na ito.

Pinapayuhan po ang mga residente ng Brgy. Cabawangan at ibang parte ng Cabaducan East na isara ang mga gate valves at mag ipon ng tubig upang may magamit sa mga oras na isinasagawa ito. Maraming salamat po sa suporta at pang-unawa. πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

πŸ“’ PABATID: Flushing at Cleaning Activity (NWS)
πŸ“… March 27, 2026 (Biyernes)
πŸ•˜ 9:00 PM – 12:00 MN

Bilang pagtugon sa napagkasunduan sa naganap na Barangay Assembly, ang Nampicuan Waterworks System (NWS) ay magsagawa ng flushing activity upang mapanatili ang kalinisan at maalis ang mga sediment sa ating distribution lines at tangke ng Cabawangan Pumping Station.

Apektadong Lugar:
πŸ“ Brgy. Cabawangan
πŸ“ Bahagi ng Brgy. Cabaducan East

Samantala, ang nalalabing bahagi ng Brgy. Cabaducan East at Brgy. Ambassador Alzate Village ay pansamantalang siserbisyuhan ng Cabaducan West Pumping Station habang isinasagawa ang aktibidad. Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nakatakdang oras. Maraming salamat sa inyong pag-unawa para sa mas malinis at de-kalidad na serbisyo ng tubig.

PABATID sa lahat ng NAWASA consumers:
24/03/2026

PABATID sa lahat ng NAWASA consumers:

Address

Brgy. North Poblacion
Nampicuan
3116

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nampicuan Waterworks System posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share