30/09/2026
Kinonsulta po natin ang mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program City Links ng Navotas tungkol sa Prevent, Screen, Treat (Back to Back to Back HPV Vaccination) Program ng Lungsod.
Matatandaang nauna ng mailatag sa ibang mga sektor partikular sa mga estudyante ng mga eskwelahan dito sa ating Lungsod ang nasabing programa.
At ngayon, target ng magiging roll-out ngayong darating na November 6, 2026 sa Navotas Convention Center ang mga working sector para ma-test ng HPV DNA upang tuluyan na nating maiwasan ang pagkakasakit ng cervical cancer kung maaga natin itong made-detect.
Hinihikayat ko po ang lahat na makiisa sa nasabing programa at magkita kita po tayo sa Navotas Convention Center ngayong November 6, 2026..