LTO San Carlos City District Office - Negros Island Region

LTO San Carlos City District Office - Negros Island Region The Official page of LTO San Carlos City District Office - Negros Occidental

26/08/2026

π€πŠπ“πŽπ‘ 𝐍𝐀 π’π€ππ†πŠπŽπ“ 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆-π€π€π‘π€π‘πŽ 𝐒𝐀 π“π€π“π‹πŽππ† π„π’π“π€ππ‹πˆπ’πˆπŒπ˜π„ππ“πŽ 𝐒𝐀 π€ππ“πˆππŽπ‹πŽ, ππˆππ€πƒπ€π‹π‡π€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ 𝐍𝐆 π’π‚πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Bilang bahagi ng mandato ng Land Transportation Office (LTO) na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa kalsada at ipatupad ang mga panuntunan para sa ligtas na pagmamaneho, agad na nag-isyu ng Show Cause Order (SCO) at nagsagawa ng imbestigasyon ang ahensya sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, kaugnay ng insidenteng naganap sa Marcos Highway, Antipolo City, Rizal, na kinasangkutan ng sasakyang minamaneho ng isang aktor.

Batay sa isinagawang imbestigasyon at mga nakalap na ebidensya, kabilang ang ulat ng Antipolo Component City Police Station, nawalan ng kontrol ang aktor sa minamaneho niyang sasakyan. Dahil dito, napunta ang sasakyan sa kabilang linya ng kalsada bago bumangga sa tatlong establisimyento at isang nakaparadang motorsiklo, kung saan isang indibidwal ang nagtamo ng sugat matapos mabangga ng sasakyan.

Sa inilabas namang pahayag, inamin ng aktor na siya ang nagmamaneho ng sasakyan at kinilala ang kaniyang pananagutan sa insidente matapos siyang makatulog habang nagmamaneho dahil sa matinding pagod. Ipinahayag din niya ang kaniyang kahandaang akuin ang buong personal at legal na pananagutan, kabilang ang pagtugon sa pangangailangan ng nasugatang indibidwal at sa mga pinsalang idinulot sa mga establisimyento.

Bilang bahagi ng proseso, kinakailangang humarap ang rehistradong may-ari at ang itinalagang drayber sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO para sa pagdinig na nakatakda sa Agosto 28, 2026. Inaatasan din silang magsumite ng sinumpaang paliwanag at mga kaukulang dokumentong maaaring magsilbing suporta sa kanilang panig kaugnay ng mga alegasyong nakasaad sa SCO.

Maaari namang maharap ang aktor sa kaukulang pananagutan para sa mga paglabag sa ilalim ng umiiral na mga batas at regulasyon ng LTO, kabilang ang Reckless Driving, gayundin ang posibleng pagsuspinde o pagbawi ng kaniyang lisensya sa pagmamaneho dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

"Bago pa man paandarin ang sasakyan, dapat alam na ng driver kung kaya niyang manatiling alerto hanggang sa makarating sa kaniyang destinasyon. Kung pagod o inaantok, huwag nang ipilit ang pagmamaneho dahil inilalagay lamang niya sa panganib ang kaniyang sarili, pati na rin ang ibang motorista at mga taong nasa paligid,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

β€œTungkulin ng LTO na ipatupad ang mga batas, at tungkulin ko ring hindi palampasin ang mga ganitong insidente. Isasailalim natin ito sa due process,” dagdag niya.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, inilagay na ng LTO sa alarm status ang pribadong sasakyan at inatasan ang aktor na agad na isuko ang kanyang driver’s license sa IID, na sasailalim sa 90-araw na preventive suspension.

Muling nananawagan ang LTO sa lahat ng motorista na maging maingat at responsable sa pagmamaneho. Kung pagod o inaantok, huwag nang ipilit ang pagmamaneho at maglaan muna ng oras upang makapagpahinga. Sa simpleng pag-iingat, maiiwasan ang aksidente at mapoprotektahan ang sariling buhay at kaligtasan ng ibang tao sa kalsada. Patuloy namang ipatutupad ng LTO ang mga batas at regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan sa kalsada.

26/08/2026

𝟏𝟏 π“π€π—πˆ, ππ€π‡π”π‹πˆ 𝐒𝐀 πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€ππ† π‰πŽπˆππ“ 𝐋𝐀𝐖 π„ππ…πŽπ‘π‚π„πŒπ„ππ“ πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ πŠπŽππ“π‘π€ π‚πŽπ‹πŽπ‘π”πŒ 𝐀𝐓 πŽπ•π„π‘π‚π‡π€π‘π†πˆππ† 𝐒𝐀 ππ€πˆπ€ πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐄𝐀𝐂𝐇 πŽπ… π…π‘π€ππ‚π‡πˆπ’π„

Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, nagsagawa ng joint law enforcement operation ang mga tauhan ng LTO, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) at Aviation Security Unit (AVSEU), laban sa mga colorum at overcharging na taxi sa NAIA Complex sa Pasay City.

Isinagawa ang operasyon noong Agosto 25, 2026, mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi, bilang bahagi ng pagpapatupad laban sa mga taxi na sangkot sa colorum operation, overcharging, contracting, at pagtangging magbigay ng serbisyo o maghatid ng mga pasahero sa kanilang destinasyon.

Sa isinagawang operasyon, kabuuang 11 Public Utility Vehicles (PUVs) na taxi ang inisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) dahil sa breach of franchise.

Pinangunahan ang operasyon nina Ret. PBGen. Allan C. Nobleza, Director ng Law Enforcement Service (LES), at PMAJ Roderick Francis B. Salem ng Aviation Security Unit (AVSEU)-NCR. Katuwang din sa operasyon ang mga personnel ng Field Enforcement Division (FED) ng LES, sa pangunguna nina STRO Alvin Domingo at TRO Midel S. Timbang, gayundin ang mga personnel ng PCG, sa pangunguna ni PO3 David Arcanghel.

β€œHindi dapat nagiging pagkakataon ang serbisyo sa pampublikong transportasyon para manlamang o magsamantala sa mga pasahero. Kailangang masiguro natin na ang mga PUVs ay sumusunod sa kanilang prangkisa at nagbibigay ng maayos at patas na serbisyo sa publiko,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

β€œPatuloy tayong makikipag-ugnayan sa ating mga katuwang na law enforcement agencies upang matukoy at mapanagot ang mga operator at driver na lumalabag sa mga itinakdang kondisyon ng kanilang prangkisa. Ang bawat pasahero ay may karapatang makatanggap ng ligtas, maayos at nararapat na serbisyo,” dagdag niya.

Tiniyak ng LTO na magpapatuloy ang koordinasyon nito sa iba’t ibang law enforcement agencies upang mapalakas ang pagpapatupad ng mga regulasyon sa pampublikong transportasyon, partikular sa mga lugar na mataas ang bilang ng mga pasahero. Sa pamamagitan ng mga magkakatuwang na operasyon, layunin ng ahensya na mapanatili ang maayos, ligtas, at patas na serbisyo sa publiko at matiyak ang pagsunod ng mga operator at driver sa mga kondisyon ng kanilang prangkisa.

26/08/2026

π‹π“πŽ-ππˆπ‘ ππ”ππ‹πˆπ‚ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜: 𝐁𝐄𝐖𝐀𝐑𝐄 πŽπ… 𝐍𝐂𝐀𝐏 π’π‚π€πŒπ’

The LTO–Negros Island Region (LTO-NIR) reminds the public to stay alert against fake NCAP/traffic violation messages and phishing scams.

Scammers may send messages claiming that you have an unsettled traffic violation and direct you to suspicious links or payment channels. Do not click links, provide personal or financial information, or make payments through unsolicited messages, QR codes, or unfamiliar websites.

The public is advised to verify first and rely only on official LTO channels for traffic violation information and transactions.

Stay vigilant. Protect your personal and financial information.

21/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ipinababatid ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na sarado ang lahat ng tanggapan ng ahensya ngayong Agosto 21, 2026 (Biyernes) bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day, isang Special Non-Working Holiday sa buong Pilipinas, alinsunod sa Republic Act No. 9256.

Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban ang kanilang mga transaksyon sa nasabing araw at isagawa ang mga ito sa muling pagbabalik ng regular na operasyon ng ahensya.

Para sa mga opisyal na anunsyo at iba pang impormasyon, mangyaring sumubaybay sa page na ito ng LTO.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

20/08/2026

π‹π“πŽ-ππˆπ‘ 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐒 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ π“πŽ π“π‘πˆπ‚π˜π‚π‹π„ πƒπ‘πˆπ•π„π‘ 𝐈𝐍 π‡πˆπŒπ€πŒπ€π˜π‹π€π πˆππ‚πˆπƒπ„ππ“

The Land Transportation Office–Negros Island Region (LTO-NIR), under the leadership of OIC Regional Director Jeck D. Conlu and Assistant Regional Director Monico A. Puentevella Jr., served a Show Cause Order (SCO) on a tricycle driver allegedly involved in the assault of a traffic enforcer in Himamaylan City.

On Thursday, August 20, 2026, at around 2:30 p.m., the LTO-NIR Intelligence and Investigation Unit (IIU), with the assistance of LTO Himamaylan personnel, served the SCO at the Brgy. 3 People’s Hall in Himamaylan City, Negros Occidental.

The respondent was identified as the tricycle driver seen in a viral video allegedly punching a local traffic enforcer following a confrontation reportedly related to roadside parking on August 19.

The issuance and service of the SCO form part of LTO-NIR’s continuing commitment to uphold road safety, ensure accountability, and enforce existing traffic rules and regulations.

LTO-NIR reminds motorists and transport operators that compliance with traffic regulations and respect for traffic enforcers are essential in maintaining safe, orderly, and disciplined roads.

19/08/2026
19/08/2026
19/08/2026

Address

Brgy. Punao, San Carlos City
Negros Occidental
6127

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO San Carlos City District Office - Negros Island Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share