Municipality of Upi

Municipality of Upi Upi is a first-class municipality located in the Province of Maguindanao del Norte.
(1)

It comprises 23 landlocked barangays and spans an area of 555.7446 square kilometers. The municipality is home to a diverse population of 65,363 residents (PSA 2024).

03/06/2026

One night. One stage. One unforgettable celebration.

Upians, narito ang mga tagpong nagpatingkad sa LGU Night 2026. Isang gabi ng musika, talento, pagkakaisa, at walang kapantay na dedikasyon ng bawat kawani ng Pamahalaang Bayan ng Upi.

Pinatunayan nating kayang dalhin ng mga Upian ang mundo sa iisang entablado na may husay, puso, at pagmamalaki.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng gabing ito. Tunay ngang mas masaya, mas makulay, at mas makahulugan ang pagdiriwang kapag sama-sama.

Layang, Upi, Layang!

UPDATE | ๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐‚๐€๐ƒ๐„ & ๐Ž๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐‹๐•๐Ž ๐ŸŽ‰JUNE 1, 2026 | 2:00 PM | NURO POBLACION & GYMNASIUM
02/06/2026

UPDATE | ๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐‚๐€๐ƒ๐„ & ๐Ž๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐‹๐•๐Ž ๐ŸŽ‰
JUNE 1, 2026 | 2:00 PM | NURO POBLACION & GYMNASIUM

UPDATE | ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐…๐€๐ˆ๐“๐‡ ๐ŸคJUNE 1, 2026 | 8:00 AM | GYMNASIUM  71หขแต— Founding Anniversary Celebration
02/06/2026

UPDATE | ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐…๐€๐ˆ๐“๐‡ ๐Ÿค
JUNE 1, 2026 | 8:00 AM | GYMNASIUM

71หขแต— Founding Anniversary Celebration

UPDATE | ๐Š๐€๐๐ƒ๐”๐‹๐ˆ ๐ŸŒพMay 30, 2026 | 7:00 AM | TENINES  71หขแต— Founding Anniversary Celebration
02/06/2026

UPDATE | ๐Š๐€๐๐ƒ๐”๐‹๐ˆ ๐ŸŒพ
May 30, 2026 | 7:00 AM | TENINES

71หขแต— Founding Anniversary Celebration

UPDATE | ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ž๐… ๐๐„๐€๐‚๐„ ๐Ÿ•Š๏ธMay 29, 2026 | 7:00 AM |  Maharlika Plaza   71หขแต— Founding Anniversary Celebration
02/06/2026

UPDATE | ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ž๐… ๐๐„๐€๐‚๐„ ๐Ÿ•Š๏ธ
May 29, 2026 | 7:00 AM | Maharlika Plaza

71หขแต— Founding Anniversary Celebration

๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง, ๐๐š๐ง๐š๐ข๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ง๐๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐Ž๐ฌ๐ข๐ง๐ Matagumpay na isinagawa ng Local Government Unit (LGU) ng Upi sa pangungun...
01/06/2026

๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง, ๐๐š๐ง๐š๐ข๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ง๐๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐Ž๐ฌ๐ข๐ง๐ 

Matagumpay na isinagawa ng Local Government Unit (LGU) ng Upi sa pangunguna ni Mayor Ma. Rona Cristina Piang-Flores ang Peace and Reconciliation Settlement na nagbunga ng pagkakasundo ng mga pamilya Mundas at Osing, na layong mapayapang maresolba ang matagal nang sigalot at higit pang mapatatag ang pagkakaisa, pagkakaunawaan, at kaayusan sa bayan.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng LGU Upi upang isulong ang mapayapang resolusyon ng mga sigalot sa komunidad sa pamamagitan ng diyalogo, pagkakaunawaan, at pagkakaisa.

Katuwang sa aktibidad si Province of Maguindanao del Norte Vice-Governor Datu Marshall I. Sinsuat, BTA Member of Parliament Ramon A. Piang Sr. ng Ministry of Indigenous Peoples' Affairs, mga kinatawan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), Maguindanao del Norte Police Provincial Office sa pangunguna ni Acting Provincial Director PCol George D. Bagundol Jr., at mga religious leaders.

Ang tagumpay ng reconciliation settlement ay patunay na ang kapayapaan ay higit na napagtitibay kapag ang mga alitan ay nilulutas sa mapayapang paraan at sa ilalim ng respeto at kooperasyon ng bawat isa. Binigyang-diin din na ang ganitong mga hakbang ay mahalaga sa pagpapatatag ng tiwala sa komunidad at sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa buong bayan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Flores ang kahalagahan ng pagkakasundo sa komunidad. โ€œWalang isang ina ang nagnanais na makitang hindi nagkakasundo ang kanyang mga anak,โ€ aniya, bilang paalala na ang kapayapaan ay higit na napagtitibay sa pamamagitan ng pag-uusap, pag-uunawaan, at pagtutulungan.

Muling pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng Upi ang pangako nito na ipagpapatuloy ang whole-of-community approach sa pagpapanatili ng kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa bayan.

โœจ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐Š๐€๐‹ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐”๐๐ˆ๐€๐๐’โœจ Hunyo 5, 2026 | Upi Municipal GymnasiumKasabay ng pagdiriwang ng ika-71st Founding A...
01/06/2026

โœจ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐Š๐€๐‹ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐”๐๐ˆ๐€๐๐’โœจ
Hunyo 5, 2026 | Upi Municipal Gymnasium

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-71st Founding Anniversary ng Bayan ng Upi, ang LGU Upi ay magkakaroon ng Medical Mission and Bloodletting Activity.

๐Œ๐ ๐š ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐‡๐š๐ง๐๐จ๐ : ๐Ÿ’‰

โœ”๏ธ๐˜๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜š๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ / ๐˜™๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜‰๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜š๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ
โœ”๏ธ๐˜—๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ค ๐˜ข๐˜ต ๐˜”๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ญ ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฌ-๐˜ถ๐˜ฑ
โœ”๏ธ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฌ-๐˜ถ๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ต ๐˜›๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ ๐˜Œ๐˜น๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ (๐˜‰๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ)
โœ”๏ธ๐˜Š๐˜ช๐˜ณ๐˜ค๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ค๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ (๐˜›๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช)
โœ”๏ธ๐˜‰๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ

Inaanyayahan ang lahat ng Upians na samantalahin ang pagkakataong ito upang mapangalagaan ang inyong kalusugan at makapagbahagi ng buhay sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo๐Ÿฉธ

01/06/2026

BID OPENING CONFERENCE

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ž ๐—ง๐—”๐—ž๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ง๐—˜๐—”๐— ๐—ฆ!Be part of the 1st Mayor Tin Tin Piang-Flores Invitational Sepak Takraw Tournament in cele...
31/05/2026

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ž ๐—ง๐—”๐—ž๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ง๐—˜๐—”๐— ๐—ฆ!

Be part of the 1st Mayor Tin Tin Piang-Flores Invitational Sepak Takraw Tournament in celebration of the 71st Founding Anniversary of the Municipality of Upi! ๐ŸŽ‰

๐Ÿ“ฉ REGISTER NOW!
For inquiries and reservation of slots, contact Jessie Cristobal via Facebook Messenger.

Gather your team and showcase your skills in one of the most exciting Sepak Takraw tournament in Upi!

๐”๐๐ˆ, ๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐๐„๐Š๐‹๐€๐‘๐€๐๐† ๐ˆ๐๐’๐”๐‘๐†๐„๐๐‚๐˜-๐…๐‘๐„๐„; ๐Ÿ๐Ÿ”๐ŸŽ ๐๐„๐๐„๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐€๐’๐๐ˆ๐‘๐„, ๐“๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐’๐”๐’๐“๐„๐๐€๐๐‹๐„๐๐† ๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜๐€๐Idineklara ang Bayan n...
31/05/2026

๐”๐๐ˆ, ๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐๐„๐Š๐‹๐€๐‘๐€๐๐† ๐ˆ๐๐’๐”๐‘๐†๐„๐๐‚๐˜-๐…๐‘๐„๐„; ๐Ÿ๐Ÿ”๐ŸŽ ๐๐„๐๐„๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐€๐’๐๐ˆ๐‘๐„, ๐“๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐’๐”๐’๐“๐„๐๐€๐๐‹๐„๐๐† ๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜๐€๐

Idineklara ang Bayan ng Upi bilang nasa State of Stable Internal Peace and Security (Insurgency-Free) sa isang seremonyal na programa na ginanap noong 29 Mayo 2026 sa Municipal Gymnasium, Barangay Nuro, na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan, security sector, at development partners.

Ang deklarasyon ay naging pangunahing highlight ng programa, kasabay ng turnover ng socio-economic interventions sa 160 benepisyaryo ng ASPIRE Project (Assistance for Security, Peace, Integration and Recovery for Advancing Human Security in BARMM). Ayon sa mga tagapag-organisa, ang makasaysayang tagumpay ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng LGU Upi at mga katuwang nito sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at inklusibong kaunlaran sa mga komunidad na dating apektado ng kaguluhan.

Pinangunahan ng Local Government Unit (LGU) ng Upi ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng security sector at ibaโ€™t ibang stakeholder, sa suporta ng United Nations Development Programme (UNDP) sa ilalim ng ASPIRE Project. Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang paglagda sa Memorandum of Partnership Agreement (MOPA) sa pagitan ng LGU Upi, 57th Infantry Battalion ng Philippine Army, at Upi Municipal Police Station. Layunin nitong palakasin ang whole-of-nation approach sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagpigil sa muling pag-usbong ng insurhensiya, at pagpapalalim ng koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at security forces.

Bilang bahagi ng reintegration at confidence-building measures, isinagawa rin ang appraisal at assessment ng mga isinumiteng armas ng mga dating kaugnay sa loose Small Arms and Light Weapons (SALW) upang matukoy ang angkop na interbensyon at suporta para sa kanilang muling pagsasama sa lipunan at kabuhayan.

Kasabay ng deklarasyon, ipinamigay ang ibaโ€™t ibang livelihood assistance sa mga benepisyaryo, kabilang ang 32 pack ng corn seeds, 59 agricultural tools, 45 bags ng abono, 8 carpentry toolkits, 9 baking equipment sets, 2 sewing machines, 4 motorsiklo, at 1 motorsiklo na may sidecar. Layunin ng mga interbensyon na palakasin ang kabuhayan ng mga benepisyaryo at tiyakin ang sustenableng kapayapaan sa pamamagitan ng konkretong oportunidad pang-ekonomiya.

Dumalo sa programa sina Maguindanao del Norte Governor Hon. Datu Tucao Mastura at Upi Mayor Hon. Ma. Rona Cristina A. Piang-Flores, kasama ang kinatawan mula sa Bangsamoro Transition Authority (BTA-BARMM), kabilang si MP Ramon Piang Sr.

Mula sa peace process mechanisms, nakiisa sina Minister Akmad A. Brahim, Co-Chair ng Joint Normalization Committee (JNCโ€“MILF), at si Mr. Ariel Hernandez, Co-Chair ng JNCโ€“GPH, na kinatawan ni Sittie Sahara Kasan, Secretariat Member ng JNC.

Sa usapin ng peace and security coordination, dumalo rin ang mga opisyal ng Joint Peace and Security Committee (JPSC), kabilang si MGen Francisco Ariel A. Felicidario III (Ret.), Co-Chair ng JPSCโ€“GPH, na kinatawan ni Cpt. Norodin Manguda ng JPST OPCEN, at si Minister Abunawas Maslamama, na kinatawan ni Mr. Almish Guimba, Co-Team Leader ng JPST OPCEN.

Mula sa Armed Forces of the Philippines, kinatawan ang 6th Infantry Division ng Philippine Army sa pamumuno ni MGen Jose Vladimir Cagara, Division Commander, sa pamamagitan ni Col. Ruben G. Aquino INF (GSC) PA, Assistant Division Commander for Reservist and Retiree Affairs.

Mula sa Philippine National Police, si PBGen Christopher Abecia, Regional Director ng PRO-BAR, ay kinatawan ni PCol. George D. Bagundol, Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office.

Dumalo rin si BGen Michael A. Santos PA, Brigade Commander ng 603rd Infantry Brigade, na kinatawan ni Col. Glen Loreto T. Caballero INF (GSC) PA, Deputy Brigade Commander.

Kasama rin sa mga panauhin sina Datu Sharifudin Tucao Mastura, Provincial Administrator ng Maguindanao del Norte; Ronnie Arap Jr., Project Specialist ng United Nations Development Programme (UNDP); Hon. Abdila Alabat, Vice Mayor ng LGU Upi; LTC Aeron Gumabao INF (GSC) PA, Battalion Commander ng 57th Infantry Battalion; at PCpt Julius Yutob, Chief of Police ng Upi Municipal Police Station.

Dumalo rin ang mga opisyal ng LGU Upi, Sangguniang Bayan, mga punong barangay, UNDP representatives, at mga benepisyaryo ng ASPIRE Project, na kapwa sumaksi sa makasaysayang kaganapan.

Bilang simbolo ng pagkakaisa at kapayapaan, nagpalipad ng mga kalapati ang mga dumalo bilang tanda ng kolektibong adhikain para sa pangmatagalang kapayapaan, rekonsilasyon, at kaunlaran sa bayan ng Upi.

Address

Nuro, Upi, Maguindanao Del Norte
Norte
9602

Opening Hours

Monday 4am - 11:45pm
Tuesday 4am - 11:45pm
Wednesday 4am - 11:45pm
Thursday 4am - 11:45pm
Friday 4am - 11:45pm
Saturday 4am - 11:45pm
Sunday 4am - 11:45pm

Telephone

+639177790137

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Upi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipality of Upi:

Share