Norzagaray National Highschool•Supreme Student Government - SSG

Norzagaray National Highschool•Supreme Student Government - SSG For Educational Purposes. Aim High! Norzagaray!

🍀 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 𝗧𝗛𝗜𝗦 𝗟𝗨𝗖𝗞𝗬 𝗙𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗘𝗔𝗙𝗬 𝗖𝗟𝗢𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗢 𝗬𝗢𝗨 𝗖𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗦𝗦 𝗧𝗛𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠! 🍀✨1,2,3 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙖! Ay? 𝘼𝙮𝙮! Hindi ganon sister! Na...
31/08/2026

🍀 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 𝗧𝗛𝗜𝗦 𝗟𝗨𝗖𝗞𝗬 𝗙𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗘𝗔𝗙𝗬 𝗖𝗟𝗢𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗢 𝗬𝗢𝗨 𝗖𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗦𝗦 𝗧𝗛𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠! 🍀✨

1,2,3 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙖! Ay? 𝘼𝙮𝙮! Hindi ganon sister! Nag review na ba ang lahat? or nag manifest lang mag damag? CHAR! Ready na ba ang lahat sumabak mamaya sa exam? 💪🏻

Don’t forget to bring your pens, pencils, reviewers, notes and the presence of mind! 💆🏻‍♀️✅

In the end of the day, ano man ang maging resulta, ang mahalaga ginawa mo best mo and 𝗧𝗛𝗔𝗧 is the 𝗥𝗘𝗔𝗟 𝗪! Trust yourselves, stay calm and use the knowledge you’ve earned for this past few months. 🫡

𝘽𝙚𝙨𝙩 𝙤𝙛 𝙡𝙪𝙘𝙠 𝙨𝙖 𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙏𝙚𝙧𝙢 𝙀𝙭𝙖𝙢𝙞𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙂𝙖𝙧𝙖𝙮𝙃𝙚𝙣𝙮𝙤𝙨! Remember to take breath, pray, relax, stay focused and give it your best shot. 🍀✨

✒️ Kapsyon ni: Cathylen B. Castillo (NNHS-SSLG PUBLIC INFORMATION OFFICER)

🖼️ Likha ni: Khim Arianne Gamazon (NNHS-SSLG LAYOUT ARTIST)






𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚-119 𝐧𝐚 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐚𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲🇵🇭Ngayong araw, ating ginugunita ang kap...
31/08/2026

𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚-119 𝐧𝐚 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐚𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲🇵🇭

Ngayong araw, ating ginugunita ang kapanganakan ni Pangulong Ramon Magsaysay, isang lider na nakilala sa kanyang pagpapakumbaba, katapatan, at malasakit sa bawat Pilipino.

Sa kanyang pamumuno, ipinakita niya na ang tunay na lider ay hindi lamang namumuno, kundi naglilingkod at nakikinig sa tinig ng bayan. Nawa’y patuloy nating pahalagahan at isabuhay ang kanyang mga aral sa paglilingkod nang may integridad at puso.

𝕸𝖆𝖇𝖚𝖍𝖆𝖞 𝖆𝖓𝖌 𝖆𝖑𝖆𝖆𝖑𝖆 𝖆𝖙 𝖕𝖆𝖒𝖆𝖓𝖆 𝖓𝖎 𝕻𝖆𝖓𝖌𝖚𝖑𝖔𝖓𝖌 𝕽𝖆𝖒𝖔𝖓 𝕸𝖆𝖌𝖘𝖆𝖞𝖘𝖆𝖞!

Kapsyon ni: Guillien Bernardo (NNHS-SSLG SECRETARY)

Dibuho ni: Joshua Fajardo (NNHS-SSLG PROTOCOL OFFICER)





🇵🇭 𝙿𝙰𝙶𝙿𝚄𝙿𝚄𝙶𝙰𝚈 𝚂𝙰 𝙼𝙶𝙰 𝙱𝙰𝚈𝙰𝙽𝙸 𝙽𝙶 𝙱𝙰𝚈𝙰𝙽 🇵🇭Sa paggunita ng ating 𝙽𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚊𝚕 𝙷𝚎𝚛𝚘𝚎𝚜 𝙳𝚊𝚢 𝚗𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝙰𝚞𝚐𝚞𝚜𝚝 𝟹𝟷, 𝟸𝟶𝟸𝟼, binibigyang-pu...
31/08/2026

🇵🇭 𝙿𝙰𝙶𝙿𝚄𝙿𝚄𝙶𝙰𝚈 𝚂𝙰 𝙼𝙶𝙰 𝙱𝙰𝚈𝙰𝙽𝙸 𝙽𝙶 𝙱𝙰𝚈𝙰𝙽 🇵🇭

Sa paggunita ng ating 𝙽𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚊𝚕 𝙷𝚎𝚛𝚘𝚎𝚜 𝙳𝚊𝚢 𝚗𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝙰𝚞𝚐𝚞𝚜𝚝 𝟹𝟷, 𝟸𝟶𝟸𝟼, binibigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng tapang, sakripisyo, at pagmamahal para sa ating bayan.

Ang kabayanihan ay hindi lamang makikita sa kasaysayan, ito rin ay nabubuhay sa bawat Pilipinong may malasakit, tumutulong sa kapwa, at naninindigan para sa tama.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga ginawa upang tayo rin ay maging bayani sa sariling paraan. 🇵🇭❤️

Saludo sa lahat ng bayani ng Pilipinas!

Kapsyon ni: Rolando III D. Correa (NNHS-SSLG GRADE 9 REPRESENTATIVE)

Likha ni: Zake Aeden M. Salazar (NNHS-SSLG AUDITOR)





𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗦𝗟𝗚 𝗦𝗘𝗖𝗥𝗘𝗧𝗔𝗥𝗬, 𝗦𝗘𝗫𝗬𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗚𝗨𝗜𝗟𝗟!Wishing you a day filled with love, laughter, and all the happiness...
30/08/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗦𝗟𝗚 𝗦𝗘𝗖𝗥𝗘𝗧𝗔𝗥𝗬, 𝗦𝗘𝗫𝗬𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗚𝗨𝗜𝗟𝗟!

Wishing you a day filled with love, laughter, and all the happiness in the world. May this year bring you success, joy, and unforgettable memories. Cheers to another amazing year ahead! ❤️

LOVE, SSLG FAMILY!





𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗦𝗟𝗚 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟭𝟬 𝗥𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘, 𝗔𝗧𝗘 𝗟𝗘𝗜𝗘𝗟𝗟𝗔!Wishing you a day filled with love, laughter, and all th...
27/08/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗦𝗟𝗚 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟭𝟬 𝗥𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘, 𝗔𝗧𝗘 𝗟𝗘𝗜𝗘𝗟𝗟𝗔!

Wishing you a day filled with love, laughter, and all the happiness in the world. May this year bring you success, joy, and unforgettable memories. Cheers to another amazing year ahead! ❤️

LOVE, SSLG FAMILY!





🇵🇭𝐍𝐈𝐍𝐎𝐘 𝐀𝐐𝐔𝐈𝐍𝐎 𝐃𝐀𝐘🇵🇭“Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay ipinapakita sa tapang, paninindigan, at paglilingkod.”Ngayong 𝐍...
21/08/2026

🇵🇭𝐍𝐈𝐍𝐎𝐘 𝐀𝐐𝐔𝐈𝐍𝐎 𝐃𝐀𝐘🇵🇭

“Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay ipinapakita sa tapang, paninindigan, at paglilingkod.”

Ngayong 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 𝐃𝐚𝐲, ating ginugunita ang buhay at sakripisyo ni 𝐁𝐞𝐧𝐢𝐠𝐧𝐨 "𝐍𝐈𝐍𝐎𝐘" 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 𝐉𝐫., isang taong naging simbolo ng katapangan at pagmamahal sa bayan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat kabataan ang kanyang paninindigan na gamitin ang sariling tinig para sa katotohanan, kalayaan, at kapakanan ng bayan.

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐨𝐨𝐧, 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐇𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧🇵🇭


Likha ni : Acialrie Pascual (NNHS-SSLG LAYOUT ARTIST)

Kapsyon ni : Reymark Mateo ( NNHS-SSLG GRADE 10 REPRESENTATIVE )





🌧️ MGA HINDI DAPAT GAWIN HABANG TULOY-TULOY ANG HABAGAT 🌧️Sa panahon ng habagat, mahalagang maging alerto at unahin ang ...
19/08/2026

🌧️ MGA HINDI DAPAT GAWIN HABANG TULOY-TULOY ANG HABAGAT 🌧️

Sa panahon ng habagat, mahalagang maging alerto at unahin ang kaligtasan. Iwasang lumusong o tumawid sa baha, lumapit sa mga kawad at kagamitang elektrikal, magmaneho sa mga binabahang lugar, at gumamit ng electrical appliances na nabasa. 🚨

📌 Manatiling ligtas, maging handa, at makinig sa mga awtoridad. Sa simpleng pag-iingat at pagsunod sa mga paalala, makatutulong tayo na mabawasan ang panganib at maprotektahan ang ating sarili, pamilya, at komunidad. 💙

📞 EMERGENCY HOTLINES (I-save para sa kaligtasan):
Bulacan Rescue: 911
Norzagaray MDRRMO: 0905 247 0355

Kapsyon ni: Lorraine Juliana C. Barcial (NNHS SSLG GRADE 11 REPRESENTATIVE)

Likha ni: Acialrie Pascual (NNHS-SSLG LAYOUT ARTIST)

𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧Mga minamahal kong Garayeño, patuloy tayong mag-ingat at maging alerto ha...
17/08/2026

𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧

Mga minamahal kong Garayeño, patuloy tayong mag-ingat at maging alerto habang nakararanas tayo ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Ugaliing alamin ang mga pinakahuling balita at anunsyo tungkol sa panahon at mga kinakailangang pangkaligtasan. Ihanda ang Go Bag, alamin ang evacuation plan ng inyong barangay, at siguraduhing ligtas ang inyong tahanan at mga mahal sa buhay.

Kung kinakailangan ang paglikas, sumunod agad sa mga abiso ng kinauukulan at pumunta sa itinalagang evacuation area. Huwag kalimutang isama ang ating mga alagang hayop at tiyaking ligtas din sila.

I-charge ang inyong mga cellphone at flashlight, maghanda sa posibleng pagkawala ng kuryente, at siguraduhing may emergency at first aid kit sa tahanan.

Sa panahon ng kalamidad, ang pagiging handa, alerto, at nagtutulungan ay mahalaga upang maprotektahan ang bawat pamilya.

Norzagaray Rescue: 0905-247-0355
Norzagaray Fire Station: 0917-159-5831
Norzagaray Police Station: 0998-598-5388

Patuloy nating unahin ang kaligtasan ng bawat isa.




17/08/2026

𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟭𝟴 | 𝗔𝗟𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗗𝗘𝗦 𝗙𝗢𝗥 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟𝗦
𝗔𝗟𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗔𝗥𝗥𝗔𝗡𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗙𝗢𝗥 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗦

Mukhang gusto pa talaga tayong pa-stay-in ni Habagat. 😅☔

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 mula sa Office of the President na inilabas batay sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat), magkakaroon ng 𝗔𝗟𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗔𝗥𝗥𝗔𝗡𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 bukas, 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲, sa mga 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡.

Para naman sa ating mga estudyante, ipatutupad ang 𝗔𝗟𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗗𝗘𝗦 sa lahat ng antas sa 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗜𝗩𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟𝗦.

Kaya kung wala namang kailangang puntahan, sa bahay muna tayo.

Magpahinga, mag-aral, magtrabaho kung kinakailangan at iwasan muna ang pakikipagsapalaran sa ulan at baha. 😅

Sa ating mga kailangang magpatuloy sa serbisyo dahil kabilang sa essential services, maraming salamat po at ingat kayo palagi!

Stay safe, stay dry, at sana si Habagat naman ang mag-adjust.




𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗞𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗻, 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗻 🇵🇭Ang wika ay hindi lamang mga salitang ating binibigkas. Ito ang tin...
17/08/2026

𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗞𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗻, 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗻 🇵🇭

Ang wika ay hindi lamang mga salitang ating binibigkas. Ito ang tinig ng ating kasaysayan, salamin ng ating kultura, at tulay na nag-uugnay sa bawat Pilipino.

Sa bawat salitang minana natin, may kuwentong nakaukit. Sa bawat katagang ating ginagamit, may kulturang patuloy na nabubuhay. At sa bawat wikang ating pinahahalagahan, pinatutunayan nating buhay ang ating pagkakakilanlan bilang isang bayan.

Ngayong Buwan ng Wika 2026, muli nating bigyang-halaga ang sariling wika bilang bahagi ng ating pagkatao. Nawa’y patuloy natin itong alagaan at pagyamanin, sapagkat sa bawat salitang ating minamahal, nabubuhay ang kultura at kasaysayan ng ating bayan.

Bilang kabataan, nasa ating mga kamay ang pagpapatuloy ng wikang minana natin. Maaari natin itong panatilihing buhay sa pamamagitan ng pagbabasa, pagsusulat, pagkukuwento, at higit sa lahat, sa paggamit nito nang may pagmamalaki at pagmamahal.

"𝑨𝑵𝑮 𝑾𝑰𝑲𝑨 𝑨𝒀 𝑷𝑨𝑴𝑨𝑵𝑨 𝑵𝑮 𝑵𝑨𝑲𝑨𝑹𝑨𝑨𝑵, 𝑻𝑰𝑵𝑰𝑮 𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑺𝑨𝑳𝑼𝑲𝑼𝒀𝑨𝑵, 𝑨𝑻 𝑷𝑨𝑴𝑨𝑵𝑨 𝑷𝑨𝑹𝑨 𝑺𝑨 𝑲𝑰𝑵𝑨𝑩𝑼𝑲𝑨𝑺𝑨𝑵."

𝗜𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗞𝗔. 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔. 🇵🇭

Kapsyon ni: Maria Antonia S. Dela Cruz | NNHS-SSLG GRADE 8 REPRESENTATIVE

‎Likha ni: Khim Arianne Gamazon| NNHS-SSLG LAYOUT ARTIST





Address

Norzagaray

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Norzagaray National Highschool•Supreme Student Government - SSG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Norzagaray National Highschool•Supreme Student Government - SSG:

Shortcuts

Share