22/08/2026
📸 EDUCATIONAL ASSISTANCE & TEENAGE PREGNANCY AWARENESS SEMINAR
Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bical ang Educational Assistance Distribution at Teenage Pregnancy Awareness Seminar bilang bahagi ng patuloy na programa ng SK para sa kapakanan, edukasyon, at kinabukasan ng kabataan.
Maraming salamat sa lahat ng kabataang dumalo at nakilahok. Nawa’y makatulong ang munting assistance sa inyong pag-aaral at magsilbing gabay naman ang mga kaalamang inyong natutunan sa seminar sa paggawa ng tamang desisyon para sa inyong kinabukasan. 💙
Patuloy nating isulong ang edukasyon, kamalayan, responsibilidad, at pangarap ng bawat kabataan. Dahil ang kabataan na may sapat na kaalaman at suporta ay kabataang may mas matatag na kinabukasan. ✨
Maraming salamat sa inyong pakikiisa!
— Sangguniang Kabataan ng Barangay Bical