19/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Ang nayon ng San Miguel na Munti ay lubhang kilala ng mga taga-ibang bayan lalo na ng mga manglalakbay at nagyayaoโt ditong mangangalakal. Itinuturing na โBaretbetโ ng Talavera, ang San Miguel na Munti at nakilala sa simula dahilan sa mga pansamantalang tindahan ng pinalamig na tuba ng buli kung tag-araw na ang malaon ay naging palagiang kapihan-kantina.
Nagsimulang magkatao ang San Miguel na Munti noong 1911 nang dumating ang mga taga-San Miguel, Bulacan sa pangunguna ni Don Meliton Carlos. Sila ang nagbukas ng mga lupang sakahan sa nayon sa pamamagitan ng paghohomestead. Kabilang sa mga naglawag sina Eduardo Manahan, Luis Bautista, Roberto Alfonso, Felix Maningas, Juan Dandan, Maximo Ignacio, Patricia Ongjoco, Joaquin Maniquiz, Tomas Caling at Pablo Ballesteros. Mula naman sa bayan ng Malolos ay dumating sina Victorinoo de la Cruz, Agapito Tiangco, Gavino Abesamis, Teodulo Basa, Gil Maniquiz, Benito Tolentino, Juan Melchor at Juan Bautista. Itinayo nila ang kanilang mga tahanan sa magkabilang gilid ng lansangang pambansa.
Isang araw ay nagdaos ng pulong ang mga taganayon at pinag-usapan nila kung ano ang pangalang itatawag nila sa pook na kanilang tinatahanan. Sapagkat ang nakararami sa kanila ay mga taga-San Miguel, Bulacan kayat napagkaisahan nilang tawaging โSan Miguelโ ang nayon na dinugtungan nila ng โMuntiโ upang magkaroon ng pagkakakilanlan sa bayang kanilang pinagbuhatan. Nagpatayo sila ng munting bisita na ang patrong kanilang inilagay ay San Miguel na inihandog ni Don Meliton Carlos. Ang lupang pinagtirikan ng bisita ay ipinagkaloob din ng mga Carlos.
Ang San Miguel na Munti ay may tinatawag na Tila-Kaingin at may tinatawag na Bakood. Ang Tila-Kaingin ay ang mga bukiring nasa dakong kanluran ng nayon na kaya tinagurian ng ganito ay kasalukuyang hinahawan. At yaong bahaging ginagawa nilang taniman ng ibaโt-ibang mga halaman at nililinang sa pamamagitan ng pagbabakood ang siya naman nilang tinatawag na Bakood.
Maraming puno ng buli sa nasasaklaw ng San Miguel na Munti at kapag yaon ay matanda na ay kanilang tinutuba kung panahon ng kwaresma. Nagtatayo sila ng mga habong sa gilid ng lansangang pambansa at doon ipinagbibili ng mga kadalagahan sa nayon ang malinamnam na tuba ng buli. Nang malaon ay nagbukas nang kapihan-palamigan ang ilan sa kanila na ang higit na kilala ay ang kina Rosenda de la Cruz o ang Rosieโs Cafรฉ and Refreshment at Maria Vendevil o ang Maringโs Cafรฉ Refreshment. Ang huling itinayo ay ang kay Ramon Bernardo sa dakong luwasan ng nayon. Karaniwan nang tanawin ngayon sa buong maghapon at magdamag ang nangakahimpil na mga sasakyang pambyahe, pamasahero at pansarili upang ang mga sakay ay magkape o magpalamig sa nasabing mga kantina.
Mula sa lupang inihandog ni Don Meliton Carlos ay itinayo ng mga taga-San Miguel na Munti ang mga bahay-paaralang pinagdadausan ng mga klaseng mula sa una hanggang ikalimang baytang. Ang pagkakatayo ng nasabing mga bahay-paaralan at ng konkretong bakod ng bakuran ng paaralan ay utang sa magkakalakip na pagsusumikap nina Isabelle W. Vera Cruz, g**ong namamahala, Jose Capillar, pangulo ng samahan ng mga magulang at g**o at ni Kapitan Cezar Macapagal. Ang konkreto at makabagong gusali ng Bernardo Hall ay ipinagawa ni Pedro Bernardo at inihandog sa nayon nang yaon ay pasinayaan noong Abril 30,1996 sa pangalan ng Rural Improvement Club ng Nuweba Esiha. Ang huling natamo ng nayon ay ang teleponong ng kasalukuyang Punongbayan Romeo Maliwat.
Ang nayon ng San Miguel na Munti ay kaunti nang matina ng masaganang dugo noong dito pa nakahimpil ang isang batalyon ng mga kawal konstabularya na pinamumunuan ni Komandante Napoleon Valeriano. May sagisag na markang malaking bungo, ang batalyon ay napabantog sa pangalan ay Nenita na pagkatapos gahasain ay pinatay ng mga taong labas. Isinumpa sa harap ng kanyang bangkay ng mga kawal konstabularya na hindi sila tutugot hanggaโt hindi nalalansag nang lubusan ang pangkat ng mga mapanligalig na namamayani sa laot ng mga kabukiran. Subalit lumabis ang kalupitan ng mga kawal ng Nenita Unit. Pati mga mamamayang tahimik at walang kasalanan ay kanilang idinadamay sa ginagawa nilang paghihiganti. Pati mga kababaihan ay naging biktima ng kanilang walang pangalang kabuhungan. Sa malabis na p**t ay pinangunahan ni Leopoldo Diaz, punongbayan ng Talavera nang mga panahong yaon, ang kanilang kinukob ang himpilan ng Nenita Unit sa San Miguel sa San Miguel na Munti. Salamat sa maagap na pagdating ng isang mataas na pinuno ng Hukbo na siyang namagitan, ang namintong pagkaputi ng maraming buhay ay naiwasan.
Ang iba pang nagsipagtinyente del baryo sa San Miguel na Munti ay sina Hilario Manahan, Juan Dandan, Felipe Villamar, Fonteno Caling, Pablo Ignacio, Jose Canosa, Juan Canosa, Jose Ballesteros, Jose Capillar, Francisco Paltao at Florencio Alfonso. Ang mga kagawad Foster, Mario Tiangco, Herminio Suva, Leopoldo Caling, Jose Ballesteros at Pedro Mauricio. Ang kalihim ay si Victorino Bulaclac, ingat-yaman si Pablo Ignacio at hepe ng pulis-nayon ay sina Feliciano Santos, Ignacio Murillo, Pepito Ibanez, Ruperto Mapilisan at Romeo Abesamis.
Nakatapos ng ibaโt-ibang karunungan ang mga sumusunod: Manggagamot: Teodoro Carlos; Komersyo: Jose C. Bernardo, Celendonio Mauricio; Inhenyero Elektrika: Tranquilino Manahan; Dentista: Carmen Carlos, Irene Carlos; Optiko: Jose G. Carlos; Manananggol: Marte Carlos; Agrimensor: Pedro Rayo; Radyo Mekaniko: Ramon Bernardo; Pagtuturo: Cecilia Ongjoco-Legaspi, Miguela Ongjoco; Pananahi (damit pambabae): Miguela Manahan, Aida de la Cruz, Luisa Alfonso, Nieves Alfonso, Clarita Alfonso, Lita Benedicto, Conzuelo Maniquiz, Estrelita Mauricio, Rosalinda Mauricio Zenaida Villamar, Ligaya Melchor, Dolores de la Cruz, Pacita Magtalas, Maria Vendevil, Leticia Gariando, Antonia Benedicto, Conchita Maningas, Gloria Miranda, Gloria Reyes at Anatacia Caling; Pananahi (damit panlalaki): Anita Alvindia , Melchor Pablo, Merly Foster, Paula Bautista; Pananahi at Pagkukulot: Consorcia Alfonso; Pagkukulot : Flordelisa Ballesteros at Lualhati Atendido.
Nagdaraos ng pistang-nayon ang San Miguel na Munti kapag sumasapit ang ika-5 ng Marso na siyang kaarawan ng kanilang Patrong Pintakasi
SOURCE: Libro ng Kasaysayan ng Talavera, Nueva Ecija na sinulat ni TOMAS I. PAGADUAN