DA Regional Crop Protection Center III

  • Home
  • DA Regional Crop Protection Center III

DA Regional Crop Protection Center III Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DA Regional Crop Protection Center III, Government Organization, Brgy. Maligaya, Science City of Munoz, Nueva Ecija, .

Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Kababaihan, patuloy nating itinataguyod ang pagkakapantay-pantay, respeto, at pagbibigay-...
30/03/2026

Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Kababaihan, patuloy nating itinataguyod ang pagkakapantay-pantay, respeto, at pagbibigay-halaga sa kontribusyon ng bawat kababaihan sa ating opisina at lipunan. đź’ś

Isinagawa ang mass rat baiting sa mga bayan ng La Paz, Tarlac; Llanera, General Natividad at Guimba, Nueva Ecija katuwan...
26/01/2026

Isinagawa ang mass rat baiting sa mga bayan ng La Paz, Tarlac; Llanera, General Natividad at Guimba, Nueva Ecija katuwang ang OPA–Nueva Ecija at OPA–Tarlac, kasama ang mga kawani ng mga Local Government Units (LGUs). Ang gawaing ito ay bahagi ng sama-samang pagsisikap upang mabawasan at makontrol ang matinding rat infestation sa mga palayan na nagdudulot ng malaking pinsala sa ani ng mga magsasaka.
Layunin ng aktibidad na maprotektahan ang pananim na palay lalo na sa mga kritikal na yugto ng pagtatanim, sa pamamagitan ng sabayang paglalagay ng pain laban sa daga upang maging mas epektibo ang pagkontrol sa kanilang populasyon. Sa tulong ng koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at aktibong partisipasyon ng mga magsasaka, inaasahang mapapababa ang pinsalang dulot ng mga peste, tataas ang produksyon ng palay, at masisiguro ang mas matatag na kabuhayan at seguridad sa pagkain ng mga komunidad.

It’s the Most Wonderful Time of the Year! ✨🎄🙏Merry Christmas from RCPC Family 🫶
17/12/2025

It’s the Most Wonderful Time of the Year! ✨🎄🙏
Merry Christmas from RCPC Family đź«¶

Ang kulay orange/kahel ay opisyal na kulay ng VAWC (Violence Against Women and their Children) Campaign dahil ito ang gl...
12/12/2025

Ang kulay orange/kahel ay opisyal na kulay ng VAWC (Violence Against Women and their Children) Campaign dahil ito ang global na kulay ng UN para sa kampanya laban sa karahasan sa kababaihan.

Bakit orange?

✔ Sumisimbolo ng pag-asa at liwanag – ang orange ay kulay ng brighter future kung saan ang mga babae at bata ay ligtas, iginagalang, at walang karahasan.

✔ Enerhiya at pagkilos – kinakatawan nito ang kolektibong pagkilos ng komunidad at pamahalaan para wakasan ang anumang uri ng pang-aabuso.

✔ Global Standards – ginagamit sa international campaign na UNiTE to End Violence Against Women, kaya ito rin ang adopted na kulay sa Pilipinas para sa 18-Day Campaign to End VAWC.

Sa madaling sabi, orange = pag-asa + kaligtasan + laban sa karahasan.

Lubos na nakikiisa ang RCPC sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC) bilang pagpapakita ng s...
05/12/2025

Lubos na nakikiisa ang RCPC sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC) bilang pagpapakita ng suporta sa pagtataguyod ng karapatan, dignidad, at kapangyarihan ng bawat kababaihan at bata. Patuloy kaming maninindigan laban sa anumang anyo ng karahasan at magsusulong ng ligtas, pantay, at makataong komunidad.

Congratulations, Cathy! 👏
02/12/2025

Congratulations, Cathy! 👏

Ipinagmamalaki ng Integrated Laboratories Division ang matagumpay na pagsasagawa ng training na “Measurement Uncertainty...
12/09/2025

Ipinagmamalaki ng Integrated Laboratories Division ang matagumpay na pagsasagawa ng training na “Measurement Uncertainty Estimation for Chemical Testing: Concepts and Applications” noong Setyembre 11–12, 2025 sa Ephatha Development Center, San Fernando City, Pampanga. 🌾

Dinaluhan ito ng mga kawani mula sa iba’t ibang laboratoryo ng DA: Regional Crop Protection Center, Regional Soils Laboratory, Regional Animal Disease and Diagnostic Laboratory, Feed and Chemical Analysis Laboratory, at ILD Satellite Laboratory.

Malaking pasasalamat kay Engr. Aldwin Tagapan sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman. Sa tulong ng training na ito, mas mapapahusay pa ang aming pagsusuri para makapagbigay ng mas tiyak, maaasahan, at de-kalidad na serbisyo para sa ating mga magsasaka at ibang kliyente.

👉 Ito rin ang pang-apat at huling bahagi ng serye ng training program bilang paghahanda ng ILD para sa ISO/IEC 17025 accreditation.

Nakilahok ang RCPC Staff sa Occupational Safety and Health Training WorkshopNakilahok ang mga kawani ng Regional Crop Pr...
05/09/2025

Nakilahok ang RCPC Staff sa Occupational Safety and Health Training Workshop

Nakilahok ang mga kawani ng Regional Crop Protection Center (RCPC) sa isinagawang Occupational Safety and Health (OSH) Training Workshop noong Setyembre 4–5, 2025 sa Redd Manor Hotel, Lungsod ng San Fernando, Pampanga. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Integrated Laboratories Division - Regional Animal Disease and Diagnostic Laboratory at dinaluhan din ng ibang dibisyon ng DA-RFO III.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga empleyado hinggil sa tamang pamantayan ng kaligtasan at kalusugan sa lugar ng trabaho. Binigyang-diin dito ang mga pangunahing polisiya at alituntunin ng Occupational Safety and Health Standards (OSHS), kabilang na ang:
• pagkilala at pagtugon sa iba’t ibang panganib sa trabaho,
• pagbibigay ng wastong kaalaman sa first aid at emergency response,
• pagtataguyod ng ligtas at maayos na kondisyon ng pasilidad, at
• pagpapanatili ng maayos na kalusugan ng mga kawani habang nagbibigay ng serbisyo.

Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pagsasanay, masisiguro na ang bawat manggagawa ng DA-RFO III ay may sapat na kaalaman upang maisakatuparan ang kanilang tungkulin nang ligtas at episyente, lalo na sa pagbibigay ng serbisyo sa mga magsasaka at iba pang stakeholders sa rehiyon.

Address

Brgy. Maligaya, Science City Of Munoz, Nueva Ecija

3119

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA Regional Crop Protection Center III posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share