Municipality of Nampicuan

Municipality of Nampicuan ๐Ÿ“Œ Official Public Information Page
๐Ÿ“ฃ Real-time updates | Public advisories | Government services
๐Ÿ›๏ธ Municipality of Nampicuan, Nueva Ecija
๐Ÿ“ž Transparency.

Service. Accountability.
๐Ÿ“ "Diyos at Bayan"

07/08/2026
๐Ÿ›๏ธ DILG REGION 3 VISIT๐Ÿ“ DILG Region III, City of San Fernando, Pampanga  ๐Ÿ“… August 5, 2026Nagtungo sina Mayor Mario G. La...
06/08/2026

๐Ÿ›๏ธ DILG REGION 3 VISIT
๐Ÿ“ DILG Region III, City of San Fernando, Pampanga
๐Ÿ“… August 5, 2026

Nagtungo sina Mayor Mario G. Lacurom at Municipal Administrator Franklin B. Macarayo sa DILG Regional Office III upang makipagpulong kina Regional Director Araceli A. San Jose at Assistant Regional Director Jay E. Timbreza.

Tinalakay sa pulong ang mga programa at suporta ng ahensya na makakatulong sa paglago at pag-unlad ng Bayan ng Nampicuan.

05/08/2026

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐“๐‡๐”๐‘๐’๐ƒ๐€๐˜)

Sa direktiba ng ating Governor, Gov. Aurelio Oyie Matias Umali, at batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na isinakatuparan sa pamamagitan ng Executive Order No. 21, Series of 2026, ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ง๐๐ข๐๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐ฅ๐š๐ฌ๐ž ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐ซ๐ข๐›๐š๐๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐‹๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ, ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, bunsod ng masamang panahon na dulot ng Tropical Storm (KUJIRA).

Ang rekomendasyon ay isinagawa dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan, posibilidad ng pagbaha sa mabababang lugar, at iba pang panganib na dulot ng Tropical Storm .

Pinapayuhan ang lahat na patuloy na magmonitor ng mga opisyal na abiso mula sa PAGASA at PDRRMO Nueva Ecija para sa mga susunod na update hinggil sa lagay ng panahon.

Para sa mga lehitimong anunsyo at impormasyon, i-like at i-follow ang official page ng Provincial Government of Nueva Ecija (PGNE).

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! ๐Ÿ’™

05/08/2026
๐Ÿฅ KASALUKUYANG NAGAGANAP: MEDICAL MISSION NG GP PARTYLIST๐Ÿ“ Nampicuan Gymnasium ๐Ÿ“… August 5, 2026Kasalukuyan nang isinasag...
04/08/2026

๐Ÿฅ KASALUKUYANG NAGAGANAP: MEDICAL MISSION NG GP PARTYLIST
๐Ÿ“ Nampicuan Gymnasium
๐Ÿ“… August 5, 2026

Kasalukuyan nang isinasagawa ang GP Medical Mission sa ating bayan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Nampicuan sa pamumuno ni Mayor Mario G. Lacurom at ng GP (Galing sa Puso) Partylist sa pangunguna ni Cong. Jan Rurik DL. Padiernos.

Nagsisimula nang dumami ang ating mga kababayan sa Nampicuan Gymnasium upang avail-an ang mga sumusunod na LIBRENG serbisyong pangkalusugan:

๐Ÿฉบ Primary Care Medicine & Doctors' Consultation
๐Ÿ‘๏ธ Free Eye Check-up
๐Ÿ”ฌ Laboratory & Diagnostic Services:
- Blood Testing & CBC
- Urinalysis
- Ultrasound
- ECG
- X-Ray
- HbA1c Test
- Fetal Doppler (para sa mga nagdadalang-tao)

Inaanyayahan ang ating mga mamamayan na magtungo sa ating gymnasium para sa libreng konsultasyon, laboratory, at gamot. Ang kalusugan ng bawat Nampicueรฑo ay ating pangunahing prayoridad!

๐Ÿค TULONG AT MALASAKIT PARA SA MGA APEKTADONG PAMILYA SA SITIO UNO!๐Ÿ“ Sitio Uno, Brgy. Cabaducan East๐Ÿ“… August 4, 2026Agad ...
04/08/2026

๐Ÿค TULONG AT MALASAKIT PARA SA MGA APEKTADONG PAMILYA SA SITIO UNO!
๐Ÿ“ Sitio Uno, Brgy. Cabaducan East
๐Ÿ“… August 4, 2026

Agad na nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Lokal ng Nampicuan sa pamumuno ni Mayor Mario G. Lacurom, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Sir Ian Louie Verayo, Municipal Social Welfare and Development Office, at ang PNP Nampicuan, para sa ating mga kababayang naapektuhan ng pagbaha sa Sitio Uno, na isa sa mga lugar sa ating bayan na mabilis bahain tuwing masama ang panahon.

Patuloy ang pagsubaybay ng ating LGU sa ating mga kababayan upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng bawat pamilya sa panahon ng kalamidad.

๐Ÿฅ LIBRENG MEDICAL MISSION PARA SA NAMPICUAN๐Ÿ“ Nampicuan Municipal Gym๐Ÿ“… August 5, 2026Isang malawakang GP Medical Mission ...
04/08/2026

๐Ÿฅ LIBRENG MEDICAL MISSION PARA SA NAMPICUAN
๐Ÿ“ Nampicuan Municipal Gym
๐Ÿ“… August 5, 2026

Isang malawakang GP Medical Mission ang nakatakdang ihatid sa ating bayan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Nampicuan sa pamumuno ni Mayor Mario G. Lacurom at ng GP (Galing sa Puso) Partylist sa pangunguna ng kanilang kinatawan na si Cong. Jan Rurik DL. Padiernos.

Layunin ng programang ito na magkaloob ng libre at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan.

Kabilang sa mga libreng serbisyong ipagkakaloob ay ang mga sumusunod:
๐Ÿฉบ Primary Care Medicine & Doctors' Consultation
๐Ÿ‘๏ธ Free Eye Check-up
๐Ÿ”ฌ Laboratory & Diagnostic Services:
- Blood Testing & CBC
- Urinalysis
- Ultrasound
- ECG
- X-Ray
- HbA1c Test
- Fetal Doppler (para sa mga nagdadalang-tao)

๐Ÿค PAG-PAPATIBAY NG PARTNERSHIP๐Ÿ“ Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ๐Ÿ“… July 30...
04/08/2026

๐Ÿค PAG-PAPATIBAY NG PARTNERSHIP
๐Ÿ“ Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU)
๐Ÿ“… July 30, 2026

Nagtungo sina Mayor Mario G. Lacurom at Municipal Administrator Franklin B. Macarayo sa tanggapan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) upang bisitahin ang kaagapay na ahensya ng Pamahalaang Lokal ng Nampicuan para sa ating Sitio Dos Project.

Sa nasabing pagbisita, nakipagpulong ang ating mga opisyal kay OPAPRU Secretary Mel Senen S. Sarmiento. Tinalakay sa pulong ang mga susunod na hakbang at direksyon para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga proyekto at programa para sa ating mga kababayan.

Isang patunay ito ng walang sawang pagsisikap ng ating pamahalaan upang makapagbigay ng magandang serbisyo para sa mga Nampicueรฑo.

๐ŸŒพ PATULOY NA PAGSISIKAP PARA SA ATING MGA MAGSASAKA NG NAMPICUAN!๐Ÿ“ Department of Agriculture Central Office, Quezon City...
04/08/2026

๐ŸŒพ PATULOY NA PAGSISIKAP PARA SA ATING MGA MAGSASAKA NG NAMPICUAN!
๐Ÿ“ Department of Agriculture Central Office, Quezon City
๐Ÿ“… July 30, 2026

Nagtungo sina Mayor Mario G. Lacurom at Municipal Administrator Franklin B. Macarayo sa Central Office ng Department of Agriculture (DA) upang isulong ang mga iminumungkahing proyekto para sa ating bayan.

Nakipagpulong ang ating mga opisyal kay DA Undersecretary at Chief of Staff Atty. Alvin John Balagbag, pati na rin sa iba pang mga Direktor ng Kagawaran. Tinalakay sa pulong ang mga hakbang sa pagkuha ng karagdagang suporta, at mga programa para sektor ng agrikultura sa Nampicuan.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ating LGU sa mga pambansang ahensya upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating bayan.

03/08/2026

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐“๐”๐„๐’๐ƒ๐€๐˜)

Batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at alinsunod sa Executive Order No. 20, Series of 2026, ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ง๐๐ข๐๐จ ๐š๐ง๐  ๐ค๐ฅ๐š๐ฌ๐ž ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐ซ๐ข๐›๐š๐๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐‹๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ, ๐ŸŽ๐Ÿ’ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Ang rekomendasyong ito ay isinagawa bunsod ng inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng Tropical Depression at ng pinalakas na Habagat. Ayon sa PAGASA, nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa lalawigan, habang patuloy ding minomonitor ang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga pangunahing ilog at sapa sa Nueva Ecija.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling maingat, iwasan ang mga lugar na maaaring bahain o magkaroon ng pagguho ng lupa, at sundin ang mga opisyal na abiso at paalala ng mga kinauukulang ahensya.

Para sa mga lehitimong anunsyo at impormasyon, i-like at i-follow ang official page ng Provincial Government of Nueva Ecija (PGNE).

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! ๐Ÿ’™

Address

North Poblacion, Nampicuan
Nueva Ecija
3116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Nampicuan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share