Konsehal Erwin Valeda

Konsehal Erwin Valeda Serbisyong Panlipunan, Para sa mas Abot-Kamay na Progreso!

11/08/2026

OBANDENYO ADVISORY | WALANG FACE-TO-FACE CLASSES

Sa bisa ng Executive Order No. 91, Serye ng 2026, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Obando bukas Agosto 12, 2026 (Miyerkules).

Ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani habang nagpapatuloy ang pagkatuto.

Patuloy pong mag-ingat, subaybayan ang mga opisyal na abiso ng inyong paaralan at ng Pamahalaang Bayan ng Obando, at makipagtulungan sa lahat ng mga hakbang para sa kaligtasan ng bawat Obandenyo.

11/08/2026

๐Ÿ“š CHED Tulong Dunong Program (TDP)
First Semester, S.Y. 2026โ€“2027

Sa patuloy na malasakit at suporta ng ating Pamahalaang Bayan ng Obando at sa tulong ni Senator Joel Villanueva, hatid ang panibagong pagkakataon para sa mga masisipag na kabataang Obandeรฑo na nagsisipag-aral sa kolehiyo upang makatanggap ng 7,500 piso na tulong pinansyal!

๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŽ“ SINO ANG KWALIPIKADONG MAG-APPLY?
Mga estudyanteng:
โœ… Walang kasalukuyang scholarship o financial assistance mula sa National Government gaya ng TES, iba pang CHED Scholarships, o DOST Scholarship; at

โœ… Naka-enroll sa Undergraduate Degree Program sa alinman sa:
โ€ข State University or College (SUC)
โ€ข Local University or College (LUC)
โ€ข CHED-recognized Private Higher Education Institution (HEI)

โœ… 250 Slots para sa mga residente ng Obando (First-Come, First-Served basis)

๐Ÿ“„ MGA KAILANGANG DOKUMENTO:
1๏ธโƒฃ CHED TDP Application Form โ€“ kumpletong impormasyon at may kasamang 2x2 ID picture
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/FormTulongDunong

2๏ธโƒฃ Proof of Enrollment โ€“ Original o Certified True Copy ng Certificate of Registration (COR) o Certificate of Enrollment (COE) para sa First Semester, S.Y. 2026โ€“2027

3๏ธโƒฃ Barangay Certificate of Indigency

Saan Isusumite?
๐Ÿ“ Local Youth Development Office (LYDO)
4th Floor, New Municipal Hall Building

Deadline ng pagsumite:
๐Ÿ“… Agosto 19, 2026

โš ๏ธ PAALALA:

โ€ข One-time educational assistance lamang ang matatanggap sa ilalim ng programa.

โ€ข Isang (1) estudyante lamang kada household. Hindi maaaring sabay na mag-apply ang magkapatid.

โ€ข Lahat ng applications at requirements ay sasailalim sa validation at assessment.

โ€ข Ang pagsusumite ng requirements ay hindi garantiya ng approval. Hintayin ang tawag o text para sa confirmation at instructions.

Patuloy nating susuportahan ang kabataan tungo sa mas magandang kinabukasan! ๐ŸŽ“โœจ

PAGBATI SA IKA-112 NA ANIBERSARYO NG IGLESIA NI CRISTO ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡นAting pinapaabot ang mainit at taos-pusong pagbati sa buong pam...
27/07/2026

PAGBATI SA IKA-112 NA ANIBERSARYO NG IGLESIA NI CRISTO ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡น

Ating pinapaabot ang mainit at taos-pusong pagbati sa buong pamunuan at mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng kanilang ika-112 na taon ng pagtatag.
Hangad natin ang patuloy ninyong pag-unlad, pagkakaisa, at tagumpay sa lahat ng inyong mga gawaing pampanampalataya at pangkomunidad.

22/07/2026

๐ŸŒฑ PROJECT: SEEDS OF SUCCESS

Ang Project Seeds of Success ay naglalayon pong gabayan ang ating mga kabataan na alagaan hindi lamang ang mga halaman, kundi pati na rin ang kanilang mga pangarap at kinabukasan.

Katuwang ko po rito si Konsehal Mico Dela Paz sa ating patuloy na pagtutulungan para sa makabuluhang programa ng ating komunidad at mga mag-aaral.

Taos-puso rin po ang ating pasasalamat kina Mayor Ding Valeda at Vice Mayor Rowell Rillera sa kanilang walang sawang suporta, tiwala, at paggabay sa ating mga adbokasiya para sa mas marami pang mapaglingkuran.

Sama-sama nating palaguin ang bawat binhi ng tagumpay para sa mas magandang bukas.

13/07/2026

KARAGDAGANG RESCUE VEHICLE, MAS PINALAKAS NA SERBISYO ๐Ÿšจ

Mas pinalalakas ng Pamahalaang Bayan ng Obando ang kakayahan ng ating emergency response sa pagdaragdag ng bagong Rescue Vehicle na magsisilbing katuwang ng Obando MDRRMO sa mabilis at maayos na pagtugon sa oras ng sakuna at iba pang emergency.

Ang bagong sasakyang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan na mapanatiling ligtas at handa ang bawat Obandenyo sa anumang hamon.

Mas handa ang kagamitan. Mas mabilis ang responde. Mas ligtas ang Obando.

16/06/2026
16/06/2026
12/06/2026

CONGRATULATIONS BAYAN NG OBANDO ๐Ÿ†

Isang karangalan para sa ating bayan ang pagkilala sa Ideal Functionality for Local Project Monitoring Committee, patunay ng ating patuloy na pagsisikap na maisakatuparan ang mahusay, tapat, at transparent na pamamahala para sa kapakanan ng bawat Obandenyo.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga kawani, at mga mamamayang patuloy na nakikibahagi sa pagsusulong ng maayos at responsableng paglilingkod publiko.

Address

Obando
3021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsehal Erwin Valeda posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category