31/05/2026
BRIGADA ESKWELA 2026
Tema: “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Ang pamunuan, mga g**o, at kawani ng Bubog 1 Elementary School ay nagkakaisang nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang, alumni, volunteers, barangay officials, partner agencies, at iba pang stakeholders na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 na gaganapin sa Hunyo 1-5, 2026.
Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral. Ang inyong oras, lakas, kasanayan, at anumang maiaambag na kagamitan o materyales ay malaking tulong upang masig**o ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Ang edukasyon ay tagumpay ng buong komunidad. Sa ating pagkakaisa at pagtutulungan, maipapakita natin na ang bawat ambag, gaano man kaliit, ay may malaking bahagi sa paghubog ng kinabukasan ng ating mga kabataan.