02/07/2026
📢 MAHALAGANG PAALALA!
Hanggang bukas na lamang, Hulyo 3, ang inyong pagkakataong makapag-avail ng Real Property Tax (RPT) Amnesty.
Alinsunod sa Republic Act No. 12001, pinapatawad o inaalis ang lahat ng multa, interes, at surcharge na kaugnay ng mga hindi pa nababayarang buwis sa ari-arian, (Real Property Tax).
Kung mayroon kayong hindi pa nababayarang amilyar, samantalahin na ang pagkakataong ito upang mapatawad ang mga penalty, surcharge, at interest, at ang babayaran na lamang ay ang pangunahing buwis, alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng amnesty.
Huwag nang maghintay sa huling oras! Magtungo na sa Municipal Treasurer's Office upang maayos ang inyong obligasyon sa amilyar at maiwasan ang muling paglalagay ng mga kaukulang multa pagkatapos ng deadline.