Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section

Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section, BRGY. GUITNA LOOC OCCIDENTAL MINDORO, Occidental Mindoro.

Isinagawa ang pulong ng Samahan ng mga Mangingisda ng Brgy. Agkawayan at Tabao upang talakayin ang planong Fish Pond Pro...
06/03/2026

Isinagawa ang pulong ng Samahan ng mga Mangingisda ng Brgy. Agkawayan at Tabao upang talakayin ang planong Fish Pond Project sa ilalim ng BFAR FishCORE Program. Layunin ng proyekto na mag-alaga ng semilya ng bangus na magsisilbing suplay sa mga fish cage ng Brgy. Balikyas at Brgy. Tabao, Ambil.

Nagpahayag naman ng suporta ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Marlon V. Dela Torre, kabilang ang pagpapahiram ng backhoe ng munisipyo para sa paghuhukay at pagsasaayos ng fish pond na matatagpuan sa Looc National School of Fisheries.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng samahan sa mga kinauukulan upang maisakatuparan ang proyekto na inaasahang makakatulong sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga mangingisda sa bayan ng Looc.






Ocular Visitation sa Looc: Patuloy na Suporta sa Mga Proyektong Pangkabuhayan at Kabuhayan ng MangingisdaNoong March 5, ...
05/03/2026

Ocular Visitation sa Looc: Patuloy na Suporta sa Mga Proyektong Pangkabuhayan at Kabuhayan ng Mangingisda

Noong March 5, 2026, isinagawa ang ocular visitation sa Brgy. Agkawayan, Looc National School of Fisheries, at Brgy. Balikyas para sa paglulunsad ng mga bagong proyekto kasama ang BFAR, DENR, at Municipal Agriculture Office, sa buong suporta ng LGU Looc.

Kasama rin sa inspeksyon ang fish cage sa Tabao, Ambil, upang masuri ang kalagayan at progreso ng mga bangus na pinangangalagaan ng lokal na asosasyon ng mangingisda bilang bahagi ng programang pangkabuhayan na mula sa BFAR Fish Core program.

Sa pamamagitan ng matibay na koordinasyon at dedikasyon ng lokal na pamahalaan, mas marami pang proyekto at oportunidad ang naibibigay upang mapalakas at mapaunlad ang kabuhayan ng mga mangingisda sa bayan ng Looc, sa masigasig na pangunguna ni Mayor Marlon Dela Torre.








04/03/2026
1st Quarter MAFC/MFARMC MeetingSa pangunguna ni Mayor Marlon V. Dela Torre at ng Municipal Agriculture Office, matagumpa...
03/03/2026

1st Quarter MAFC/MFARMC Meeting

Sa pangunguna ni Mayor Marlon V. Dela Torre at ng Municipal Agriculture Office, matagumpay na naisagawa ang 1st Quarter Meeting ng MAFC/MFARMC noong ika-2 ng Marso sa Mayor's Conference room. Tinalakay ang mga programa at accomplishment ng Agriculture at Fisheries para sa nakaraang taon, nahalal ang mga bagong opisyal ng MAFC, at tinalakay din ang Municipal Ordinance No. 151, Series of 2026 para sa Linggo ng Magsasaka at Mangingisda.

Patuloy ang LGU Looc at Department of Agriculture sa pagtutulungan para sa mas maunlad at sustainable na agrikultura at pangisdaan sa ating bayan.






Buong pagmamalaki nating ibinabahagi ang pagpapatibay ng Municipal Ordinance No. 151, Series of 2026, na nagdedeklara sa...
27/02/2026

Buong pagmamalaki nating ibinabahagi ang pagpapatibay ng Municipal Ordinance No. 151, Series of 2026, na nagdedeklara sa unang linggo ng Mayo bilang “Linggo ng mga Magsasaka at Mangingisda” sa Bayan ng Looc.

Pinagtibay noong Pebrero 2, 2026, ang ordinansang ito bilang pagkilala at pasasalamat sa walang sawang pagsisikap at mahalagang papel ng ating mga magsasaka at mangingisda sa pag-unlad ng ating komunidad.

Pagpupugay para sa mga tunay na bayani ng ating bayan!







Dala ang isang magandang balita para sa darating na buwan ng Mayo, at sa hangaring patuloy na kumustahin ang kalagayan n...
26/02/2026

Dala ang isang magandang balita para sa darating na buwan ng Mayo, at sa hangaring patuloy na kumustahin ang kalagayan ng ating mga samahan ng mangingisda, hindi naging hadlang ang malalakas na alon upang marating at mabisita ang mga asosasyon sa Brgy.Talaotao at Ambil, Tambo noong Pebrero 24–25, 2026.

Ibinahagi sa bawat samahan ang anunsyo ng bagong bagong ordinansa na naprubahan nitong ika-2 ng pebrero, 2026, ang Municipal Ordinance No. 151 s. 2026 na nagdedeklara ng “Fisherfolks and Farmers Day in Looc Municipality.” Isang makabuluhang pagkilala ito sa mahalagang papel ng ating mga mangingisda at magsasaka sa pagpapaunlad ng ating bayan.

Bukod sa anunsyo, kinumusta rin ang bawat asosasyon hinggil sa kanilang pondo, mga proyekto, mga programang isinasagawa, mga problemang kinakaharap, pati na rin ang kalagayan ng kanilang mga miyembro at opisyal. Layunin nitong mas mapagtibay ang ugnayan, matukoy ang mga pangangailangan, at agad na makapagbigay ng angkop na suporta mula sa lokal na pamahalaan.

Patuloy ang LGU Looc sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office- Fishery Section sa pag-abot at pakikipag-ugnayan sa ating mga komunidad sa baybayin, dala ang malasakit, pagkilala, at konkretong aksyon para sa mas matatag at mas masaganang sektor ng pangisdaan sa Looc.





Bumisita sa ibat-ibang asosasyon ng Fish Forever Savings Club sa Brgy. Bulacan, Talaotao, at Tambo ang mga kinatawan mul...
26/02/2026

Bumisita sa ibat-ibang asosasyon ng Fish Forever Savings Club sa Brgy. Bulacan, Talaotao, at Tambo ang mga kinatawan mula sa LGU na sina Mr. Joseph Viana, CSO Desk Officer at Ms. Meryl Joy Dimapilis, Fishery and Agriculture Staff noong ika-24 hanggang ika-26 ng Pebrero 2026.

Layunin ng pagbisitang ito na kumustahin ang kalagayan ng bawat asosasyon, ang kanilang samahan, pondo, at mga miyembro, at alamin kung may mga suliraning kinahaharap upang ito ay agad na matugunan at mabigyan ng kaukulang solusyon.

Isinagawa ang aktibidad na ito upang masigurado ang patuloy na maayos na pamamalakad ng asosasyon, pagpapatatag ng samahan, at pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating mga mangingisda sa komunidad.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan at suporta ng LGU Looc sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office - Fishery Section upang matiyak na walang maiiwan at sama-sama nating maitaguyod ang mas matatag at masaganang sektor ng pangisdaan.






🌊✨ Fish Forever Leadership Academy (FFLA) Orientation ✨🌊Noong February 20, 2026, matagumpay na naisagawa ang Fish Foreve...
23/02/2026

🌊✨ Fish Forever Leadership Academy (FFLA) Orientation ✨🌊

Noong February 20, 2026, matagumpay na naisagawa ang Fish Forever Leadership Academy (FFLA) Orientation sa Municipal Conference Room, Looc, Occidental Mindoro, sa pakikipagtulungan ng RARE Philippines.

Pinangunahan nina Ma’am Sarah at Ma’am Love ang orientation kung saan tinalakay ang mga layunin, daloy, at mga susunod na hakbang ng programa. Layunin ng FFLA na palakasin ang leadership capacity ng mga lokal na lider at stakeholders upang mas mapabuti ang pamamahala sa ating yamang-dagat at mapanatili ang balanseng ugnayan ng kabuhayan at kalikasan.

Nagbigay ng inspiradong Welcome Message si Ma’am Aya Silva, Vice President ng RARE Philippines, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pamumuno at sama-samang pagkilos para sa sustainable fisheries.

Ibinahagi naman ni Sir Fel Cadiz, Director for Capacity Exchange and Learning ng RARE Philippines, ang misyon ng organisasyon:
💚 “Inspire change so people and nature thrive.”

Sa pamamagitan ng FFLA, mas pinagtitibay ang partnership ng LGU at mga stakeholders para sa mas epektibo, inklusibo, at pangmatagalang pangangalaga ng ating karagatan.

📍 Next Sessions:
• February 24 – Lubang
• February 25 – Looc
• February 26 – Lubang

Patuloy tayong magtulungan para sa mas matatag na liderato at mas masaganang kinabukasan ng ating mga komunidad sa baybayin! 🌊🐟







PUBLIC CONSULTATION | Proposed Fisheries Administrative Order (FAO) for Galunggong (Mackerel Scad – Decapterus macarellu...
19/02/2026

PUBLIC CONSULTATION | Proposed Fisheries Administrative Order (FAO) for Galunggong (Mackerel Scad – Decapterus macarellus) in FMA 6

Sa buong pakikiisa at suporta ng LGU Looc, isinagawa ang isang mahalagang Public Consultation kaugnay ng panukalang Fisheries Administrative Order (FAO) para sa galunggong sa FMA 6, bilang tugon sa patuloy na pagbaba ng produksyon at huli ng galunggong sa ating karagatan.

Layunin ng panukalang Administrative Order na makapaglatag ng mas maayos at sustenableng pamamahala upang maprotektahan ang suplay ng galunggong at matiyak ang pangmatagalang kabuhayan ng ating mga mangingisda.

Ang konsultasyon ay pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Fisheries Coastal Resilient Resource Management Project (FISHCRRM) ng Region III, IV, at NCR.

Dumalo at aktibong nakibahagi ang mga kinatawan mula sa LGU ng Lubang at Looc, Municipal Agriculture Office, Fisheries Section Staff, Bantay-Dagat, Commercial Fishing Vessel Operators, at mga miyembro ng MFARMC.

Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at palitan ng opinyon, naipahayag ang mga saloobin at suhestiyon ng iba’t ibang sektor upang masigurong ang ipatutupad na polisiya ay makatarungan, makatao, at makakalikasan.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating galunggong, para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.






Isinagawa ang Organizational Capacity Assessment (OCA) para sa mga Fisherfolks Association ng Barangay Talaotao at Baran...
09/02/2026

Isinagawa ang Organizational Capacity Assessment (OCA) para sa mga Fisherfolks Association ng Barangay Talaotao at Barangay Bulacan noong February 6, 2025. Layunin ng aktibidad na masuri ang kasalukuyang kakayahan ng mga samahan sa pamamahala, liderato, dokumentasyon, at pagpapatupad ng mga programa na magpapatibay sa kanilang organisasyon at kabuhayan.

Sa pamamagitan ng OCA, nabigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, malinaw na sistema, at patuloy na capacity building upang mas maging handa ang mga asosasyon sa mga hamon sa sektor ng pangisdaan. Naging daan din ito upang matukoy ang mga areas for improvement at mga posibleng hakbang para sa mas epektibong pamamahala at sustainable fisheries development.

Patuloy ang ating suporta sa pagpapalakas ng mga Fisherfolks Association bilang mahalagang katuwang sa pangangalaga ng ating yamang-dagat at sa pag-unlad ng komunidad. 🌊🐟










🌊🐟 Sama-samang Hakbang para sa Mas Matatag na Pangangalaga ng Ating Karagatan 🐟🌊Isinagawa noong January 30, 2026 ang Mar...
09/02/2026

🌊🐟 Sama-samang Hakbang para sa Mas Matatag na Pangangalaga ng Ating Karagatan 🐟🌊

Isinagawa noong January 30, 2026 ang Marine Protected Area Management Effectiveness and Tracking (MPA MEAT) Assessment at FishMARK Assessment sa Senior Citizens Building, Looc Occidental Mindoro. Layunin ng aktibidad na ito na masuri ang kasalukuyang kalagayan at bisa ng pamamahala ng ating Marine Protected Areas, gayundin ang estado ng fisheries management sa bayan ng Looc.

Sa pangunguna ni Mayor Marlon V. Dela Torre, na nagpaalala sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad upang mapanatili ang yamang-dagat para sa susunod na henerasyon. Pinangunahan at pinadaloy ang buong programa ni Ms. Sarah Embac ng RARE Philippines, na nagbigay-linaw sa mga layunin, proseso, at kahalagahan ng mga assessment na isinagawa.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga Barangay Officials mula sa bawat barangay at ng LGU Bantay Dagat, na aktibong nakilahok sa talakayan, pagbabahagi ng kaalaman, at pagpapalakas ng koordinasyon para sa mas epektibong pangangalaga at pagpapatupad ng mga programang pangkaragatan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, mas napapalakas ang kakayahan ng lokal na pamahalaan at mga stakeholder na gumawa ng mga desisyong nakabatay sa datos, para sa mas maayos na pamamahala ng ating likas-yaman at mas maunlad na kabuhayan ng mga mangingisda. 💙🌊










05/02/2026

Paibayuhin ang inyong agribiz, maging bahagi ng FFEDIS!

Address

BRGY. GUITNA LOOC OCCIDENTAL MINDORO
Occidental Mindoro
5111

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639065829992

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section:

Share