01/06/2026
𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡: 𝟮𝗻𝗱 𝗢𝗠𝗣𝗠𝗙𝗖, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗗𝗔𝗗
Ngayung Hunyo 1, 2026, bandang alas-12:00 ng tanghali, nakilahok ang mga tauhan ng 2nd Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company (2nd OMPMFC) sa pangunguna ni PSSg Nomer Balagan, Team Leader, sa Feeding Program na isinagawa bilang bahagi ng Ugnayan sa Pamayanan Serbisyo Caravan sa Sitio Tuguilan, Barangay Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa 76th Infantry Battalion, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Mamburao Municipal Police Station (MPS), PhilHealth, Lokal na Pamahalaan ng Mamburao, Barangay Health Workers (BHWs), mga opisyal ng barangay, at iba pang katuwang na ahensya. Ang programa ay naghatid ng iba't ibang serbisyong pampamahalaan sa mga Katutubong Pamayanan (IPs) at mga residente ng lugar tulad ng libreng konsultasyong medikal, pamamahagi ng mga bitamina at gamot, feeding program, pamimigay ng food packs, at mga programang pangkabuhayan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, mas nailalapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan at natutugunan ang kanilang mga pangangailangan tungo sa mas maunlad at ligtas na pamayanan.
Ayon kay PLTCOL ARCHIE M. BAYLEN, Force Commander ng 2nd OMPMFC: “Ang Ugnayan sa Pamayanan Serbisyo Caravan ay isang mahalagang hakbang upang maiparating ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan, lalo na sa mga katutubong komunidad at mga lugar na malayo sa sentro ng serbisyo. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba't ibang ahensya, mas napapalakas natin ang ugnayan sa komunidad at mas natutugunan ang kanilang mga pangangailangan. Patuloy na makikiisa ang 2nd OMPMFC sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan, kaunlaran, at kapayapaan para sa lahat.”