Habitat Elementary School

Habitat Elementary School DepEd-Region XII-Kidapawan City Division-Kidapawan City District II

SDO Kidapawan recognizes SH Sumain in timely and efficient submission of MOOE liquidation reportsOne of the highlights o...
06/10/2022

SDO Kidapawan recognizes SH Sumain in timely and efficient submission of MOOE liquidation reports

One of the highlights of the National Teachers Day celebration of the Schools Division of Kidapawan is the giving of recognition to employees who showed exemplary performance in their respective field. Among these awardee, is School Head Danilo A. Sumain of Habitat Elementary School who was recognized by SDO Kidapawan in his timely and efficient submission of the School MOOE reports.

The National Teachers Day was celebrated yesterday, October 5, 2022 by the entire School Division of Kidapawan at Kidapawan City gymnasium.

Photos & Videos credir to : JESTINE MAE G. ANDOY
Habitat ES Information Officer

22/09/2022
22/09/2022

No offense sa mga mag aaral ng makabagong henerasyon.

Ito ay kwento lamang natin. Hahahahaha 😉😃

Mas masaya ang pag aaral noon.

80's, 90's and early 2000's student

(Mga estudyante noon)
Class suspension - Walang announcement sa tv o radyo..papasok ka kahit bumabagyo tapos malalaman mo lang suspended pag nandon kana at basang basa sa ulan 😂

Research - kailangan kabisado mo ang decimal arrangement ng books sa library.. at sanggang dikit mo ang librarian para makahiram ka lagi ng books..
bihira ang computer.. at pag meron wala naman yung internet..gugol oras dahil di tulad ngayon na autoclick na makikita mo agad ang mga topic.. noon magbabasa ka talaga ng books.

Report- kailangan may handa kang manila paper at pentelpen.. dapat gandahan mo den ang sulat para maintindihan ng kaklase mo.. at dapat malakas ang boses mo para marinig ka sa likuran.

Books- pag sa public ka nagaaral, hiraman sa books.. swerte na may apat na books ka.. kaya dapat marunong kang makisama para makahiram ka sa iba..kundi nganga 😂

Exam- tatlong araw na half day.. review to the max ka..dapat kumpleto ang notes .. tapos may buraot kang kaklase na di magrereview pag di mo pinakopya galit na kayo non ..after exam kayo kayo den ang magcheck ng test paper.. tapos sasabihin ni mam yung grades mo sa klase .. proud syempre pag mataas exam score mo.. pag mababa pagtatawanan ka may kasama pang sermon ni mam 😂

Secretary ng classroom - isususmpa mo pag ikaw ang classroom secretary dahil ipapasulat sayo ni mam sa blackboard yung mga nakalagay sa libro..ang ending pagod kana nga, nalanghap mo pa lahat ng chalk.. tapos ikaw ang makikikopya sa iba kasi wala kang notes 🤣

Subject Notes- kailangan mabilis kang magsulat.. dahil kailangang burahin agad yung nasa blackboard para makapag sulat ulit yung secretary..
Kasama sa grades ang notes kaya dapat kumpleto ka.. dahil mas maraming pages ang notes mo more chances of mataas na grades 😅

Lunch break- tiyak puno ang canteen or di kaya e di masarap ang luto.. kaya lalabas ka ng school para maghanap ng mura na pagkain na pasok sa budget mo..ang layo non e parang umuwi kana sa bahay mo 😂

Free time- kung hindi nagchichinese garter ang mga babae, yung mga lalake ay nagsisipa. O kung ano ang usong laro ..Lahat ng ilalim ng puno may tao.. mga naguusap usap.. o nagkakantahan.. sikat ka pag magaling ka maggitara plus point pag pogi kapa.

Famous- famous ka pag may game boy ka.. sikat ka non kasi rich kid lang nakakabili ng ganun, pwede din yung brick game.pero sa kin game and watch...😂

Christmas party- pagandahan ng damit.. tapos may tig 50 pesos para sa exchange gift.. na kadalasan ay panyo ang makukuha mo..malas ko palagi kasi baso nakukuha ko.. sarap ipukol 😂 masaya den yung mga palaro sa loob ng room .. asahan mo na gagala kayo pagtapos ng mga program sa room nyo..tiyak yan e sa bahay ng kaklase mo.. dahil wala pa namang mall noon malapit sa inyo..

Sarap lang balikan ng alaala noon.. 😂 walang gadgets pero mas masaya..

SIDENOTE:
Dahil sa mga experiences na ito, mas nabuibuild ang strong foundation of good character & values.

CTTO - I miss the old days 🥺

1st PTA GENERAL ASSEMBLY for SY 2022-2023
17/09/2022

1st PTA GENERAL ASSEMBLY for SY 2022-2023

HABITAT ELEMENTARY SCHOOL 3rd Quarter SMEPA attended by Habitat ES teaching force, headed by Mr Danilo A. Sumain, PSDS M...
15/09/2022

HABITAT ELEMENTARY SCHOOL 3rd Quarter SMEPA attended by Habitat ES teaching force, headed by Mr Danilo A. Sumain, PSDS Manuela M. Sorupia, SPG Mayor Joanna March Cantalejo, PTA officials headed by PTA President Mrs. Anna Mae Pedregosa, BLGU officials represented by Hon. Mary Jane C. Cacho (EdCom Chair) and Hon. Rey N. Rotante (district kagawad) on September 15, 2022, 8:00 in the morning at Grade 3 section Daisy classroom.

Cold Thursday morning at Habitat Elementary School with PSDS Manuela M. Sorupia.Maraming salamat Ma’am Neng sa iyong pag...
15/09/2022

Cold Thursday morning at Habitat Elementary School with PSDS Manuela M. Sorupia.

Maraming salamat Ma’am Neng sa iyong pagbisita.

Salamat po sa urgent action para sa mga learners ng Habitat Elementary School..Barangay Sudapin LGU & City Government of...
06/09/2022

Salamat po sa urgent action para sa mga learners ng Habitat Elementary School..
Barangay Sudapin LGU & City Government of Kidapawan LGU
of Pathway, Construction of Foot Bridge

03/09/2022
03/09/2022

Pagbati ng isang mapayapang araw sa lahat!

Ngayong araw ang simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Kapayapaan o National Peace Consciousness Month (o tinatawag din na Peace Month).

Alinsunod sa Proklamasyon bilang 675 na inisyu noong Hulyo 20, 2004, naging opisyal ang selebrasyon ng kapayapaan na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre. Kasabay din nito ang pandaigdigang selebrasyon ng Araw ng Kapayapaan na ginaganap tuwing Setyembre 21 taon-taon.

Layunin ng proklamasyon na makintal sa kamalayan at maintindihan ng bawat Pilipino ang komprehensibong proseso ng kapayapaan, gayundin upang itaas ang kultura ng kapayapaan nang walang karahasan, na nirerespeto ang karapatan at kalayaan, ang pagpapasensiya, pang-unawa, at pagkakaisa.

Ang tema sa taong ito ay "Pagkakaisa at Paghilom: Isang Bansa para sa Kapayapaan" bilang tanda na sa ating pagkakaisa, muli tayong makakabangon at maghihilom sa mga pagsubok na dumaan sa atin tulad ng pandemya.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nakikiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month.


EPSON PRINTER, REGALONG HANDOG NG SUDAPIN BLGU SA HABITAT ES SA PAGBUBUKAS  NG KLASE.Isang EPSON printer ang taos-pusong...
27/08/2022

EPSON PRINTER, REGALONG HANDOG NG SUDAPIN BLGU SA HABITAT ES SA PAGBUBUKAS NG KLASE.

Isang EPSON printer ang taos-pusong handog ng Sudapin BLGU sa pamumuno ni Punong Barangay Jon Karl T. Sibug sa pagbubukas ng klase ng Habitat Elementary School. Kasabay ng paghatid ng printer ay ang pagbisita ng buong Sudapin BLGU officials sa katatapos lamang na temporary foot bridge na inisyatibo rin ng mga nabanggit na mga opisyales noong ika-26 ng Agosto, 2022.

Kasabay ni Kap. Sibug ay sina Kgd. Amena, Kgd. Madrid, Kgd. Cacho, Kgd. Rotante, Kgd. Baldevieso, Kgd. Labiano, at SK Chairman Pinantao.

Buong kasiyahang tinanggap ng mga g**o ng Habitat ES na kinatawan ni OIC Paramila N. Diamaoden, ang nasabing printer.

Malaking tulong ang regalong ito ng Sudapin BLGU na maipagpatuloy ng Habitat ES ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga batang taga-Sudapin.

Address

Habitat, Sudapin
Old Kidapawan
9400

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Habitat Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Habitat Elementary School:

Share