31/08/2026
COASTAL CLEAN-UP DRIVE, ISINAGAWA BILANG PAGGUNITA SA NATIONAL HEROES DAY
Bilang pakikiisa sa paggunita ng National Heroes Day, nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive sa Driftwood Beach, Barretto, ang Lokal na Pamahalaan ng Olongapo sa pangunguna ni Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr. kasama ang ibaβt ibang kawani ng gobyerno, volunteer agencies, pribadong organisasyon, at mga indibidwal na nagkaisa para sa pangangalaga at paglilinis ng kapaligiran.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina City Administrator Robert Reginald Paulino, mga Konsehal ng Lungsod, kabilang sina Ying Anonat, BJ Cajudo, at Rodolfo Catologan. Sama-sama nilang ipinakita ang kahalagahan ng pagkakaisa at malasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa paglilinis ng baybayin.
Sa pamamagitan ng Coastal Clean-Up Drive, muling binigyang-diin ang responsibilidad ng bawat mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan, mga organisasyon, at mamamayan ay isang makabuluhang paraan ng pagpapakita ng malasakit sa komunidad at pagpupugay sa diwa ng kabayanihan.