16/02/2025
Isang Apela Para sa Aking mga Kapwa Bataeno 🇵đź‡đź™Ź
Wala akong makinarya, ni entablado’t yaman,
Ngunit puso’t layunin ang aking sandigan.
Ang laban na ito’y hindi para sa sarili,
Kundi para sa probinsyang mahal ko nang labis.
Bitbit ko ang aral ng karanasan,
Kaalamang hinubog ng panahon at pagsasanay.
Handang ialay ang lakas at talino,
Upang maitaguyod ang bayan nating Pilipino.
Mga kababayan, pakinggan ang aking tinig,
Sa laban ng serbisyo, kasama niyo ang aking ibig.
Hindi kayamanan ang susi sa tagumpay,
Kundi ang pusong tapat na handang umalalay.
Kaya’t samahan niyo ako, hawak-kamay,
Sa pag-abot ng pangarap ng bagong tagumpay.
Tayo’y magkaisa, sa hirap at ginhawa,
Para sa ating probinsya, ang hangad ko’y maitaguyod siya.
Walang makinarya, pero may puso’t pag-asa,
Walang entablado, pero may diwang dakila.
Sa inyong tiwala, sisilay ang liwanag,
At sama-sama nating aangat ang ating bukas.
Umaasa ako na inyong sasamahan para sa bukas na ating pinapangarap🇵đź‡
Board Member Maya Bautista Bongco
May Paninindigan! May Plataporma!
Kinaya ang pagsisilbi ng mahusay sa Orani, kakayanin din para sa Bataan!