Barangay Loyal

Barangay Loyal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Loyal, Government Organization, Barangay Loyal, Victoria, Oriental Mindoro.

👏👏🫰🥰
02/09/2026

👏👏🫰🥰

31/08/2026

Naparang tuloy na parang hindi
Guide po kung tatakbo ka ngayung eleksyon

August 31, 2026Barangay Loyal  ✅ BaRCO/ KALINISAN 🫰Weekly Clean up Drive Activity..For Week 34Total No. Of Site (2)Sitio...
31/08/2026

August 31, 2026
Barangay Loyal
✅ BaRCO/ KALINISAN
🫰Weekly Clean up Drive Activity..
For Week 34
Total No. Of Site (2)Sitio Corehousing (BHS area), Centro
Total No. Of Participants:63
Total No. Of Brgy. Official participated:11
Total No. Of SK Official participated: 7
Total No. Of CSO's (4) participated: 48
Total Volume of Weight:(200 kls) Sacks (10)







August 15, 2026Barangay Loyal     ✅ BaRCO/ KALINISAN 🫰Weekly Clean up Drive Activity..For Week 33Total No. Of Site (2)Si...
15/08/2026

August 15, 2026
Barangay Loyal
✅ BaRCO/ KALINISAN
🫰Weekly Clean up Drive Activity..
For Week 33
Total No. Of Site (2)Sitio Corehousing (BHS area), Centro
Total No. Of Participants:72
Total No. Of Brgy. Official participated:11
Total No. Of SK Official participated: 7
Total No. Of CSO's (4) participated: 48
Total Volume of Weight:(200 kls) Sacks (10)








August 14, 2026Barangay Loyal  📢 PASASALAMAT SA ATING MDRRMOMagandang hapon po!👉Taos-pusong pasasalamat mula sa Sangguni...
14/08/2026

August 14, 2026
Barangay Loyal
📢 PASASALAMAT SA ATING MDRRMO
Magandang hapon po!
👉Taos-pusong pasasalamat mula sa Sangguniang Barangay Loyal, sa pangunguna ni PB. Mark Anthony B**g Ganio , sa ating MDRRMO sa pagkakaloob ng BATINGAW na magsisilbing alarm o hudyat ng ating KAMPTA members sa panahon ng sakuna.
🫰Maraming salamat din po kay Sir Shem D. Guy sa pagtuturo ng wastong paggamit nito. ✅Hiniling din po natin na maisalin sa wikang Tadyawan ang mga panuto upang higit itong maunawaan ng ating mga kapatid na Tadyawan.
♥️Maraming salamat po sa inyong suporta para sa kaligtasan at kahandaan ng ating komunidad! 🙏🚨




August 14, 2026Barangay Loyal  📢 PAANYAYA AT PASASALAMAT PARA SA ATING MGA 4Ps MEMBERS👉Magandang hapon po sa ating lahat...
14/08/2026

August 14, 2026
Barangay Loyal

📢 PAANYAYA AT PASASALAMAT PARA SA ATING MGA 4Ps MEMBERS
👉Magandang hapon po sa ating lahat! 🌿
Ipinapaabot po ng Sangguniang Barangay Loyal, sa pangunguna ni Punong Barangay Mark Anthony B**g Ganio , ang taos-pusong pasasalamat sa mga miyembro ng 4Ps na buong puso at kusang-loob na nakiisa sa ating gawaing pangkalinisan sa HAPAG Garden ngayong araw. Maraming salamat po sa inyong oras, pagod at pakikiisa. 🤝💚
♥️Muli po naming hinihiling ang pakikiisa ng mga miyembro na hindi nakadalo kanina. Bukas ng umaga, maaari po ninyo kaming samahan sa Sitio Corehousing – BHS Area para sa pagpapatuloy ng ating gawaing pangkalinisan.
📌 Mahalagang paalala: Magkakaroon po ng Attendance at Documentation ang Barangay bilang bahagi ng ating mga isusumiteng dokumento para sa DILG Validation sa August 20, 2026.
🫰Hinihikayat din po ang lahat ng mga hindi makadadalo bukas na siguraduhing malinis at maayos ang inyong mga Sitio/area bago ang takdang validation date.
🌱 Magtulungan po tayo bilang isang komunidad. Ang kalinisan, kaayusan at kaunlaran ng ating Barangay ay hindi lamang responsibilidad ng iilan—ito ay bunga ng kooperasyon, pagkakaisa at pakikilahok nating lahat.
🥰Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pagtugon. Sama-sama nating ipakita ang malinis, maayos at nagkakaisang Barangay Loyal! 💚🤝





July 27, 2026Barangay Loyal     ✅ BaRCO/ KALINISAN 🫰Weekly Clean up Drive Activity..For Week 32Total No. Of Site (2)Siti...
07/08/2026

July 27, 2026
Barangay Loyal
✅ BaRCO/ KALINISAN
🫰Weekly Clean up Drive Activity..
For Week 32
Total No. Of Site (2)Sitio Corehousing (LES area), Centro
Total No. Of Participants:68
Total No. Of Brgy. Official participated:23
Total No. Of SK Official participated: 8
Total No. Of CSO's (4) participated: 31
Total Volume of Weight:(200 kls) Sacks (10)









🚨 MAHIGPIT NA PABATID SA PUBLIKO 🚨PARA SA LAHAT NG MGA TUMUTUNGO SA ILOG PAMUWISAN AT SA MGA NAGPUPUTOL NG MGA SANGA NG ...
06/08/2026

🚨 MAHIGPIT NA PABATID SA PUBLIKO 🚨

PARA SA LAHAT NG MGA TUMUTUNGO SA ILOG PAMUWISAN AT SA MGA NAGPUPUTOL NG MGA SANGA NG KAWAYAN O PUNO SA PALIGID NITO

Mula sa Sangguniang Barangay ng Barangay Loyal, sa pamumuno ni Punong Barangay Mark Anthony B**g Ganio, mahigpit na ipinababatid sa lahat ng residente, karatig Barangay at maging sa mga dayo na:

❌ MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG MGA SUMUSUNOD:

• Pagtatapon ng anumang uri ng basura sa Ilog Pamuwisan at sa mga pampang nito.• Pag-iiwan ng mga plastik, bote, lata, bubog, lumang damit, diaper, at iba pang basura.• Pagputol, pagtatabas, o pagpapabagsak ng mga sanga ng kawayan at iba pang puno na maaaring maging sanhi ng pagbabara ng embornal, daluyan ng tubig, at pagbaha.• Anumang gawain na makasisira sa kalinisan at kalikasan ng ating ilog.

⚠️ BABALA!

Ang sinumang mahuhuling lumalabag ay papatawan ng kaukulang multa at iba pang parusa alinsunod sa umiiral na Ordinansa ng Barangay, at maaari ring maharap sa iba pang kaukulang aksyon kung ang paglabag ay sakop ng mga batas sa pangangalaga ng kapaligiran.

📹 Ang Barangay ay magsasagawa ng mas mahigpit na pagbabantay at hinihikayat ang publiko na magsumbong o magbigay ng impormasyon laban sa mga lumalabag.

🌿 Ang Ilog Pamuwisan ay hindi basurahan. Ito ay biyaya ng kalikasan na dapat nating pangalagaan para sa ating mga anak at sa mga susunod pang henerasyon. Sa panahon ng climate change, ang bawat maliit na pagkilos ay may malaking ambag sa pag-iwas sa pagbaha, polusyon, at pagkasira ng ating kapaligiran.

🤝 Hinihikayat ang bawat mamamayan na maging katuwang ng Barangay sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan.

MOTTO:

"Ang Lumalabag ay Mananagot. Ang Nagmamalasakit ay Nagliligtas. Basura Mo, Sagot Mo!"

⚖️ PAALALA: Ang batas ay para sa lahat. Walang sinuman ang exempted sa pagpapatupad ng umiiral na mga ordinansa ng Barangay.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pakikiisa sa pangangalaga ng ating Ilog Pamuwisan at ng ating Inang Kalikasan.




Address

Barangay Loyal, Victoria
Oriental Mindoro
5205

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Loyal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Loyal:

Shortcuts

Share