05/06/2026
Sa Brigadaโy nagkaisa, tagumpay ay nadama; Paaralan at barangay, magkasama sa pag-abot ng pag-asa!
Hunyo 5, 2026 (Biyernes) โ Matagumpay na nagtapos ang limang araw na Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng muling pagtutulungan at pagkakaisa ng iba't ibang sektor ng komunidad.
Sa huling araw ng gawain, buong pusong naglaan ng oras at lakas ang mga kawani ng paaralan, mga magulang, at mga benepisyaryo ng TUPAD-DOLE upang maisakatuparan ang mga nalalabing gawain para sa paghahanda ng paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Nagkaisa ang lahat sa paglilinis ng kapaligiran, pagkukumpuni ng mga pasilidad, at pagsasaayos ng mga silid-aralan upang matiyak na magiging ligtas, malinis, at kaaya-aya ang kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Ang kanilang boluntaryong paglilingkod ay patunay ng malasakit at dedikasyon sa kapakanan ng edukasyon at ng mga kabataang kanilang pinaglilingkuran.
Samantala, dumalo rin ang Punongg**o ng paaralan, si Gemma A. Abaca, sa sesyon ng Barangay Sta. Rosa 1 upang makinig, makiisa, at makibahagi sa pagbuo ng mga proyektong pangkaunlaran ng barangay na may kaugnayan sa paaralan.
Ang kanyang pagdalo ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng paaralan at ng lokal na pamahalaan upang higit pang mapaunlad ang mga programang makikinabang sa mga mag-aaral at sa buong komunidad.
Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at matibay na ugnayan ng barangay at paaralan, inaasahang mas marami pang makabuluhang proyekto at programa ang maisasakatuparan sa hinaharap.
Ang pagkakaisang ito ay nagsisilbing pundasyon ng isang matatag at maunlad na pamayanang may malasakit sa edukasyon.