15/12/2024
Tingnan | NuTRY Natin: NuTRIPLENG Araw para sa Batang Ermita
Tatlong araw ang inihandog natin para turuan ang mga bata sa Child Development Center ng Barangay Ermita tungkol sa tamang pagkain at paglilinis ng katawan para sa wastong nutrisyon at kalusugan.
Sa pangunguna ng Project Leader na si Mary Jasmine Villafuerte, naturuan natin ang mga bata tungkol sa 3 Food Groups na Go, Grow, at Glow foods at ng Pinggang Pinoy. Naituro rin ang mga paraan ng paglilinis ng katawan o personal hygiene lalo na ang tamang paghugas ng kamay. Gumawa rin tayo ng isang jingle tungkol sa 3 Food Groups na pwedeng panoorin at balik-balikan ng mga bata upang sila ay matutong kumain nang tama at masustansiya.
Lubos po kaming nagpapasalamat kay Teacher Cleotilde B. Labing, ang Child Development Worker ng Barangay Ermita sa kanyang suporta at oras na inilaan para sa programang ito.
Abangan ang iba pa naming updates tungkol sa mga programang pang-nutrisyon, bisitahin lamang ang aming page. Muli, sama-sama nating IBIDA ang WASTONG NUTRISYON sa Barangay ERMITA!