09/03/2026
PUBLIC ADVISORY
COMPRESSED 4-DAY WORK WEEK
Ipinababatid sa ating mga kababayan na simula ngayong Lunes, March 9, 2026, ipatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao ang Compressed Four-Day Work Week Arrangement alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 na inilabas ng Office of the President at Executive Order No. 30 & 31-2026 ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao.
Ang hakbang na ito ay ipinatutupad upang makatipid sa paggamit ng kuryente, gasolina, at iba pang operational expenses ng pamahalaan, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng patuloy na sigalot sa Middle East.
Dahil dito, ๐๐ซ๐ง๐๐ก๐๐๐ ang office hours ng mga tanggapan sa Munisipyo upang mas mabigyan ng sapat na oras ang publiko para sa kanilang mga transaksyon.
๐ Bagong Temporary Office Hours:
๐ ๐ผ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ ๐๐ผ ๐ง๐ต๐๐ฟ๐๐ฑ๐ฎ๐ | 7:00 ๐๐ โ 6:00 ๐ฃ๐
Layunin ng arrangement na ito na mapanatili ang episyente at tuloy-tuloy na serbisyo ng pamahalaan, habang nagbibigay ng mas mahabang oras para sa mga mamamayan na makapagsagawa ng kanilang mga transaksyon sa munisipyo.
Samantala, upang matiyak ang walang patid na serbisyo sa publiko, ang mga sumusunod na FRONTLINE OFFICES at pasilidad ay mananatili sa kanilang regular na working schedule:
๐ Monday to Friday | 8:00 AM โ 5:00 PM
โข Municipal Health Office
โข Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
โข Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
โข General Services Office
โขMunicipal Agriculturist Office
โข Pagbilao Command Center
Pinapayuhan ang lahat na planuhin ang kanilang pagbisita sa ating munisipyo ayon sa bagong office hours.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at pang-unawa.