Brgy Mayhay Pagbilao, Quezon

Brgy Mayhay Pagbilao, Quezon BRGY. MAYHAY OFFICIAL PAGE

17/07/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀'𝐓 πŒπ€π†π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‹πˆπ†π“π€π’ π“πˆπ†πƒπ€π’ 𝐒𝐀 ππ€π†ππˆπ‹π€πŽ!

Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao ang lahat ng mga magulang, lolo at lola, at tagapag-alaga na may mga batang edad 6 hanggang 59 na buwan na makiisa sa isasagawang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) at Vitamin A Supplementation ng Municipal Health Office ng Pagbilao.

Mula Agosto 10 hanggang 28, 2026, dalhin at pabakunahan ang inyong mga anak sa pinakamalapit na fixed o temporary vaccination site na naitatalaga ng bawat barangay.

Maging kabahagi ng pagpapalaganap ng mga impormasyong nakabatay sa siyensya upang maprotektahan ang bawat bata laban sa tigdas at rubella. Ang pagbibigay rin ng Vitamin A ay mahalaga upang makatulong sa pagpapanatiling malusog at matibay ang resistensya ng ating mga kabataan.

Para sa iskedyul ng pagbabakuna at mga vaccination site, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Workers (BHWs) o bumisita sa inyong pinakamalapit na Barangay Health Station.

Ang mga bakunang ito ay ligtas, epektibo, at libre.

Ang bawat bakuna ay isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na kinabukasan para sa ating mga anak. Kapag bakunado ang bata, protektado ang pamilya at ang komunidad.

Tara na, magpabakuna na! Sama-sama tayo para sa Ligtas Tigdas. Walang batang maiiwanan! πŸ’‰




07/07/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀’𝐓 πŒπ€π†π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‹πˆπ†π“π€π’ π“πˆπ†πƒπ€π’ 𝐍𝐀 π‚π€π‹π€ππ€π‘π™πŽπ! πŸ›‘οΈ

Oops! Stop scrolling! Panoorin ang video at alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Ligtas Tigdas: Measles Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).

Maging kabahagi ng pagpapalaganap ng mga impormasyong nakabatay sa siyensya upang maprotektahan ang bawat bata laban sa tigdas at tigdas-hangin (rubella).

Mga nanay, tatay, lolo at lola, ngayong darating na Agosto 10 hanggang 28, dalhin at pabakunahan ang mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na fixed o temporary vaccination sites, o temporary mobile vaccination sites, na itinalaga ng inyong lokal na pamahalaan.

Ang bawat bakuna ay isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na kinabukasan para sa ating mga anak. Kapag bakunado ang bata, protektado ang pamilya at ang komunidad! πŸ’‰πŸ’ͺ



πŸ“’ MAGANDANG BALITA, MGA MAGULANG!Protektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas (Measles) at Rubella sa pamamagitan ng M...
01/07/2026

πŸ“’ MAGANDANG BALITA, MGA MAGULANG!

Protektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas (Measles) at Rubella sa pamamagitan ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA).

πŸ’‰ LIBRE ang bakuna
βœ… Ligtas
βœ… Epektibo
βœ… Inaprubahan ng Department of Health

Inaanyayahan ang lahat ng magulang na dalhin ang kanilang mga anak na kabilang sa target na edad sa itinakdang vaccination site sa ating barangay.

Ang bakuna ay proteksyon hindi lamang para sa inyong anak, kundi para rin sa buong komunidad.

πŸ“ Abangan ang iskedyul ng pagbabakuna na iaanunsyo ng ating Barangay at Health Center.

‼️DOH: MAGING HANDA SA PAPARATING NA EL NIΓ‘O‼️
18/06/2026

‼️DOH: MAGING HANDA SA PAPARATING NA EL NIΓ‘O‼️

‼️DOH: MAGING HANDA SA PAPARATING NA EL NIΓ‘O‼️

Detalye sa comment section.

GALAW-GALAW PAGBILAO!Samahan kami sa isang hapon ng sayawan at kamalayan para sa Sayaw Para sa Ginhawa: Mental Health Aw...
18/06/2026

GALAW-GALAW PAGBILAO!

Samahan kami sa isang hapon ng sayawan at kamalayan para sa Sayaw Para sa Ginhawa: Mental Health Awareness Program handog ng Alagang
Mayor Ate Gigi Portes!

June 20, 2026 (Saturday), 4:00 PM
Brentwood Park, Brgy. Mayhay, Pagbilao

Mag-galaw-galaw tayo para sa mas maginhawang
isip at katawan!

Kitakits!


21/05/2026

ALAM MO BA?

Ang araw-araw na pagbibilad sa matinding init ng araw habang nagtatrabaho, gaya ng mga construction worker, nagkukumpuni ng kalsada, magsasaka, traffic enforcer, delivery rider, at iba pang outdoor workers, ay may malaking panganib sa kalusugan.

Ayon sa pag-aaral, tinatayang 19,000 katao bawat taon ang namamatay dahil sa non-melanoma skin cancer na dulot ng matagal na exposure sa UV radiation mula sa araw. β˜€οΈ

21/05/2026
PABATID SA PUBLIKOSa mga nais mag-donate ng dugo sa QPHN–Quezon Medical Center:Pansamantalang walang walk-in blood donat...
21/05/2026

PABATID SA PUBLIKO

Sa mga nais mag-donate ng dugo sa QPHN–Quezon Medical Center:

Pansamantalang walang walk-in blood donation sa May 30, 2026 (Sabado) dahil naka-deploy ang MBD Team sa SOLCOM, Camp Guillermo Nakar, Lucena City para sa Mobile Blood Donation Activity.

Magbabalik ang regular walk-in donation sa June 1, 2026 (Lunes).

Maraming salamat po

Address

Pagbilao
4302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Mayhay Pagbilao, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share