25/08/2026
PAGMAMAPA NG MGA MAHAHALAGANG BAGAY
Tangible Movable Cultural Heritage
IMAHEN NG NUESTRA SEรORA DE ARACELI
PAGLALARAWAN NG BAGAY
Ang imahen ng Nuestra Seรฑora de Araceli ay matatagpuan sa parokya ng Nuestra Seรฑora de Araceli na nasa Barangay Poblacion sa Bayan ng Araceli. ito ay may taas na 87 sentimetro at lapad na 37 sentimetro. Ayon sa kasaysayan, ang patron ay gawa sa kahoy na sipres, kilala ito sa tuwid, matibay, mabango, at hindi madaling mabulok.
Ang itaas na bahagi ng imahen ay gawa sa kahoy, bagamaโt may mga bakas ng pagkasira o pagkaluma na palatandaan ng edad at paggamit, ang ibabang bahagi (mula baywang) ay gawa sa mga patayong kahoy na slats na parang palda. Ito ay nakapatong sa isang bilog at masining na pedestal, nagpapahiwatig ng dignidad o seremonyal na gamit. Ang kanang braso nito ay nakalahad palabas, bukas ang palad na simbolo ng pagtanggap, pagpapala o panawagan and kaliwang braso naman ay nakababa.
Ang kasuotan nito ay payak ngunit marangal, na nagpapakita ng kabanalan at pagiging Ina, na may impluwensiyang tradisyong Katoliko at Marian na angkop sa isang imaheng pinaparangalan sa parokya o lokal na debosyon. May suot siyang korona na kulay ginto, simple ang disenyo kumpara sa mga mas engrandeng imahen, ngunit malinaw na sagisag ng kanyang pagiging Reyna ng Langit. Ang buhok ay maitim na nakalugay pababa, na nagbibigay ng mahinahon at mapagkumbabang anyo. Ang pangunahing kasuotan ay isang puting bestida na tila gawa sa puntas (lace), may maseselang burda at detalyeng butil o maliliit na palamuti sa harapan. Ang puting kulay ay sumasagisag sa kalinisan, kabanalan, at kadalisayan ni Maria. May nakapatong naman sa kanyang balikat ang isang asul na balabal na may ginintuang burda. Ang asul ay tradisyonal na kulay ni Birheng Maria, tanda ng katapatan, langit, at espirituwal na karangalan, habang ang ginto ay simbolo ng kaluwalhatian. May hawak siyang pulang at dilaw na mga rosas, na karaniwang sumisimbolo ng pag-ibig, sakripisyo, at biyaya.
MGA KAUGNAY NA SALAYSAY/NARATIBO/PANINIWALA/KAUGALIAN
Taong 1821 isang patron ay ang dinala ng mga misyonerong paring kastila sakay ng isang galyon na galing ng Espanya na pansamantalang sumilong sa pampang ng Araceli habang patungo sa Luzon dahil sa masamang panahon. Ilang ulit sinubukan ng galyon na umalis tuwing humuhupa ang bagyo ngunit hindi sila pinalad. Naisip ng mga tauhan ng galyon na marahil ay ayaw ng kanilang Patrona na silaโy umalis hanggaโt hindi sila nagmimisa sa lupa at iniiwan ang imahen sa lugar. Kayaโt silaโy bumaba, nagdaos ng misa kasama ang mga lokal, at iniwan ang imahen ng โBirhen ng Araceliโ upang pangalagaan ng mga taga-roon.
Ayon lola Remedios Manga, magkasabay na dinala ng mga paring kastila ang orihinal na Nuestra Seรฑora na Birhen ng Araceli o ang Nuestra Seniora De Archeli at ang dalawang kampana noon. Ito ang naging simbolo ng pananampalataya ng mga Romano Katoliko mula pa noong 1903.
Mula noon, ipinangalan ang lugar na Araceli bilang parangal sa โBirhen ng Araceli,โ na siyang naging Patron ng bayan na tinawag na Nuestra Seรฑora de Araceli. Taun-taon ay lingguhang ipinagdiriwang ang kapistahan na nagtatapos tuwing ika-11 ng Disyembre. Pinaniniwalaan na ang orihinal na debosyon kay Nuestra Seรฑora de Araceli ay nagmula sa Lucena, Cรณrdoba, Spain, kung saan siya ay itinuturing na patrona ng lungsod. Dinala ito ng mga misyonerong Kastila bilang bahagi ng pagpapalaganap ng pananampalataya noong panahon ng kolonisasyon.
Samantala, ayon sa kasalukuyang kura paruko ng Parokya ng Nuestra Seรฑora de Araceli na si Rev. Father Jeffrey C. Abing ay hindi na kaaya-ayang ang pisikal na itsura ng imahen at kaawa-awa ng tingnan kaya nagpasya ang parokya na ipaayos ito at upang malagay na rin ang mga nawawalang bahagi ng katawan nito, kung kayaโt noong Pebrero 4, 2025 ay ipinadala ito sa Capas, Tarlac para ayusin na mas malapit sa ikonograpiko ng Nuestra Seรฑora de Araceli na nasa Espanya.
Dagdag pa niya, mayroong patunay ang paghihimala ni Nuestra Seรฑora de Araceli mula sa isang tao na hindi naman talaga taga Araceli. Nagpadala ito sa kanya ng mensahe at sinasabing โsometime of April 2025 first time ko makarating sa Dumaran at Araceli, tuwing first time ko sa isang lugar hinahanap ko ay simbahan para magpasalamat at nakarating ako sa lugar at ang isa ay para humiling. Noong ako ay nasa Araceli ay ganon din ang aking ginawa. Pumunta ako sa simbahan kahit pagabi na noong panahon na iyon, kinabukasan ay schedule ng exam ng asawa ko, iyon ang aking hiniling at sana maregular na siya sa trabaho kasi matagal na siya roon. Taimtim ako nanalangin at humiling kay Nuestra Seรฑora de Araceli at kinabukasan ng gabi ay tumawag ang asawa ko na nakapasa siya sa exam at siya ang nakakuha ng matas na points sa exam sa tatlo silang nakapasa at sunod sunod na interview at ngayon regular na siya sa trabaho. Bumalik uli ako ng Araceli noong August 21, 2025 para magpasalamat at kumuha ng imahe (replika) niya para meron na ako sa bahay naming. Sana lang makabalik din uli sa kapistahan niyaโ.
Patunay pa sa paghihimala ng imahen ng Nuestra Seรฑora de Araceli noong hinagupit ng bagyong Odet (December 17, 2021) ang Araceli. Ayon kay Padre Jason Resurreccion, Disyembre 18, 2021 matapos ang hagupit ng bagyong Odet dito sa Bayan ng Araceli, โkami ay nag ikot-ikot sa paligid ng Parokya. Tumambad sa amin ang isang nakakapanindig balahibong eksena. Basag ang kahon at salamin na nag-iingat sa original na pinakamatandang imahen ng Nuestra Seรฑora de Araceli, nakabagsak ang malaking krus, ang pisngi at tainga ni Hesus ay nasa harap mismo ng Mahal na Ina. Iyong krus na siyang bumagsak sa pinagsisidlan ng mahal na Ina ay isa ring pumipigil na tuluyang maipit ang mga imahen ng buong bigat ng bubong ng bumagsakโ.
Isa sa mga paniniwala ng mga mamamayan ng Bayan ng Araceli na ang pagdarasal kay Nuestra Seรฑora de Araceli ay nakapagbibigay ng masaganang pamumuhay lalo na sa pangingisda at pagsasaka na pangunahing kabuhayan ng mga mamamayan dito. Sa makatuwid, ang pagdiriwang ng kapistahan ni Nuestra Seรฑora de Araceli tuwing buwan ng Disyembre ay pasasalamat din sa Patron sa pagbibigay ng masaganang pamumuhay.
KAHALAGAHAN
PANGUNAHING KONSIDERASYON
Pangkasaysayan: Ang imahen ay iniwan ng mga misyonerong paring kastila bilang bahagi ng pagpapalaganap ng kolonisasyon taong 1821 matapos silang hindi makaalis sa pampang ng Araceli dahil sa masamang panahon. Naniniwala sila na nais ng Birhen na maiwan sa lugar, kayaโt ang imahen ay naging sentro ng pananampalataya ng buong bayan ng Araceli. Mula rito, ipinangalan ang bayan bilang Araceli, isang bihirang pangyayari kung saan ang pangalan ng lugar ay direktang nagmula sa isang imahen at walang katulad sa buong Pilipinas.
Estetika: Ang anyo ng imahen ay hindi marangya; sa halip, nagbibigay ito ng damdamin ng katahimikan, pananalangin, at paglapit ng isang Ina sa kanyang mga deboto. Bagamaโt may korona at balabal, ang kabuuang dating ay hindi labis na engrande kundi banayad at mahinahon. Sa unang tingin ay hindi mapapansin na gawa ito sa kahoy sapagkat pulido ang pagkakaukit nito.
Siyentipiko: Ang imahen ay gawa sa kahoy na sipres na kung saan ay may natural na Langis at resin na nagbibigay ng amoy at proteksiyon laban sa moisture at insekto. Magaan ngunit matatag kaya angkop sa paggawa ng kagamitan at istruktura. Resistente sa anay dahilan kung bakit nanatili ang ganda ng pagkakaukit nito sa kabila ng paglipas ng panahon.
Panlipunan: Maituturing na may kahalagahang panlipunan ang imahen ng Nuestra Seรฑora de Araceli dahil nagkakaroon ng pagtitipon ang mga katolikong mamamayan ng Bayan ng Araceli lalo na ang nasa Poblacion tuwing araw ng Linggo upang magdasal at dumalo sa misa. Kasabay ng Banal na Misa ay nagdarasal din ang mga mamamayan sa imahen bilang tanda ng kanilang pananalig sa Patron. Bukod pa rito, ang Bayan ng Araceli ay nagdaraos ng piyesta tuwing buwan ng Disyembre bilang parangal kay Nuestra Seรฑora de Araceli kung saan ay nagkakaroon ng Fluvial Prusisyon o Karakol na kung saan ay iniikot ang imahen sa karagatang nasasakupan ng bayan sa pamamgitan ng bangka at iniiikot sa buong Poblacion ang imahen sa pamamgitan ng prusisyon.
Ispiritwal: Ang imahen ng Nuestra Seรฑora de Araceli ay siyang pinagmulan ng pananampalayatang katoliko sa bayan ng Araceli noon pang taong 1902. Nagpagawa rin ang Parokya ng maliliit na replika ng imahen para sa mga kabahayan ng mananampalayang Aracelian bilang dagdag tanda ng kanilang pananampalataya sa Nuestra Seรฑora de Araceli.
KOMPARATIBONG KONSIDERASYON
Pinagmulan: Ang imahen ng Nuestra Seรฑora de Araceli ay pag-aari ng parokya ng Nuestra Seรฑora de Araceli na iniwan ng mga misyonerong paring kastila mula sa Espanya na sakay ng galyon na sumilong sa pampang ng Araceli na patungong Luzon taong 1821.
Kinakatawan: isang magandang halimbawa ng imahen na galing sa bansang Espanya.
Pambihira: Bagamat ang bawat kapilya ng mga Barangay at Sitio ng Bayan ng Araceli ay may mga imahe din ng kanilang Patron sa kani-kanilang Kapilya, maituturing na pambihira at kakaiba ang Imahen ng Nuestra Seรฑora de Araceli dahil ito ay nag-iisang imahen sa bayan ng Araceli na nanggaling sa Espanya at walang katulad sa buong Pilipinas
Pangkahulugang Potensiyal: Sentro ng debosyon ng mga Katoliko sa Araceli, Palawan; nagbibigay ng espirituwal na identidad at pagkakaisa sa komunidad. Nagiging bahagi ng lokal na tradisyon at pista, na nagtataguyod ng kultura at kasaysayan ng bayan. At ang pamagat na โAraceliโ ay nagpapahiwatig ng mataas na dangal at kabanalan, na tila inilalapit ang pamayanan sa โlangitโ sa pamamagitan ng Birheng Maria.