Municipality of Agutaya, Palawan - Pantawid Pamilyang Pilipino Program

  • Home
  • Municipality of Agutaya, Palawan - Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Municipality of Agutaya, Palawan - Pantawid Pamilyang Pilipino Program Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipality of Agutaya, Palawan - Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Government Organization, Agutaya, .

30/07/2026
Province-Wide Simultaneous Clean-up Drive || JULY 30, 2026In line with the celebration of National Disaster Resilience M...
30/07/2026

Province-Wide Simultaneous Clean-up Drive || JULY 30, 2026

In line with the celebration of National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026. Our Pantawid Beneficiaries from Barangay Abagat, Bangcal, Cambian, Villafria, Villasol, Diit, Maracanao & Matarawis, Agutaya Palawan are actively participated in the Province-Wide Simultaneous Clean-up Drive together with the Barangay Officials and other partner-stakeholders/agencies of each barangay. The activity includes clearing of roads, drainage system, public facilities, coastal areas, and other communal spaces. This activity aims to promote environmental cleanliness, reduce risks, and strengthen community preparedness and resilience.

Magandang haponmga ka-4Ps. Sa Labinwalong taong implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), natunghayan...
20/07/2026

Magandang haponmga ka-4Ps. Sa Labinwalong taong implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), natunghayan natin ang iba't ibang bahagi ng positibong pagbabago na nagawa ng program sa bawat pamilyang natulungan, mga manggagawang naging bahagi at nakapaglingkod at mga kaugnay na ahensya. Kaya bilang mga Benepisyaryo ng program, Inaanyayahan namin kayo na ibahagi ang inyong naging karanasan sa loob ng 18 taon ninyong pagiging kabahagi sa program. Ilagay lamang po sa comment section ng post ng DSWD MIMAROPA Region ang inyong Kwento ng Karanasan. Maraming Salamat po. Mabuhay kayo 🥳🤩☺️

𝟏𝟖 𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨. 𝟏𝟖 𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲 𝐏𝐮𝐬𝐨. 💙

Sa loob ng labingwalong taon, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program - 4Ps ay naging bahagi ng pagbangon, pag-asa, at tagumpay ng milyun-milyong pamilyang Pilipino. Ngunit higit sa mga bilang at datos, ang tunay na sukatan ng programa ay ang mga kuwentong nabuo... mga pangarap na natupad, mga pagsubok na nalampasan, at mga buhay na nabigyan ng bagong pag-asa.

Ngayon, nais naming marinig ang iyong kuwento.

Ano ang pinakamahalagang aral o karanasang natutuhan mo bilang bahagi ng 4Ps? Paano binago ng programa ang iyong buhay o ang buhay ng iyong pamilya?

Ibahagi ang iyong kuwento sa comment section. Maaaring ang iyong karanasan ang magsilbing inspirasyon at pag-asa sa iba.

Sama-sama nating ipagdiwang ang —isang paglalakbay ng pag-asa, pagkakaisa, at pagbabagong patuloy na nagbibigay-lakas sa bawat pamilyang Pilipino.

❤️

Taos-pusong pasasalamat sa Municipal Agriculture Office (MAO) ng LGU Agutaya sa kanilang suporta sa pamamagitan ng pagbi...
14/07/2026

Taos-pusong pasasalamat sa Municipal Agriculture Office (MAO) ng LGU Agutaya sa kanilang suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba't ibang vegetable seeds noong Abril 2026 para sa tatlong (3) clusters sa Barangay Villa Sol. Dahil sa programang ito, nagkaisa ang mga benepisyaryo na magtatag ng isang communal garden bilang paraan upang mapalakas ang kanilang food security at magkaroon ng karagdagang mapagkukunan ng kita.

Sa tulong ng sama-samang pagtutulungan ng mga miyembro ng bawat cluster, maingat nilang naitanim at napangalagaan ang mga binhing ipinagkaloob. Sa paglipas ng mga buwan, naging luntian, malago, at masagana ang kanilang communal garden. Sa kasalukuyan, namumunga na ang ilan sa mga gulay, na hindi lamang nagsisilbing pagkain para sa kanilang mga pamilya kundi naibebenta rin ang sobrang ani upang magkaroon ng karagdagang kita.

Malaki ang naging papel ng pagkakaisa, disiplina, at aktibong pakikilahok ng bawat miyembro sa tagumpay ng proyektong ito. Higit sa lahat, naging epektibo ang pamumuno ng kanilang mga Parent Leaders na nagsilbing gabay at inspirasyon sa pagpapatuloy ng pangangalaga sa hardin. Ang proyektong ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng komunidad at suporta ng mga partner agencies tulad ng Municipal Agriculture Office, posible ang pagkakaroon ng isang napapanatiling kabuhayan at mas matatag na seguridad sa pagkain para sa mga benepisyaryo.

Magandang Hapon mga ka-4Ps.                                                                                        Ito p...
30/06/2026

Magandang Hapon mga ka-4Ps. Ito po ang pangalan ng mga Potential Pantawid beneficiaries for Validation and Registration sa darating na July 06-09, 2026, 9:00am - 5:00pm sa Barangay Hall, Barangay Algeciras, Agutaya para sa gagawing Community Assembly (Pagveverify at update ng inyong impromasyon). Ihanda at dalhin ang mga sumusunod: - Long white folder, - Birth certificate of all family members -Marriage certificate if married, -family picture printed in one bond paper, -house picture printed in one bond papers, -school enrolment certificate of 3-18 years old members (makukuha sa ML ng Barangay), -Health Certificate for 0-5 years old (makukuha sa ML ng Barangay)
-Photocopy of National ID of all members of family -LRN sa school ng mga batang nag-aaral at -2x2 ID picture.

1. JOSEPH RAGUIN ABEQUE
2. VICTOR ALILAY ABERTE JR.
3. RYAN PEREZ ABUCAY
4. OLIVER ABANTO ALEÑO
5. JEMBOY DEJUMO ANFONE
6. BERNARD DELA PENA ARABIS
7. RODEL GONZALEZ ARCEO
8. CHRISTHIAN ANDALES ARRABIS
9. MARLOT ABREU BACARO
10. ALEX DELOS ANGELES BACARO
11. MARK JOHN BACUEL BACARO
12. ROMIO LOPEZ BALBUENA
13. REYNAN BAJARDO BANUA
14. HARLAN TAPI-ON BATIANCILA
15. LEOMAR CATUBAY BAYLOSIS
16. ERLINDA ESTEVES BRANE
17. RAMON BATIANCILA CABISAREZ
18. JOHN BRYAN AGUSTIN CALAY
19. JONE PADUA COLONGAN
20. GOMAR QUIMBO COMISO
21. MARK JESON GARCIA DIOCADES
22. NEIL BACUEL EDEP
23. JAY QUEZON DELOS REYES ELAIDA
24. REDANDE HABULIN ENSESA
25. RICHARD COMADESO ESCOLAR
26. NELITO ARGUILLES FLORES
27. JERICK PADUGA FORTUNA
28. JHONLIE GONZALES GALLARES
29. PERLITO MATIS GALLARES
30. JENNY ALMOCERA GIGANTE
31. RETCHEL BACUEL GREGORIO
32. REYNOLD ZUMARAGA LAGUTAN
33. RENEBOY GIDUCOS LANDAO
34. JUANITO LEYAL LUCION
35. ARNEL BACUEL MAAT
36. RONALD CONEJOS MADJOS
37. ERNIO BENJAMIN MAGDARAOG
38. CESAR FAROL MANLOLO
39. ZALDY NUEVO MERAÑIA
40. JERIC ZUMARAGA MONTANO
41. BON BON MORENO NABOR
42. RENANTE GONZALEZ NOTARIO
43. JAYYAY DANAO OFIASA
44. WILDEMER ZABANAL PEPETO
45. CARLITO ROMBAIS PEPITO
46. JASPER EBAÑEZ RABE
47. NORVEL BARTOLATA RAGO
48. TEDDY REBAMONTE REYES
49. FREC ESPINOSA ROCERO
50. NERIE VARGAS ROLDAN
51. JAYSON MARFIL ROMBAIS
52. EDGING REPOLYO RUADO
53. VICENTE VELIGANIO SABOLO
54. RODEL OAB SANTIAGO
55. VICTORIO ABEJO SORDILLA
56. ALLAN GIDUCOS SUMAMPONG
57. RENANTE ZUMARAGA TACOB
58. GLENN CRIS ABON TALINGTING
59. ERIC DELO ANGELES TALINGTING
60. BERT GADGER MORACA TAPDASAN
61. EDWIN BALBERO VALAQUIO
62. JEROME DOMINGO VALENSAYO
63. JIE ALVIN CAABAY VELLER
64. JAYSON FLORES VENTORINA
65. RHAINE DELO SANTIAGO VERDON
66. RAUL ALO VILLACAMPA
67. RIO ABON VILLACAMPA

Magandang Gabi mga ka-4Ps.                                                                                        Ito po...
29/06/2026

Magandang Gabi mga ka-4Ps. Ito po ang pangalan ng mga Potential Pantawid beneficiaries for Validation and Registration sa darating na July 10, 2026, 9 o'clock ng umaga sa Covered Court, Barangay Concepcion, Agutaya para sa gagawing Community Assembly (Pagveverify at update ng inyong impromasyon). Ihanda at dalhin ang mga sumusunod: - Long white folder, - Birth certificate of all family members -Marriage certificate if married, -family picture printed in one bond paper, -house picture printed in one bond papers, -school enrolment certificate of 3-18 years old members (makukuha sa ML ng Barangay), -Health Certificate for 0-5 years old (makukuha sa ML ng Barangay), -Photocopy of National ID of all members of family -LRN sa school ng mga batang nag-aaral at -2x2 ID picture 1. RICKY BACARO BANTOG 2. MELVIN BENSON BORDAJE 3. ARACELI TORRES CATUGORAN 4. FELIPE DOPONDA CERVANTES 5. CARLO CASTILLO ESLUM 6. RODERICK MARTINEZ GARCIA 7. LEONARD CHAVEZ GIGANTE 8. ALJONIL SABOLO LANOY 9. ROMEO LAGUTAN LATUBE 10. MARK ANTHONY ONUD LUPAS 11. MELVIN ALMONICAR MARABI 12. MARIO COLLARIN MONTERDE 13. CHRISTOPHER CASIDSID ORLANES 14. IVAN -- QUIÑO 15. MC KIEVEN BACARO RAGUIN 16. VICENTE MONTAÑO VILLACARLOS 17. PRINCE REYNALDO BACARO ZUMARAGA

Idinaos ang Graduation ceremony ng 19 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa mga barangay ng Aba...
29/06/2026

Idinaos ang Graduation ceremony ng 19 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa mga barangay ng Abagat, Bangcal, Cambian at Villa Fria noong ika-26 ng Hunyo, 2026 sa Function Hall ng Barangay Bangcal, Agutaya, Palawan. Ang kaparehong gawain ay ginanap din sa Barangay Matarawis noong ika-9 ng Hunyo kung saan nagtapos ang 7 sambahayan at ika-10 ng Hunyo sa Barangay Maracañao na may 6 na nagsipagtapos na sambahayan. Dumalo ang mga Partners ng programa sa pagdaos ng aktibidad mula sa DepEd at DOH at iba pang katuwang ng programa. Ang Pugay-Tagumpay na ginanap ay naglalayong bigyang karangalan ang pagsusumikap ng mga sambahayang Pantawid upang tuluyang maputol ang siklo ng kahirapan at maitawid sa kaunlaran ang kanilang pamilya.

Lubos naman ang pasasalamat ng Municipal Operations Office-Agutaya sa Lokal na pamahalaan ng Agutaya sa pamumuno ng butihing Mayor, Hon. Fernando G. Ilustrisimo, Sr. at Vice-Mayor, Hon. Joey B. Zumaraga at sa mga miyembro ng Sangguninag Bayan para sa token na 7 kilo na bigas para sa mga nagsipagtapos. Lubos din ang pagpapasalamat ng assigned Municipal Link sa mga barangay na si Kimberly Blanco sa walang sawang suporta sa pag-iimplementa ng Programa ng mga Punong Barangay at Barangay council.

𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲 Isang makabuluhan at makasaysayang pagdiriwang ang isinagawa noong Hunyo 9, 2026 sa Barangay Diit Mu...
18/06/2026

𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲

Isang makabuluhan at makasaysayang pagdiriwang ang isinagawa noong Hunyo 9, 2026 sa Barangay Diit Multi-Purpose Hall sa pamamagitan ng Pugay Tagumpay Ceremony bilang pagkilala sa labing-siyam (19) na sambahayan mula sa Barangay Diit na kabilang sa Level 3 at NATT households na matagumpay na nag-exit sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang Pugay Tagumpay ay hindi lamang pagkilala sa pagtatapos ng kanilang pagiging benepisyaryo ng programa kundi isang pagdiriwang ng kanilang mga tagumpay, pagsisikap, at pagpupursigi upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang mga pamilya. Sa pamamagitan ng kanilang pagtitiyaga at pakikiisa sa mga layunin ng programa, naging daan ito upang makamit nila ang mas mataas na antas ng kaunlaran at pagiging self-sufficient.

Naging matagumpay ang programa sa pakikiisa ng iba't ibang katuwang na ahensya at mga lider ng komunidad. Kabilang sa mga dumalo sina OIC Barangay Kagawad Hon. Julychrist E. Nalogoc, Ma'am Mary Jane N. Tabarangao, OIC ng Diit Elementary School, Sir Remar B. Remar, OIC ng Diit National High School, Ma'am Azucena S. Zabanal, Area Midwife ng Municipal Health Office, Ma'am Emelyn S. Edradan, Day Care Teacher, Sir Adrew L. Gabasan, representative ng MSWDO, mga Parent Leaders, at iba pang stakeholders na patuloy na sumusuporta sa programa.

Lubos ang aming pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Agutaya sa pamumuno ni Mayor Hon. Fernando G. Ilustrisimo Sr. para sa kanilang walang sawang suporta sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa mga benepisyaryo ng 4Ps. Bilang tanda ng pagkilala sa mga exiting households, nagkaloob ng token na binubuo ng 7 kilong bigas para sa bawat pamilya bilang simbolo ng kanilang suporta at pakikiisa sa bagong yugto ng buhay ng mga benepisyaryo.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Barangay Diit, sa mga kinatawan ng Department of Education (DepEd), Municipal Health Office (MHO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Daycare Teacher, mga Parent Leaders, at iba pang partner stakeholders sa kanilang patuloy na suporta, pakikipagtulungan, at dedikasyon sa pagsusulong ng kapakanan ng mga pamilyang benepisyaryo. Ang kanilang mahalagang kontribusyon ay naging susi sa matagumpay na pagpapatupad ng programa at sa pagkamit ng mga tagumpay ng ating mga exiting households.

Muli, binabati namin ang ating labing-siyam (19) Pugay Tagumpay awardees. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang mga pamilya na patuloy na nagsisikap para sa mas maunlad, mas matatag, at mas magandang kinabukasan.

PISTA NG KALIKASAN 2026TINGNAN || Aktibong nakilahok ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Bara...
08/06/2026

PISTA NG KALIKASAN 2026

TINGNAN || Aktibong nakilahok ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Barangay Cambian sa isinagawang Mangrove planting activity bilang bahagi ng selebrasyon ng Pista ng Kalikasan 2026. Isinagawa ang Mangrove planting sa Sitio Badiang, Barangay Cambian, Agutaya, Palawan noong ika-5 ng Hunyo 2026. Layunin ng gawaing ito na protektahan ang Kalikasan sa pamamagitan ng iba't-ibang gawain tulad ng Tree planting, Clean-up Drive at Kamalayan sa publiko.

Nakibahagi rin sa gawain ang ilang miyembro ng Pantawid ng Barangay Abagat, Lokal na Pamahalaan ng Agutaya, mga empleyado ng Agutaya Municipal Health Office, mga opisyales ng Barangay Cambian, gayundin ang mga Personnel ng Agutaya Municipal Police Station, Philippine Coast Guard Sub-Station Agutaya at Agutaya Municipal Fire Station.

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM’S CAMPAIGN ON BATA BALIK ESKWELA| BRGY. ALGECIRAS, AGUTAYA,PALAWANTema: “Bida ang Ba...
04/06/2026

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM’S CAMPAIGN ON BATA BALIK ESKWELA| BRGY. ALGECIRAS, AGUTAYA,PALAWAN

Tema: “Bida ang Batang NASa Eskwela”

Matagumpay na naisagawa ang kampanya ng Bata Balik Eskwela noong ika-4 ng Hunyo taong 2026 sa Bgy function Hall, Brgy. Algeciras Agutaya, Palawan.

Layunin ng aktibidad na ito na mahikayat muli ang mga Not Attending School (NAS) children na bumalik sa paaralan at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ito ay isang adbokasiya na inisyatibo ng Department of Social Welfare and Developement sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Dinaluhan ito ng ating mga partners sa DEPED- Sekondarya - Sir Argie Luis B. Abus ,Teacher III/Teacher Leader from Concepcion National High School-Algeciras Annex, Ma'am Caroline C. Abus,Head Teacher from Algeciras Elementary School(AES),Sir Eric Q. Maat ALS Teacher, Barangay Local Gov't Unit ng Barangay Algeciras Hon. Marites M. Talingting - Comm. On Education, Ma'am Aisa B.Gasing,Nurse II from Bgy. Algeciras Health Station,Hon, Ivy L. Edep,SK chairperson,Hon. Clariza Jane M.Talingting, Hon. Phebe Q. Cadlaon,SK kagawad. Ang mga katuwang na ahensya ay nagbahagi ng kanilang mga program at serbisyo patungkol sq kanilang mga ahensya at mensahe para sa mga Not Attending School Children. Naging malaking tulong ito para mahikayat pa ang mga kabataan na bumalik sa paaralan at manigyan ng kahalagahan ang edukasyon bilang sandata sa pagharap sa mga hamon sa buhay at maging susi sa tagumpay patungo sa magandang kinabukasan.
At ang bida sa aktibidad ay ang mga Kabataang huminto sa pag-aaral na maari pang ma-monitor sa 4Ps kasama ang kanilang mga magulang.

May mga piling bisita na naimbitahan na mga dating 4Ps monitored child/beneficiary ang nagbigay ng inspirational na mensahe o testimonya ng kanilang buhay sa pag-aaral at kung paano sila naging matagumpay, at mensahe din para magkaroon ng interest ang mga bata sa pag-aaral. Ang magkapatid na sina Ms. Irene Grace Z. Bacaro at Mr. John Eric Z. Bacaro na nagtapos sa programang Bachelor of Science in Entreprenuership kasama ang kanilang Ina na si Mrs. Elena Z. Bacaro, Bilang dating 4ps monitored na ngayon ay tunay ng matagumpay at propesyunal na.

Isang pagpapasalamat din kay Mrs. Josephine M. Monterde ,Parent Leader sa pagpapaunlak na maging tagapagdaloy (MC) sa nasabing programa. Ang kanyang husay sa pagpapadaloy ng program ay naging daan sa kaayusan at tagumpay ng programa ng BBE.

Sa ngalan ng dalawang Project Development Officer II ng Algeciras at Concepcion Sub- office, Maam Ellenj Garcia at Maam Mimi Tabangay Beljica-Ramirez buong pusong nagpapasalamat sa pagdalo at pakikiisa ng mga taong naging bahagi sa tagumpay ng Bata Balik Eskwela dahil Bida ang Batang NASa Eswela. Naway ang programang ito ay magsilbing daan upang mahikayat ang mga Not Attending School na bumalik sa pag-aaral at mahikayat pa na magkaroon ng motibasyon para sa ikakabuti ng kanilang buhay at pahalagahan ang kanilang edukasyon.

Address

Agutaya

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Agutaya, Palawan - Pantawid Pamilyang Pilipino Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share