Sofronio Española DRRMO

Sofronio Española DRRMO Municipality of Sofronio Española Disaster Risk Reduction and Management Office

20/08/2026

There is no such thing as a natural disaster. ⚠️

Hazards are natural. Disasters are not — they result from where people live, how infrastructure is built, and who has access to early warning systems. Reporting on these human causes, rather than framing events as "natural", puts the focus on what can be done to reduce risk.

Journalists and media professionals have a responsibility to help the public and political leaders understand what actually drives disaster losses, so that policy decisions can address them.

📍 Where people live, how infrastructure is built and who has access to early warning systems shapes who survives a flood, storm or earthquake.

🖋️ Framing these events as natural shifts attention away from planning choices and towards fate.

💬Just say "disaster" — there's nothing more natural.

➡️ https://ow.ly/ENaG50ZAzxs

🌳 CLEARING OPERATIONS | SITIO MALALONG“Bawat Sagabal, Sama-Samang Tinatanggal—Para sa Ligtas na Daan.” 🚑💪Noong August 17...
17/08/2026

🌳 CLEARING OPERATIONS | SITIO MALALONG

“Bawat Sagabal, Sama-Samang Tinatanggal—Para sa Ligtas na Daan.” 🚑💪

Noong August 17, 2026, bandang 8:50 PM, agad rumesponde ang MDRRMO Sofronio Española kasama ang mga residente ng Pulot Center upang magsagawa ng clearing operations sa Sitio Malalong.

Agad na inalis ang mga natumbang puno na humarang sa PD Road, upang maibalik ang ligtas at maayos na pagdaan ng mga motorista at residente.

🤝 MDRRMO + Barangay Residents = Sama-samang Aksyon para sa Kaligtasan!

Operations and Warning Division

12/08/2026
🌊 LIGTAS ANG LAHAT: JOINT RESCUE OPERATION SA KARAGATAN NG SOFRONIO ESPAÑOLAAugust 12, 2026 | King Paradise Vicinity, So...
12/08/2026

🌊 LIGTAS ANG LAHAT: JOINT RESCUE OPERATION SA KARAGATAN NG SOFRONIO ESPAÑOLA

August 12, 2026 | King Paradise Vicinity, Sofronio Española, Palawan
Isang pagsubok sa dagat, ngunit nauwi sa ligtas na pagtatapos. 🤝🚤

Noong August 11, 2026, bandang 8:00 ng gabi, ang M/BCA Son Guko, na bumibiyahe mula Puerto Princesa City patungong Samariña, Brooke’s Point, Palawan, ay nakaranas ng biglaang malakas na bugso ng hangin at pagbabago ng direksyon ng hangin habang nasa karagatang sakop ng Sofronio Española, malapit sa King Paradise Island.

Dahil sa insidente, tumama ang bangka sa bahura at nagkaroon ito ng butas. Mabuti na lamang at ligtas ang lahat ng apat na sakay. Nagpasya silang pansamantalang manatili sa King Paradise upang ayusin ang kanilang bangka bago ipagpatuloy ang kanilang biyahe.

Kinabukasan, August 12, 2026, agad na isinagawa ang Joint Response and Rescue Operations ng MDRRMO Sofronio Española, Philippine Coast Guard – Iraray Sub-Station, at SAGIP-Palawan, bilang tugon sa sitwasyon.

Sa direktiba ng MDRRMC Chairperson Hon. Abner Rafael N. Tesorio, at sa pangunguna ni LDRRMO Nestor A. Asag, mabilis na kumilos ang mga responders upang magsagawa ng assessment, search and rescue support, medical standby, at assistance sa mga sakay ng bangka.

Pinangunahan ni Mohammad Isa S. Itin bilang Team Leader/Boat Operator ang MDRRMO team, kasama sina Alberto Gener bilang Mechanic/Technical Support at mga responders na sina Anthony Jardin, Jomel Alipoon, at Brisnib Manzul.

Naka-standby rin ang medical team na sina Jemuel Rodelas at Mahadir Muha, kasama ang driver na si Gustavo Pardino, habang ang SAGIP-Palawan ay nagbigay ng karagdagang medical support sa pamamagitan nina Bienvenido Cabaluna at Manuelito Quiocson.

Nakibahagi rin ang Philippine Coast Guard – Espanola Station personnels.

Ang mga sakay ng M/BCA Son Guko ay sina Jenson Do, 54 years old; Manuel Verallo Jr., 42 years old; Arman Do, 64 years old; at Jovito Mejia, 72 years old, boat owner.

Sa bawat rescue operation, hindi lamang bilis ang mahalaga—kundi koordinasyon, kahandaan, disiplina, at malasakit sa buhay ng kapwa.

Saludo kami sa lahat ng personnel at partner agencies na agad tumugon at naglaan ng oras at lakas upang matiyak na ligtas ang mga kababayan nating nasa karagatan. 💙

Isang buhay na mailigtas ay isang tagumpay.
Isang responder na handang tumugon ay simbolo ng tunay na serbisyo. 🚑🚤🛟

MDRRMO SOFRONIO ESPAÑOLA
Philippine Coast Guard – Iraray Sub-Station
SAGIP-Palawan

30/07/2026

Address

Sofronio Españnola
Palawan
5324

Telephone

+639267412576

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sofronio Española DRRMO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sofronio Española DRRMO:

Shortcuts

Share