04/08/2026
๐ฎ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐, ๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ข๐ข๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ง๐ฌ ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ โ ๐ง๐๐ฅ๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฅ๐ข๐ซ๐๐ฆ, ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก
Agosto 4, 2026 โ Nakiisa ang mga tauhan ng 2nd Palawan PMFC sa isinagawang Retooled Community Support Program (RCSP) โ Tarabiangan Serbisyo Caravan sa Barangay San Isidro, Roxas, Palawan, na pinangunahan ng Local Government Unit of Roxas sa pamumuno ni Hon. Pedy B. Sabando, Municipal Mayor.
Layunin ng programa na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng barangay. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng gamot, medical at dental check-up, mga programa ng TESDA, serbisyo mula sa Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Civil Registrar (MCR), Municipal Social Welfare and Development (MSWD), at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Bilang suporta sa nasabing programa, nagbigay rin ang 2nd Palawan PMFC ng libreng gupit sa mga residente bilang bahagi ng kanilang patuloy na community outreach at serbisyo publiko.
Patuloy na nakikipagtulungan ang 2nd Palawan PMFC sa mga lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya upang maisulong ang mga programang nagtataguyod ng kapayapaan, kaunlaran, at mas matatag na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad.