Palawan Provincial DRRM Office

Palawan Provincial DRRM Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Palawan Provincial DRRM Office, Government Official, PDOCP (PDRRMO Headquarters) PEPO Compound, Barangay Irawan, Puerto Princesa, Palawan.

New Official page of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office - Palawan
Email : [email protected]
PDRRMO HOTLINE
+639171197036
+639171342850

PAALALA | HAZE / USOK SA HANGINAng Haze ay kundisyon kung saan lumalabo ang hangin dahil sa usok at maliliit na dumi o p...
31/08/2026

PAALALA | HAZE / USOK SA HANGIN

Ang Haze ay kundisyon kung saan lumalabo ang hangin dahil sa usok at maliliit na dumi o particle na nakasuspinde sa atmospera. Maari itong makaapekto sa kalidad ng hangin at kalusugan, kaya mahalaga na manatiling alerto sa sumunod sa mga abiso ng awtoridad.

Namataan ang haze o makapal na usok na nakahalo sa hangin sa ilang bahagi ng Palawan at maaaring magpatuloy depende sa direksyon at bilis ng hangin.

Batay sa kasalukuyang monitoring ng PHILSA at ASEAN ASMC sa rehiyon, posibleng nagmumula ang usok sa mga sunog sa kagubatan at peatland sa Indonesia at Malaysia, na maaaring natatangay ng hangin patungo sa katimugang bahagi ng ASEAN region, kung saan kasama ang Pilipinas. Katulad ito ng transboundary haze na naitala noong Setyembre 2019 na nagmula rin sa Indonesia.

Gayunman, patuloy ang pagmomonitor sa sitwasyon at pinapayuhan ang publiko na limitahan ang paglabas kung saan lantad sa haze at mag-ingat dahil sa posibleng pagbaba ng visibility o tanaw sa kalsada, karagatan, at iba pang lugar.

MGA PAALALA PARA SA KALUSUGAN AT KALIGTASAN:

• Iwasan ang matagal na pananatili sa labas, lalo na ang mga bata, matatanda, buntis, at mga may asthma o sakit sa puso at baga.
• Kung kinakailangang lumabas, magsuot ng maayos at angkop na facemask.
• Panatilihing nakasara ang mga bintana at pinto kapag kapansin-pansin ang haze.
• Iwasan muna ang mabibigat at matitinding aktibidad sa labas.
• Magpakonsulta agad sa doktor o pinakamalapit na health facility kung makararanas ng hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, o lumalalang ubo.

PAALALA SA MGA MOTORISTA, MANGINGISDA AT MANLALAKBAY:

Mag-ingat sa pagbiyahe dahil maaaring magkaroon ng mahinang visibility o mababang tanaw, partikular tuwing bukang-liwayway, gabi, at madaling-araw.

Ang mababang visibility ay maaaring magdulot ng panganib sa paglalakbay sa kalsada, dagat, at himpapawid. Pinapayuhan ang mga motorista, mangingisda, at manlalakbay na magpatupad ng karagdagang pag-iingat at iwasang bumiyahe kung delikado ang kondisyon.

POSIBLENG EPEKTO SA KALUSUGAN:

Ang pagkakalantad sa haze at pinong partikulo sa hangin ay maaaring magdulot ng:
• Pangangati ng mata, ilong, at lalamunan
• Tuyong ubo at pananakit o pamamalat ng lalamunan
• Paglala ng asthma, bronchitis, allergic rhinitis, at iba pang problema sa paghinga
• Mas mataas na panganib ng pagkapagod o pagkapuwersa ng puso at iba pang cardiovascular problems sa mga taong mas sensitibo
• Pananakit ng ulo, pangkalahatang hindi komportableng pakiramdam, at iba pang short-term na sintomas

MGA POSIBLENG EPEKTO SA KALIGTASAN:

• Pagbaba ng visibility na maaaring makaapekto sa biyahe sa kalsada, dagat, at himpapawid
• Mas mataas na posibilidad ng aksidente dahil sa mahinang visibility
• Posibleng pagkaantala o pagkansela ng mga panlabas na aktibidades katulad ng trabaho o klase, at iba pang aktibidad sa komunidad kapag naging hindi na maganda sa kalusugan ang kalidad ng hangin

SINO ANG MAS NANGANGANIB?

🔸 Mga sanggol at bata
🔸 Mga matatanda
🔸 Mga buntis
🔸 Mga may asthma at Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)
🔸 Mga may sinusitis o allergic rhinitis
🔸 Mga may sakit sa puso at baga.
🔸 Mga taong madalas nagtatrabaho o nananatili sa labas ng matagal.

Pinapayuhan ang lahat na patuloy subaybayan ang mga opisyal na advisory at updates mula sa PDRRMO, LGU, PAGASA, DOH at ibang kinauuklang ahensya.

Basic Mountaineering Course (BMC) TrainingNagsagawa ng tatlong (3) araw na Basic Mountaineering Course (BMC) Training sa...
30/08/2026

Basic Mountaineering Course (BMC) Training

Nagsagawa ng tatlong (3) araw na Basic Mountaineering Course (BMC) Training sa Bayan ng Narra mula Agosto 26 hanggang Agosto 28, 2026.

Ang naturang pagsasanay ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Municipality of Narra, Narra Municipal Tourism Office, Narra Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Techno Maru Philippines, at nagsilbing isa sa mga trainer naman ang mga kawani mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ito ay dinaluhan ng 30 kalahok mula sa MDRRMO Narra, BFP, Tourism sector at local mountaineers and climb organizers.

Ang Basic Mountaineering Course Training ay pagsasanay na nakatuon sa kaligtasan, paghahanda, tamang pamamaraan, at pagtugon sa mga posibleng panganib habang naglalakbay sa bundok.

Saklaw ng pagsasanay na ito ang mga sumusunod:

Mga pangunahing kaalaman sa mountaineering- tamang asal at responsibilidad sa pag-akyat;
Paghahanda at wastong kagamitan- pagpili at tamang paggamit ng kinakailangang equipment;
Basic navigation- Paggamit ng mapa, compass, at iba pang paraan ng pagtukoy ng direksyon at lokasyon;
Pagtukoy at pagsusuri ng panganib- pagkilala sa mga banta tulad ng masamang panahon, madulas na daan, landslide, at iba pang hazard;
Pangunang lunas at pagtugon sa emerhensiya- mga pangunahing hakbang kapag may nasugatan o nangangailangan ng agarang tulong;
Mga pangunahing kasanayan sa pag-akyat at pagbaba- ligtas na paggalaw sa iba’t ibang uri ng terrain;
Pangangalaga sa kalikasan-responsableng paggamit at pangangalaga sa mga likas yaman; at
Pagpaplano ng pag-akyat-paghahanda ng ruta, grupo, kagamitan, communication plan, at emergency procedures.

Sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay, patuloy na isinusulong ang kahandaan at kaligtasan ng komunidad, responders, at outdoor enthusiasts upang makamit ang isang ligtas, matatag, at panatag na Palawan.

RESCUE FRIDAY: RAPPELLING ACTIVITY ISINAGAWA PARA SA MAS PINALAKAS NA KAHANDAAN AT DISIPLINAAng rappelling ay isang tekn...
28/08/2026

RESCUE FRIDAY: RAPPELLING ACTIVITY ISINAGAWA PARA SA MAS PINALAKAS NA KAHANDAAN AT DISIPLINA

Ang rappelling ay isang teknik ng ligtas na pagbaba mula sa mataas o matatarik na lugar gamit ang lubid, harness, helmet, at iba pang angkop na safety equipment.

Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa mga emergency at kalamidad, ang Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ay nagsasagawa ng regular rappelling activity tuwing Biyernes nitong buwan ng Agosto para sa mga kawani nito. Layunin nitong mapalakas ang kanilang pisikal na kahandaan, kasanayan, kumpiyansa, at kakayahang tumugon sa sitwasyong nangangailangan ng high-angle rescue at iba pang operasyon sa matataas na lugar.

Higit pa rito, ang aktibidad ay nagsisilbing pagsasanay upang mapanatili at mapaunlad ang disiplina, teamwork, at kahandaan sa operasyon ng kawani.

Ang patuloy na pagsasanay at paghahanda ay mahalagang bahagi ng sama-samang pagsisikap tungo sa isang ligtas, matatag, at panatag na Palawan.

SAR CHALLENGE 2026, SINUBOK ANG KAKAYAHAN AT LOKAL NA KAPASIDAD NG MGA  RESCUERS SA PALAWANBilang bahagi ng patuloy na p...
28/08/2026

SAR CHALLENGE 2026, SINUBOK ANG KAKAYAHAN AT LOKAL NA KAPASIDAD NG MGA RESCUERS SA PALAWAN

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan sa Search and Rescue (SAR) Operations, isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Puerto Princesa City ang SAR Challenge 2026 noong Agosto 24-26, 2026.

Sinubok ang husay ng mga kalahok sa iba't ibang kategorya gaya ng Rubber Boat Carry at Academic Proficiency na isinagawa sa 570th Airbase Group noong Agosto 24.

Nagpakitang gilas din ang bawat grupo sa Water Operations sa City Sports Complex noong Agosto 25.

Sa huling araw ng aktibidad, ipinamalas naman ng mga rescuers ang kanilang kakayahan at galing sa Water Rescue and Boat Maneuvering gayundin sa Mass Casualty Incident (MCI) Response na parehong ginanap sa Puerto Princesa City Baywalk noong Agosto 26.

Ang pagsubok sa kakayahan ng mga rescuers ay aktibong nilahukan ng mga kinatawan mula sa Tactical Operations Wing West (TOWWEST), Palawan Police Provincial Office (PALPPO), Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), Puerto Princesa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP)-Palawan, Coast Guard District Palawan (CGDPAL), 3rd Marine Brigade (3MBDE), Joint Special Operations Task Group 1 (JSOTG1), at PNP Maritime Group (PNP MG).

Matagumpay itong naisakatuparan sa pangangasiwa ng Tactical Operations Wing West (TOWWEST) katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) bilang facilitators.

Samatala, sa pagtatapos ng challenge, itinanghal na kampeon ang TOWWEST; 1st Runner-Up ang 3MBDE habang 2nd Runner-Up naman ang PPCPO.

Ang SAR Challenge 2026 ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang higit pang mapalakas at mahasa ang teamwork, koordinasyon, pamumuno, at kahandaan ng bawat kalahok na ahensya sa emergency at disaster response.

Thunderstorm Advisory No. 6   Issued at 03:01 PM 28 August 2026Moderate to Heavy rain showers with lightning and strong ...
28/08/2026

Thunderstorm Advisory No. 6
Issued at 03:01 PM 28 August 2026

Moderate to Heavy rain showers with lightning and strong winds are expected over within the next 1 to 2 hours.

The above conditions are being experienced in Palawan Busuanga, Coron, Culion, Linapacan, Roxas, San Vicente, Dumaran, Taytay, Araceli, ElNido, Cuyo, Agutaya and Magsaysay which may persist within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Source: DOST_PAGASA

Thunderstorm Advisory No. 17   Issued at 02:57 PM 27 August 2026Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong ...
27/08/2026

Thunderstorm Advisory No. 17
Issued at 02:57 PM 27 August 2026

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Palawan Sofronio Espanola, Brooke'sPoint, Quezon within the next 1 to 2 hours.

The above conditions are being experienced in which may persist within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Source: DOST_PAGASA

Thunderstorm Advisory No. 15   Issued at 01:50 PM 27 August 2026Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong ...
27/08/2026

Thunderstorm Advisory No. 15
Issued at 01:50 PM 27 August 2026

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Palawan Aborlan, Narra, Quezon and Sofronio Espanola within the next 1 to 2 hours.

The above conditions are being experienced in Palawan Busuanga, Coron, Culion, Linapacan, ElNido, Taytay, Dumaran, Araceli, Magsaysay, Cuyo, Agutaya, SanVicente, Roxas, Puerto Princesa City and Cagayancillo which may persist within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Source: DOST_PAGASA

Thunderstorm Advisory No. 13   Issued at 02:03 PM 26 August 2026Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong ...
26/08/2026

Thunderstorm Advisory No. 13
Issued at 02:03 PM 26 August 2026

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Palawan Bataraza, Rizal, Quezon, Narra, SofronioEspanola, Aborlan, Taytay, Dumaran, Araceli within the next 30 minutes to an hour.

The above conditions are being experienced in Palawan Brooke's Point which may persist within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Source: DOST_PAGASA

Gabay sa Kaligtasan Laban sa Active Shooter: Alamin, Maghanda, Maging LigtasAng kahandaan ay nagliligtas ng buhay. Ang i...
21/08/2026

Gabay sa Kaligtasan Laban sa Active Shooter: Alamin, Maghanda, Maging Ligtas
Ang kahandaan ay nagliligtas ng buhay. Ang insidente ng active shooter ay madalas na mahirap ma-predict at mabilis na nagbabago, ngunit ang pag-alam sa dapat gawin ay makakatulong nang malaki.

Ang Pangunahing Protokol: RUN - HIDE - FIGHT (Takbo - Tago - Laban)
RUN (Takbo): Lumikas kung may ligtas na daan. Lumayo kaagad kung ligtas, iwan ang mga gamit, at hikayatin ang iba na tumakas. Kapag ligtas na, tawagan ang mga emergency service.

HIDE (Tago): Iwasang makita ng namamaril. Magtago sa silid at i-lock ang pintuan, magharang ng mga solidong bagay, patayin ang ilaw at i-silent ang mga gadget. Tumahimik, magtago, at gumawa ng mga hadlang para maantala ang umaatake.

FIGHT (Laban): Bilang huling opsyon. Ang pinakamapanganib na opsyon. Kumilos nang may agresyon, makipagtulungan bilang isang koponan upang maagaw ang armas ng umaatake, gumamit ng mga improvised na sandata, at magpursigi upang makatakas.

Pormula ng A.C.T. at Pagiging Alisto
ASSESS (Tasahin): Maging alerto sa paligid. Tukuyin ang mga posibleng banta at ang mga daanan para sa pagtakas.

CHOOSE (Pumili): Piliin ang pinakamagandang opsyon upang madagdagan ang tsansa ng kaligtasan (Run-Hide-Fight).

TELL (Sabihin): Abisuhan ang mga awtoridad sa sandaling ligtas na gawin ito. Magbigay ng malinaw at tamang impormasyon.

Pagdating ng Pulis
Manatiling kalmado, sundin ang mga tagubilin, at huwag sumigaw.

Panatilihing nakikita at bakante ang iyong mga kamay sa lahat ng oras.

Iwasan ang biglaang pag-galaw, huwag tumakbo papalapit sa mga opisyal, at asahan na ituturing kang posibleng banta.

Emergency Hotline

PDRRMO: 0917 134 2850

ITALA ANG MGA NUMERO NG EMERGENCY HOTLINE NG PULISYA, BUMBERO, AT NG INYONG LOKAL NA DRRM OFFICE, O I-DIAL ANG 911.

Tandaan: Tumakbo kung kaya mo, magtago kung kinakailangan, lumaban lamang bilang huling paraan.

Thunderstorm Advisory No. 2   Issued at 06:09 AM 20 August 2026Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong w...
19/08/2026

Thunderstorm Advisory No. 2
Issued at 06:09 AM 20 August 2026

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over (Balabac, Bataraza and Brooke'sPoint) which may persist within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Source: DOST_PAGASA

Address

PDOCP (PDRRMO Headquarters) PEPO Compound, Barangay Irawan, Puerto Princesa
Palawan
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Palawan Provincial DRRM Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share