17/09/2026
🏫 SITE VALIDATION | FY 2025 LGSF-SBDP PROJECT
📍 San Jose Elementary School, Brgy. Culasian, Dumaran, Palawan
Isang mahalagang hakbang tungo sa patuloy na pagpapabuti ng mga pasilidad pang-edukasyon sa Barangay Culasian ang isinagawang Site Validation ng DILG Palawan, na pinangunahan ni Provincial Director Myla B. Panganiban, EnP, DPA, CESE, para sa karagdagang proyekto sa ilalim ng FY 2025 Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) 2025 of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Isinagawa ang validation para sa Proposed Construction of School Building sa San Jose Elementary School, Brgy. Culasian na naglalayong makatulong sa pagkakaroon ng mas maayos, ligtas, at angkop na learning environment para sa mga mag-aaral at teaching personnel ng paaralan.
Nakiisa sa isinagawang site validation si Municipal Mayor Hon. Richard R. Herrera, kasama si Rosemarie N. Rogas, EnP, MLGOO-Dumaran, gayundin ang mga kinatawan at staff mula sa Municipal Planning and Development Office at Municipal Engineering Office ng LGU Dumaran, kasama ang mga kinauukulang opisyal at stakeholders ng paaralan at barangay.
Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na maisulong ang mga kinakailangang imprastraktura para sa sektor ng edukasyon at makapagbigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga kabataan ng Barangay Culasian.
Patuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas maayos na pasilidad, mas magandang learning environment, at mas maunlad na komunidad.
School Building
-SBDP2025
-edukasyon