16/02/2026
Mapagpalang araw po sa lahat.
Tagumpay at ligtas ng nakabalik ang Coron Athletic Delegation mula sa ginanap na Palarong Panlalawigan 2026 sa Bayan ng Bataraza, Palawan.
Tinanghal na 3rd Runner-up sa Overall Ranking ang Bayan ng Coron.
Nakamit ng Elementary Level ang 7th Runner-up na pwesto samantalang 2nd Runner-up naman ang Secondary Level.
Sa lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Palarong Panlalawigan 2026, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang-sawang tiwala, malasakit, suporta at pagtutulungan!
Sa lahat ng mga opisyales ng pamahalaang bayan at mga barangay na naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Palarong Panlalawigan 2026, tanggapin nyo po ang aming lubhang pasasalamat. Ang inyong liderato at pagmamahal sa bayan ay nagbigay daan sa tagumpay ng Palarong Panlalawigan. Ang inyong pagtutulungan at koordinasyon ay nagbigay ng isang makulay at masayang karanasan sa ating lahat.
Sa mga opisyales ng pamahalaang bayan, sa pangunguna nga ating butihing Punong Bayan, Kgg. Mayor Marjo Reyes Jr. At tulong ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Asian Manasseh Lorenzo A. Palanca kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang inyong suporta at pag-apruba ng aming mga kahiligan ay nagbigay ng mga kinakailangang resources at serbisyo upang maisakatuparan ang Palarong Panlalawigan 2026. Ang inyong dedikasyon sa pagpapabuti ng bayan ay tunay na kahanga-hanga.
Sa mga opisyales ng mga barangay, ang inyong pagtutulungan at koordinasyon ay nagbigay ng isang matagumpay na pagdaraos ng Palarong Panlalawigan sa inyong mga nasasakupan. Ang inyong pagmamahal sa inyong mga nasasakupan ay tunay na nakikita at nararamdaman.
Sa mga atleta na nagpakita ng kanilang galing at sportsmanship, kayo ang tunay na bituin ng Palarong Panlalawigan! Ang inyong dedikasyon at pagsisikap ay nagbigay inspirasyon sa ating lahat.
Sa mga coaches, trainers, at mga opisyal ng palaro, ang inyong gabay at patnubay ay nagbigay daan sa tagumpay ng ating mga atleta. Ang inyong pagmamahal at suporta ay hindi matatawaran.
Sa mga magulang, g**o, at mga tagasuporta, ang inyong walang-sawang suporta at pagmamalasakit ay nagbigay lakas sa ating mga atleta. Kayo ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanila upang magpatuloy at magtagumpay.
Sa mga organizers at committee mula sa LGU Coron, ang inyong presensya, sipag at dedikasyon sa gawaing iniatas sa inyo ay nagbigay daan sa tagumpay na nakamit ng delegasyon. Ang inyong pagkikipagtutulungan ay nagbigay ng isang makabuluhan, makulay at masayang karanasan sa ating lahat.
Muli, taos-pusong pasasalamat po mula sa DepEd Coron Inland.
Ang Palarong Panlalawigan 2026 ay isang tagumpay dahil sa inyong lahat!
Mabuhay ang Palarong Panlalawigan!
Mabuhay ang Bayan ng Coron!
Para sa Bata. Para sa Bayan.